Gloria-go-lucky days
Parang HAPPY-GO-LUCKY lang talaga ang ating Pangulong Macapagal-Arroyo sa mga nagdaang araw.
- Ang diumano’y $20,000 dinner sa Le Cirque resto sa New York, at nabanggit sa blog ni Mr. Quezon na tila 2 beses na nangyari ang dinner sa Le Cirque
- Ang diumano’y $15,000 worth of dinner sa Bobby Van’s Steakhouse matapos makipag-usap kay Presidente Obama
- Pati National Artist Awards, nagkaroon din ng iskandalo sa mga naparangalan
- Ang diumano’y planong pagbili ng PHP 1.2billion worth of jet (sosyal!)
Siyempre, bukod pa dito, hindi ko na mabilang ang mga iskandalong ibinato sa kanya at kanyang pamilya sa mahigit 6 na taong panunungkulan niya. Kabilang dyan ang pamosong “Hello Garci”, ZTE, Fertilizer Fund scam, iskandalo sa pondo ng mga tulay sa probinsya, pati ang kanyang boobs napansin at naiskandalo din. Kung iisipin, all around na ang kategorya ng iskandalong kinsangkutan nila…parang sige, go lang ng go…makakalusot naman ako dyan…
Naniniwala na talaga akong matalino si Ate Glo, parang si Marcos, masyadong matalino, pero tila nakalimutang pairalin ang tunay na pagmamahal sa bayan…nakakalungkot isipin.
Sa ganang moralidad ng “lavish dinner” nila sa nakaraang state visit sa Amerika, sa tingin ko ay walang masama doon, pero bilang pinakamataas na lider ng bansang ito na laganap ang kahirapan sa nakararaming Pilipino, nararapat lang siguro na ang pagpapakita ng “extravagance” ay limitahan sa kung ano lang ang nasa “budget” dahilan sa ito ay working trip. Hindi naman personal na holiday ang ipinunta nila dun sampu ng kanyang “entourage” kundi “STATE VISIT” nga. Hindi din naman ibig sabihin eh wag na silang kumain sa fine dining.
Maikukumpara kasi ang sitwasyong ito sa isang INA at ANAK. Kung ang INA ay kinailangang iwan ang anak upang mangibang-bayan para gampanan ang parte ng kanyang trabaho, sa mga pagkakataong may tukso ng pagpapakaluho, paniguradong maiisip ng INA ang kanyang naiwang ANAK na walang sapat na pagkain sa kanilang tahanan. Ang tendency ay hindi maaatim ng INA na magpakasarap habang naghihirap ang kanyang ANAK.
———
opinyon ko lang ito…walang pikon…:P





‘ i cud not have it said it better.. not so much if it’s legal, but the propriety..
- wag kang mag-alala, di sa opinyon mo sila mapipikon.. kung di sa gumawa ng mga bagay na linista mo.. =)
syempre, malapit nang bumaba sa pwesto eh. enjoy na remaining time left, ika nga.
eat, drink, and be merry for tomorrow…..
oo nga naman, parang live life to the fullest lang yan eh…kawawa naman ang Pilipinas…
seriously,… & you’re not even here
siyempre pa noh, dapat makibalita sa bayan, madami din naman akong tax na naibayad bago ako umalis haha…wala nanman akong napala.