Ang Nagtitipid…
Kanina habang binisita ko ang isang bahay ko dito sa cyberworld, nasulyapan ko ang Multiply site link ng TV commercial director na si Paul Alexie. Isa pala sa pinakabago niyang likha ay ang TV ad ng Pizza Hut.
Isang mag-asawa ang nagtitipid, ang gumawa ng sariling flat panel TV sa kanilang bahay. Naisip ko tuloy na bakit di ko kaya gawin din ito ngayon, tutal wala pa akong TV dito, at pangarap ko din ang magkaroon ng flat panel na ganyang kalaki.
more about "Welcome to Tabbed Browsing", posted with vodpod
*VIDEO SOURCE:
Basinilio, P. January 27, 2009. Nagtitipid? Retrieved February 5, 2009 from http://paulbasinillo.multiply.com/video/item/73
Categories: May bago ba???, Nakaw na Sandali, Pampalibang





lakiii
nung nasira tv namin nung 2006, pinaisipan namin ng isang oras sa loob ng tindahan kung alin bibilin namin. pero sabi ko hindi namin kailangan ng isang milyong oyro kamahal na tv ano, kaya yung tv namin mataba pa rin, hahaha. pero magulat ka, yung mga tao dito na tumatanggap ng social help sa gobyerno? ayun, sila ang may mga plasma tv, hay buhay
talaga? hanep nga naman talaga mga “pal” dito sa ibang bansa. ang mahal nga ng tV! di ko naimagine na ganun kamamahal tv, pero kung may mas mahal, yun eh ang kama…ginto ang presyo dito ~_~