Nakakalungkot na Katotohanan sa Intramuros

Miguel’s

Galing akong Intramuros kanina para sa isang personal na pakay sa aking dating paaralan nang madaanan ko ang gusaling ito. Dito dating nakaluklok ang madalas naming kainan noon na Miguel’s. Matapos ang mahigit 7 taon, isa na pala itong tanggapan ng PT&T. Naalala kong kuhanan ng larawan dahilan sa matagal na daw itong di nakikita ni Jean, isa daw kasi ito sa mga naunang proyekto nya bilang Civil Eng’r. Kaya kung mapadaan ka man sa pahinang ito ay heto at mag-balik tanaw tayo sa nakaraan…hmm…. ;D

Pangarap kong bumalik sa pagiging estudyante, kaya lang ay sadyang di bumabalik ang panahon…at ang mga lugar na minsa’y naging bahagi ng nakaraan ay madami na din ipinagbago. Ang napansin ko lang sa Intramuros sa ngayon ay napakadaming basura sa paligid, isang nakakalungkot na katotohanan. Kukuhanan ko pa sana ng larawan, kaya lang ay di ko kayang makita ang nawawalang kagandahan ng makasaysayang lugar na ito.

Wall

Maging sa itaas na bahagi ng kinagisnan nating “Intramuros Wall” ay di maikukubli ang nagkalat na basura. Sa larawan sa itaas ay mapapansin ang isang halimbawa. May mas malala pang pangitain kapag sumilip ka kabila ng bakod sa gawing kanan nuong nasa larawan. Gayun din sa bahagi ng Parian sa may Lyceum, sa paligid ng rebulto ng ilang bayani ay ang daming plastic at pinagbalutan ng sitserya. Sana ay bigyang pansin ito ng mga kinauukulan at mapanatili ang kalinisan. Baka sa mga susunod pang panahon ay pati ang natitirang “historical value” nito ay mawala na dahil nagmukha na siyang “smokey mountain”.

Hay, Pinoy, saan ang disiplina mo? :(

About these ads

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

4 Responses to Nakakalungkot na Katotohanan sa Intramuros

  1. mavicptwrn ay nagsabing:

    Hindi ko ma-iwasan ang malungkot sa kinahinatnan ng Intramuros ngayon…masarap tuloy balikan ang kahapon ang masayang tawanan sa Parian …ang pagbibilyar sa walled city..buhay estudyante…sa Lyceum ako nag-college. Maraming magandang ala-ala sa aming magba-barkada ang Intramuros. Diyan namin binuo ang bawat pangarap na tinutupad namin ngayon. Si Pia ngayon ay reporter na ng isang sikat na dyaryo. Si Kuya Natzi ngayon nasa Channel 7 na. Ako dito sa Baguio…nakakapanghinayang at hindi na-aalagaan ng local government or even national ang Intramuros…nalimutan na ba nila na ang significance nito sa ating history?…sadya bang puro isyung pang-pulitika na lang ang mahalaga sa kanila?…sana rin ang mga bagong estudyante diyan sa palibot ng Intramuros ay magawang mag-malasakit…

  2. mousmous ay nagsabing:

    sinabi mo pa mavicptwrn :( nalungkot ako nang makita ko ang bulto ng basura sa kabi-kabilang paligid ng wall malapit sa university row…mas masarap makitang malinis at inaalagaan ang lugar na ito, lalo na’t malaki ang naging papel nito sa kasaysayan ng Pilipinas… :(

    Sana pangalagaan ito ng mga kinauukulan…mapapansin din ang dumadaming commercial establishments…hay talaga :(

  3. ajn ay nagsabing:

    uy…thanks mousmous…ngayon ko lang nakita ito…wow ang aking first project….kakalungkot nga lang at wala na ang Miguel’s…..buti naman at after 7 years nakatayo pa din din ang building ahihihihi

    matagal na din akong di nakakabisita sa intramuros at sa aking alma mater…nakakalungkot na napapabayan na ang paligid ng walled city….i remember college days..that was a couple of years ago lang (*joke*)…iba ang feeling pag nasaloob ng intramuros…..malinis mahangin parang di ka nasa manila….masarap pumunta sa taas ng walls mahangin at maganda ang view sa paligid….sana naman di sya tuluyang mapabayan

  4. mousmous ay nagsabing:

    ayun after 10 years nagreact din! :lol:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: