Minsan Pa

SagwanSa buhay, dumarating tayo sa point na gusto na nating mag-iba ang takbo ng pamumuhay  natin, mag-iba ang mga tao sa paligid, at mag-iba ang mga kasama sa buhay. Ang malimit na balakid nga lang ay ang pamamaraan kung paano natin mababago ang buhay natin. Gusto kong mag-emote ngayon kaya ganito ang paksa ang aking pagsusulat. I feel a little blue, mid-layp crisis na naman siguro. Ganito pala talaga ang umeedad, nagiging maarte sa buhay, nagiging ma-emote, dumadami ang saloobin….feeling ko naman ang tanda ko na eh napagkakamalan nga lang akong 23 yrs old Smile with tongue out

Ayan, habang sumusulat ako ngayon, biglang kumanta si Jessie J ng “price tag”…yo everybody look to the right!….ooopps teka, emote eto eh, hindi ako kakanta ngayon…nag-concert na ako sa magic sing nung isang araw, at sumaydline din ako sa sa kantahan kanina kasama ang ate friend ko. Wala na akong enerhiya para kumanta pa sa bulog na ito…

Forget about the “Price Tag”, balik tayo sa minsan pa ay makabuluhang paksa….

Lablyf

Read more of this post

Mga Kakesohan Lang

Mga kakesohan sa buhay…may nakakaaliw, may nakakatawa, may corny, may nakakairita kung minsan, pero masarap marinig kung sinabi sa iyo ng mahal mo di ba? :D naks! kesong keso na naman ang mood ngayon :D
WARNING: sa mga ayaw ng ka-kornihan, wag na kayong magbasa, at kung mabasa niyo man, wag na kayong magkomento. Gusto ko lang maging keso at corny.

Ingatan mo yang puso mo, andyan ako.
Read more of this post

Ikaw..oo ikaw…

You mean a lot to me more than you thought….

Kay sarap marinig, hindi mo aakalain, kapag may isang taong binitawan ang mga katagang yan para sa iyo. In-love? Hindi noh! Emote lang…:D Nakakapagpangiti, nakakataba ng puso, nakakagaan ng damdamin. Ang sarap ng may nag-aalala sa iyo, parang kumpleto na ang mundo mo kahit may kulang pa. Basta malaman mo lang na nandyan siya para sa iyo at handang umalalay sa tuwing kailangan mo ng sasalo sa iyo. Minsan, totoong hindi mo kailangan ng iniibig para makumpleto ang buhay mo, kundi kailangan mo ng karamay. Ang iniibig kasi, may oras na iniibig mo lang siya, pero hindi mo naman siya makaramay. Pero ang karamay, hindi mo man siya ibigin, nandyan pa din siya. Ngunit lalong nagiging masaya kung siya’y matutunan mong ibigin di ba?

Kaya salamat, at ako’y may karamay. Makeso nga lang at may pagkamaarte, pero ok lang, ang mahalaga ay nandyan lang siya sa lahat ng oras, kahit malayo pa siya. :)

Safe

Nakikinig ako sa shuffled playlist na nasa iP ko, biglang sumunod ang paborito kong awit na ginawa ni Phil Wickham na may titulong “Safe”.

 
Panoorin este pakinggan pala dito: Safe ni Phil Wickham

The hands that hold the world, are holding your heart…

I feel safe, oo, pakiramdam ko ay ligtas ako, ligtas sa ano mang pagkabagabag. Sa tuwing nandyan ang mga problema, isa lang ang alam kong tatawagan para magpaluwag ng aking loob. Kahit sa paningin ng iba ay mukha na akong sira-ulo, umiiyak, nagsasalitang mag-isa. Eh ano naman ngayon, ganito ako. Isa lang ang nakita kong totoong mapagkukuhanan ng lakas, “widsom” wisdom daw talaga eh, at kapahingahan.

Sa gitna ng karamdaman, kapighatian, o kahit ano mang problema, isa lang ang gumawa ng kamangha-manghang bagay sa buhay ko. Ang sakit na gumaling, mga bagay na akala ko’y panaginip na lang, mga relasyong naituwid, mga pangyayaring akala ko’y imposible, at marami pang iba.

Kung minsan, sadyang matigas lang talaga ang ating mga ulo. Nandyan naman lagi Siya para sumaklolo at maging tagapagpanatag natin, pero kung saan saan pa tayo tumitingin. Minsan, sa mga materyal na bagay, alak, pera, at masama pa ay kung sa droga. Nakakalungkot lang makita ang mga taong nasa ganitong sitwasyon. Kung magbubukas lang tayo ng pinto ng ating mga puso, makikita siguro natin lahat ang kagaanan ng buhay sa kabila ng karalitaan o karangyaan man. Ang tunay na kapanatagan, at kayamanan ay wala sa materyal na bagay. :)




Behind the Cloud

Originally uploaded by isla_yelo

Minsan pa, tatanawin ko ang langit, habang nakikinig sa awiting ito. Kay sarap magpahinga, at masarap umawit, lalo na kapag ang puso mo’y panatag.

