Spring Waves
Heto na naman ako, ilang araw ko din hindi nabisita ang bahay kong ito. Ang weirdo ng pakiramdam ko. Gusto kong umiyak, hindi ko maintindihan kung naho-homesick ba ako o ano? Sa totoo lang miss ko na prends ko.
Kagabi kasi napanaginipan ko si mamavic, di ko alam kung bakit bigla ko siyang napanaginipan. Di ko naman siya iniisip nitong mga nakaraang araw. Nawirdohan lang ako kasi parang may dinaramdam siya sa panaginip ko, kaya nung nagkita kami, niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang totoo ang nangyari, parang nabuhayan siya nung nagkita kami. Naramdaman ko ang higpit ng yakap namin, muli daw kasi kaming nagkita.
Bumalik din sa aking gunita ang huling pagkikita namin, ilang oras bago ko iwan ang Pilipinas. Di ko naman inakalang ihahatid niya ako noong aalis na ako.
Para tuloy gusto kong umiyak ngayon, pero hindi naman dapat. Mukha na tuloy akong tanga, yan ang pakiramdam ko. Noong isang taon, sa eksaktong ganitong mga petsa nang nade-depress ako. Ngayon na naman ay pakiramdam ko’y may alon na naman akong nararamdaman…Kung kailan pa man paparating na ang spring. Sa Pinas walang spring, pero dahil halos parehong panahon, parang Spring Wave syndrome na ito.
Abnormal na talaga yata ako. Wala sa katinuan. Parang walang direksyon ang pakiramdam ko ngayon. Kailangan ko talaga si PJ na hilahin ako para makabangon.





Hay,
Ang hirap ng malayo noh?
Be at least happy for your self
oo nga, at least be happy kahit papaano.
salamat.
psssst homesick?!?!……
kaya nga may pex na sa e-mail eh
oo nga tinsters, kaya nga may pex, email, pgyg, at kung ano ano pa…hay…powerhugs na nga lang