Minsan Pa
Hunyo 4, 2011 1 Puna
Sa buhay, dumarating tayo sa point na gusto na nating mag-iba ang takbo ng pamumuhay natin, mag-iba ang mga tao sa paligid, at mag-iba ang mga kasama sa buhay. Ang malimit na balakid nga lang ay ang pamamaraan kung paano natin mababago ang buhay natin. Gusto kong mag-emote ngayon kaya ganito ang paksa ang aking pagsusulat. I feel a little blue, mid-layp crisis na naman siguro. Ganito pala talaga ang umeedad, nagiging maarte sa buhay, nagiging ma-emote, dumadami ang saloobin….feeling ko naman ang tanda ko na eh napagkakamalan nga lang akong 23 yrs old ![]()
Ayan, habang sumusulat ako ngayon, biglang kumanta si Jessie J ng “price tag”…yo everybody look to the right!….ooopps teka, emote eto eh, hindi ako kakanta ngayon…nag-concert na ako sa magic sing nung isang araw, at sumaydline din ako sa sa kantahan kanina kasama ang ate friend ko. Wala na akong enerhiya para kumanta pa sa bulog na ito…
Forget about the “Price Tag”, balik tayo sa minsan pa ay makabuluhang paksa….
Lablyf
Ayoko nang itinatanong ito sa akin. Sa estado ko ngayon, ito ang panahon na lahat ay nang-uusisa kung bakit wala akong bf o asawa pa…Eh ano magagawa ko, sa wala eh…walang napupusuan ang puso kong choosy…Sa mga nagdaang panahon, isa pa lang ang itinangi niya. Subalit ang itinanging ito ay magpapatali na sa ibang piling, kaya masakit man nung una kong malaman ang malungkot na balitang yun, kinailangan kong tanggapin dahil yun ang katotohanan. Mas masakit lang kasi hindi ko naipagtapat sa kanya na espasol este espesyal siya sa akin…para akong sumabak sa giyera ng sinadyang walang armas…Wala na din saysay kung sabihin ko pa sa kanya ngayon. Kung hindi sana ako lumayo, at kung naging determinado ako para sa kanya, baka naging matagumpay na ang buhay pag-ibig ko ngayon. Siguro, hindi lang talaga siya ang aking tadhana…may iba siguro, at kailangan ko sigurong matuto muna sa bagay na ito bago ko makita ang tunay kong pag-ibig. ANG KESO! YAK! haha May dumating sanang iba, pero hindi pwede. Yun na yun, ayoko nang pag-usapan ang detalye, sikreto namin nga bbff ko.
Nakakaasar lang dahil sa tuwing bubuksan ko ang FB ko, nakikita ko ang mga larawan ng dalawang ikakasal…dapat wala na sa akin, kaya lang may kirot. Hay…ang buhay talaga…sana makakita na ng ibang kababaliwan itong puso ko, yung kababaliwang walang balakid…Sira ulo kasi eh, yung mga pinipili niya hindi mga pwede…sayang ang pagkakataon, kung sakali ay lumagay na siguro ako sa tahimik ngayon.
Anyway, sabi sa akin ng ate friend ko, ipagdasal ko daw ang lablyf ko…well, hindi ko talaga siya ipinagdadasal, kaya siguro wala…ngayon ay inuumpisahan ko na, baka sakali.
Career
Dumako tayo sa buhay karir. Dahilan sa malikot kung isip, palagi na lang akong nag-uumpisa sa bagong trabaho…Minsan pa, hinangad ko na sana ay magtagal ako, pero ano magagawa ko, laging may kumukuhang ibang kumpanya sa akin, hindi tuloy ako makausad sa hagdanan ng karir ko…pero sa awa ni PJ, ayan, may improvement naman ang rango at sahod ko sa bawat paglipat ko. Ngayon ay malapit na akong mag isang taon ulit sa bago kong trabaho…sana ay magtagal na nga ako dito….
Friendship
Isinama ko talaga ang paksang friendship…wala lang, dahil na-miss ko ang mahal kong bbff. Sana nakakasama ko siya para nakakadamay ko siya sa mga oras ng kabughawang ito…Alam kong ma-emo din siya, pero at least, kapag kasama ko siya, marami akong laff trip! Salamat sa iPhone 4 at araw araw ko siyang ka facetime sosyal na kami. Kung dati ay YM chat, ngayon ay FT na basta may wi-fi. Over wi-fi, lalong tumitibay ang pagkakaibigan namin…sabi nga niya, ang dami na naming napagdaanan…totoong napakadami na…at hangad ko na mas madami pa kaming memories na magawa…Ang sarap ng mga may kaibigang tapat. Isa man ang tapat sa lupon ng madami nating kaibigan, ito’y napakagaan sa ating espiritu…Somebody who lifts you up and always there for you.
————-
Minsan pa, salamat ulit sa oras ng bulog na ito, nakapag-muni-muni at nakapaglabas lang ng saloobin. Ngayon ay pwede na akong matulog…
good night ![]()

mous.. oo taga mapua nga ako. pero hindi inhinyero.. isa akong utusan-slash-arkitekto-slash-hosto sa gabi. ang lupet ng tadhana no? lalo na kapag ma-drama sulat mo? hehe. lalong grumagrabe.. ^^