Mga Salawikaing Pinoy – Revised Version
Agosto 26, 2007 Mga Puna
Gusto ko lang matawa ngayon, pakiramdam ko kasi eh “walang laman” ako ngayon (i feel empty)
Luma na ang mga salawikaing ito, pero natawa pa din ako, salamat kay Leverbreeze ng Christianster at ni-repost niya, kaya naman ire-repost ko din
——–
* Ang buhay ay parang bato, it’s hard.
* Behind the clouds are the other clouds.
* It’s better to cheat than to repeat!
* Do unto others … then run!!!
* Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.
* Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising, huwag lang sa lasing na bagong gising.
* When all else fails, follow instructions.
* Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.
* To err is human, to errs is humans.
* Ang taong nagigipit … sa bumbay kumakapit
* Pag may usok … may nag-iihaw
* Ang taong naglalakad nang matulin … may utang.
* No guts, no glory… no ID, no entry.
* Birds of the same feather that prays together … stays together.
* Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.
* Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.
* Birds of the same feather make a good feather duster.
* Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.
* Huli man daw at magaling, undertime pa rin.
* Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment
* Matalino man ang matsing, matsing pa rin.
* Better late than later.
* Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.
* Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!
* No man is an island because time is gold.
* Hindi lahat ng kumikinang ay ginto … muta lang yan.
* Kapag ang puno mabunga … mataba ang lupa!
* When it rains … it floods.
* Pagkahaba haba man ng prusisyon … mauubusan din ng kandila.
* Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.
* Batu-bato sa langit, ang tamaan … sapul.
* Try and try until you succeed… or else try another.
* Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.
* Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.
* An apple a day is too expensive.
* An apple a day makes seven apples a week.
* Ako ang nagsaing … iba ang kumain. Diet ako eh. Ü

uy grabe na itech..sakit na naman sa bengs..hagalpak ako sa tawa!!
Galing naman! nakakatuwa ang may akda nito…share ka pa ng maraming Salawikain ha…