Mga Maling Sagot sa Maayos na Tanong

Sa kabila ng kabi-kabilang anti-Arroyo rally, ng kabi-kabilang corruption, kabi-kabilang kalamidad, kabi-kabilang eskandalong kinasasangkutan ng mga artista…ang saya pa din maging isang Pinoy! Kanina ay nag-text si Tere, inaasahan kong ang kanyang mensahe ay maglalaman na naman ng mga kakaibang banat, at hindi ako nagkamali. Kung tutuusin, may kabuluhan naman ang sinabi sa text, narito at pagmuni-munihan kung bakit nga ba mali ang mga sagot, pero dahil Pinoy tayo, ito ang ating nakasanayan na…

Ang sayang maging Pinoy!!! :lol:

——-

Q: Kumain ka na?
A: Busog pa ko….

- May sense naman, kung busog ka pa, dahil kumain ka ilang oras na ang nakakaraan, pero wala sa lugar ang sagot dahil ang tanong ay pangkasalukuyan, o sa English, present tense!

Q: Andyan ba nanay mo?
A: Bakit po?

- Bakit nga ba pag may naghahanap sa mga magulang natin, laging isa pang katanungan ang kasagutan sa tanong ng naghahanap. Siguro dahil ang totoong kasagutan ay magdedepende sa kung ano ang pakay ng naghahanap. Halimbawa na lang ay kung mangungutang o maniningil ng utang ang naghahanap, sa malamang ay “Wala po ang nanay ko.” ang isasagot natin.

Q: Anong oras klase mo?
A: Mamaya pa.

- Di ko rin maintindihan ang logic ng kasagutang ito….pwedeng dahil sa nag-cutting classes ang tinanong, o di kaya naman ay ayaw lang paistorbo. Ano sa tingin niyo?

Q: San kayo galing ‘tol?
A: Nag-stroll lang ‘tol!

- Hindi naman tinatanong kung ano ang ginawa, kundi kung saan galing….

Q: Paano mo ginawa yan?
A: Madali lang.

- Oo nga madali lang ginawa, pero ang gustong malaman ay paano naging madali, in English, “how”. Hindi naman tinatanoong ang antas ng hirap or dali, di naman adverb o pang-abay ang gustong malaman, kundi pagsasalaysay kung paano….Madalas sa hindi, kung minsan ay tinatamad tayong mag-explain, o di kaya, kaya ganito ang sagot ay dahil ayaw lang ipaalam kung paano ginawa ang isang bagay…(selfish no?) hehe

Q: Bat wala ka kahapon?
A: Absent ako eh.

- Hindi naman masyadong kapilosopohan itong sagot na ito. Natural kapag wala ka, absent ang marka sa iyo. Kahit sa eskwela man o trabaho, absent or leave ang status mo kapag wala ka. Ang tanong ay, bakit ka wala, hindi kung ano ang status mo kahapon. Sa palagay ko, ito ang sagot ng mga mahilig maglihim ng totoong dahilan ng pagliban. Halimbawa na lang sa trabaho, kung ang dahilan ng pag-absent ay dahil may job interview ka kahapon, natural di mo sasabihin ang totoong ginawa mo bakit ka absent, lalo na sa boss mo o sa chismosa mong officemate. :)

Q: Anong oras na?
A: Maaga pa.

- Ang salitang “maaga pa” ay depende sa opinyon ng taong nagtatanong at kung ano ang sitwasyon. Pero siguro naman ang katanungan ay specific at direktang tumutukoy sa kung ano ang eksaktong oras na, at hindi sa kung ano ang katumbas ng kasalukuyang oras para sa kalagayang kinaroroonan.

Q: Saan ka na?
A: Papunta na!

- Favorite daw ni Tere ito, at favorite ko din itong isagot sa mga kausap ko kapag late na ako sa appointment ko. Siyempre, kapag late ka na, sasabihin mo ba naman na late ka? Kahit sinadya mong magpa-late, di mo sasabihin para paasahin ang kausap mo na darating ka na in a while at hindi ka layasan. O di ba? Ganung ka-simple lang, kahit nung sinabi mong “papunta na” eh kasalukuyang nagbibihis ka pa lamang at di pa umaalis ng bahay…hehehe…certified Pinoy!

Q: Nag-aral ka na ba?
A: Oo mamaya, madali lang yun!

- Ang mga ganitong klaseng estudyante, masarap kutusan. Oo o hindi lang naman ang sagot. Oo na sana, biglang segway pa, yan ang istayl ng indirect sagot sa tanong na ito lalo na kung ang tinatanong ay kung anu-ano pang ka-eklatan at chuvaness ang inaatupag bago mag-aral.

Q: May assignment ka na ba?
A: Bukas na, pasok na lang ako nang maaga.

- In short wala pa…kasi naman, lalo na ang mga college students, every other day lang ang klase. At number 1 habit ay mag-craming, kaya kapag tinanong mo kung may assignment na o wala, sasagot sa iyo, bukas na…kasi bukas na siya gagawa. Isa na namang indirect answer, actually, by the context ng tanong, mali talaga ang sagot….di dapat tinanong kung kelan ka gagawa ng assignment.

Q: Kaya ba nating tapusin ito ngayon?
A: hehehe…

- Indefinite, or depende siguro kaya hehe na lang

Q: Tapos na ba yung pinapagawa ko sa’yo?
A: Eh kasi….

- Sabihin na lang kasi kung tapos na o hindi, hirap sa Pinoy, di lang nagawa, ang daming palusot hehe.

About these ads

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

6 Responses to Mga Maling Sagot sa Maayos na Tanong

  1. Rowjie ay nagsabing:

    natanggap ko sa text ito and tawang tawa talaga ako. pinakacommon sa akin yung…

    Q: San ka na?
    A: Papunta na!

    :))

  2. tinsters ay nagsabing:

    ang kulit lang :lol:

  3. AnoNyMouSe ay nagsabing:

    Anu Daw ??

  4. jolen ay nagsabing:

    hahahha

  5. jolen ay nagsabing:

    Q.pabiling colgate,..ung close-up ha….
    A.anu ba sa dalawa colgate o close up…

  6. Shirely ay nagsabing:

    di lang mailabas ni loonie lahat ng mga gusto nyang sabhin kasi nasa national tv. pero kung vice ganda vs loonie sa fliptop or? sunugan… alam nyo na sagot….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: