Ilawan ang Pasko sa Puso Mo

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ngayon dahil sa kakulangan ng supply nito, isa sa pinakanapapanahong gawin ay ang pagtitipid ng enerhiya. Ngunit paano nga ba makakapagtipid nito ang isang simpleng Juan Dela Cruz, lalo na sa panahon na sasapit na naman ang pinakamasayang season ng Pasko?

Kani-kanina lang ay napanood ko ang TV Patrol at ang naging panayam kay DOE Secretary Angelo Reyes. Ako’y medyo napatawa sa kanyang naging kasagutan kung paano ba ma-solusyunan ang problema ng krisis sa enerhiya at isa nga sa mga nabanggit niya ay bawasan daw ang mga oras ng pag-iilaw sa mga billboard dahil sa mga neon lights ng mga ito na gumagamit ng kuryente, subali’t pag-usapang Christmas light sa mga poste at daanan ay ibang usapan na daw yun. Ito’y sa kadahilanang naging bahagi na daw ito ng kulturang Pinoy tuwing ipagdidiwang ang Pasko.

Subalit sa aking hamak na pananaw, ito’y isang malaking katatawanan sa kababawan ng kasagutang naturingan. Para sa akin, ang panahong ito ay panahon ng pagbabago, kung kailan dapat ay maging matalino tayo sa pag-babalanse ng ating mga resources para mabuhay. Kung para lang mapagbigyan ang kinalakihang kultura ng matitingkad at naggagandahang ilaw para lamang maramdaman mo ang Pasko ay isasaisang tabi mo ang pagtitipid ng enerhiya, ito’y isang pag-aaksaya sa limitadong biyayang ipinagkaloob sa atin, at hindi ko ito sinasang-ayunan.

Ang enerhiya ay isang elementong hindi napapalitan, kung saan ang patuloy na produksyon ay kumokunsumo ng napakalaking halaga. Sa mga panahong nagkakaroon ng krisis sa supply ng langis na ginagamit upang makapag-produce ng enerhiya, kinakailangang magdalawang isip ang mga consumers kung aaksayahin lang ba natin ito o hindi. Maaring ngayon ay di ko mararamdaman ang epekto nito kung ako’y magiging maaksaya, ngunit paano na bukas at sa mga susunod na araw pa. Baka maranasan ko na naman ang kapanahunan ni Pres. Aquino kung saan humigit kumulang 8 oras lagi ang brownout sa bawat araw.

Ang Pasko ay darating anu’t anuman ang mangyari sa atin. Pero ang enerhiya, ang langis, ang produksyon nito ay may limitasyon. At paano ba natin maipagdidiwang ang Pasko sa ganang ito?

Para sa akin, ang Pasko ay di dapat tuwing Disyembre lang natin ipinagdiriwang, at di na natin kailangan ng matitingkad ang nagkikislapang ilaw para maramdaman ito. Dahilan sa ang Pasko ay dapat isinasapuso natin araw-araw, dahil ang tunay na dahilan nito ay tayo rin mismo. OO TAYO! Ikaw, ako, sila, tayong lahat. Kung itatanong nyo kung bakit, ito lang ang simpleng kasagutan ko:

    Bakit may PASKO? –> para ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesus
    Bakit ba ipinanganak si Jesus? –> para maging Tagapagligtas (Saviour)
    Bakit may Tagapagligtas o Saviour at para saan? –> para akuin ang kaparusahan sa lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, at nang sa gayon ay maligtas TAYO

Sinasabi sa Bible na dapat tayo ay maging mabuting tagapangalaga ng mga resources na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Kung kaya’t dapat ay isabuhay natin ang wais na paggamit ng mga ito. At ang Pasko, sapagkat tayo ang “Ultimate Reason” kung bakit meron nito, ay siyang dapat nating isinasapuso at ipinagdidiwang sa araw-araw. Kung hindi nagkaroon nito, marahil ay tayo ang nakatanggap ng mga latay ng latigo at bigat ng pasanin ng krus ng Kalbaryo na dinala ni Jesus para sa atin.

Sa halip na ilawan ang mga poste, bintana at puno para maipagdiwang at madama ang Pasko, bakit di natin ilawan ang Pasko sa ating mga puso?

About these ads

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

2 Responses to Ilawan ang Pasko sa Puso Mo

  1. uzumaki ay nagsabing:

    bravoooooooooooooooo……………..
    ang galing ng opinyon mo nakaka-inspire…………….

  2. sasuke ay nagsabing:

    mganda xa pro ala lng

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: