Safe
Enero 10, 2011 Mag-iwan ng puna
Nakikinig ako sa shuffled playlist na nasa iP ko, biglang sumunod ang paborito kong awit na ginawa ni Phil Wickham na may titulong “Safe”.
Panoorin este pakinggan pala dito: Safe ni Phil Wickham
The hands that hold the world, are holding your heart…
I feel safe, oo, pakiramdam ko ay ligtas ako, ligtas sa ano mang pagkabagabag. Sa tuwing nandyan ang mga problema, isa lang ang alam kong tatawagan para magpaluwag ng aking loob. Kahit sa paningin ng iba ay mukha na akong sira-ulo, umiiyak, nagsasalitang mag-isa. Eh ano naman ngayon, ganito ako. Isa lang ang nakita kong totoong mapagkukuhanan ng lakas, “widsom” wisdom daw talaga eh, at kapahingahan.
Sa gitna ng karamdaman, kapighatian, o kahit ano mang problema, isa lang ang gumawa ng kamangha-manghang bagay sa buhay ko. Ang sakit na gumaling, mga bagay na akala ko’y panaginip na lang, mga relasyong naituwid, mga pangyayaring akala ko’y imposible, at marami pang iba.
Kung minsan, sadyang matigas lang talaga ang ating mga ulo. Nandyan naman lagi Siya para sumaklolo at maging tagapagpanatag natin, pero kung saan saan pa tayo tumitingin. Minsan, sa mga materyal na bagay, alak, pera, at masama pa ay kung sa droga. Nakakalungkot lang makita ang mga taong nasa ganitong sitwasyon. Kung magbubukas lang tayo ng pinto ng ating mga puso, makikita siguro natin lahat ang kagaanan ng buhay sa kabila ng karalitaan o karangyaan man. Ang tunay na kapanatagan, at kayamanan ay wala sa materyal na bagay.
Minsan pa, tatanawin ko ang langit, habang nakikinig sa awiting ito. Kay sarap magpahinga, at masarap umawit, lalo na kapag ang puso mo’y panatag.

Eto ang tipo ng high-class beggar dito sa Canada. Kung sa Pinas, bulag na gitarista o di kaya naman eh banda ng mga senior citizen ang makikita mong nagpe-perform sa mga palengke o kaya ay sidewalks, dito naman ay biyolin ang tinutugtog para sa karampot na baryang maipapamahagi ng mga may mga malalambot na pusong mamamayan. 
Mga Nakiusisa