Begging to the Next Level
Eto ang tipo ng high-class beggar dito sa Canada. Kung sa Pinas, bulag na gitarista o di kaya naman eh banda ng mga senior citizen ang makikita mong nagpe-perform sa mga palengke o kaya ay sidewalks, dito naman ay biyolin ang tinutugtog para sa karampot na baryang maipapamahagi ng mga may mga malalambot na pusong mamamayan.
Kunsabagay, magkano nga naman ang barya dito? Sa 3 dolyar, mahigit isang daang piso yata ang katumbas nuon, kung bigyan sila ng ganung halaga, makakapag McDo na sila dito.
*woot*
Categories: Bagay-bagay Lang, Di Pangkaraniwan, Kwentong Kartero





hahaha, minsan nga buong pamilya ang kasama di ba? may kanya kanyang musical intruments na dala
hello teacher :kaway:
ang sosyal ng kalabit penge sa canada hahaha,..