Bagong Taon….Bagong Edad…Bagong mga Pangarap

2011 na! Parang kailan lang ay kaka-2010 pa lang ah ^_^…kay bilis ng panahon…magta-3 taon na din pala ako dito sa bansa ng mga polar bears….mag-2 taon na ang bebe kong may gasgas…at isang taon ang isa ko pang bebeng panglibangan…at higit sa lahat…umedad na naman ako ng isa pang taon kung saan malapit na akong gumradweyt sa kalendaryo pala…oh no!….hmmm…kaya siguro palagi nang may sumasakit sa katawan ko huhuhu….

Subalit hindi na bale, ang masaya nito…tapos na ang waldasan ng pera dahil tapos na ang holidays :) Kahit anong tipid ko, wala pa din…nagasgas na ang mga credit cards at debit card ko, parang ang konti pa din ng naipamigay kong regalo….

Panibagong pag-iipon na naman…panibagong pagpaplano ng buhay…bagong mga pangarap…

Read more of this post

Black & White Christmas

1…2…3…

Ikatlong Pasko ko na dito sa bansa ng mga iyelo, pero hindi ko pa din maramdaman ang kakaibang sayang nararamdaman ko tulad ng Pasko sa Pilipinas. Ito ang totoong White Christmas…hindi “puti” ang kulay dahil may kalungkutan sa paligid. Ang masaya sanang pagdiriwang dahil kaarawan ni PJ ay nababahiran ng mga pansariling intensiyon. Matapos magsimula ng kaguluhan, sa iyo pa ibabaling ang paninisi kung bakit naging magulo ang sitwasyon?

It was my birthday the other day…nagpapasalamat ako kay Lord dahil lahat ng kailangan ko ay mayroon na ako, maski ang hindi ko kailangan ay ibinibigay. Ngunit kinukulang naman ako ngayon ng tunay na kasiyahan dahil sa mga tao sa paligid ko. Malimit kong naiisip sa mga panahong ito na lumayo na lang at mamuhay ng sa sarili ko. Pero no man is an island ika nga…

Katulad ng kulay ng niyebe, ang Pasko dito ay puti….na sa kabila ay nababalutan ng dilim ng kalungkutan…

Walang Masabi….

Walang masabi….simple lang yan…gusto kong ibulalas pero wala talagang masabi….

Salamat kay Carrie Underwood at kumanta siya ng awit na nababagay….hindi ako nalungkot dahil wala na siya…pero nalungkot ako dahil para akong nasa giyera nang hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong humawak ng sandata….

Read more of this post

KABATUHAN, may gamot ba dito?

Hello sa mundo ng bulog…NAKAKABATO…yan lang ang masasabi ko…matagal ko nang hindi nadalaw ang bahay kong ito. Kung hindi pa ako na-bore hindi ko maiisipan magsulat.

Well, nandito kasi ako sa opisina at nagpapatay oras…, medyo nauuta sa ginagawa kong paulit-ulit. Isa pa, ung mga kasama kong tamad mga puti eh pakalat kalat naman at nakikipagkwentuhan lang. Hindi ko naman sinasabing walang silang ginagawa, pero mas madami silang patay-oras, di ko din naman sinasabing di ako gumagawa nun…Pero sa kabilang banda, 10-min break ko pala ngayon kaya ok lang noh.

Meron bang gamot sa kabatuhan? Read more of this post

Ang “Friendship Menu”

Ang winter ay sadyang nakaka-depress…mala-iyelong hangin ang sumasalubong sa iyo…ang mga puno’y animong walang buhay…ang mga ilog ay tila isang malaking skating rink….halos buong paligid ay nababalutan ng snow….Ang lahat ng ito ay nakakatulong para maging mas malungkot ang mga panahong wala kang makausap…lalo pa’t ang mga inaasahan mong taong kakausap sa iyo ay hindi mo ma-reachkontak.

Hay…emo mode naman oh! :D

Ang kokey kasi, nag-eemote nung isang araw…siguro nababagot na sa pinag-aaralan niyang chapter chapter sa libro. Kaya ba mas gusto ko ang mathematiks! walang dapat i-memorize, masaya pa ang buhay sa kodigo ng formulang nakaipit sa scientific calculator nung ako’y nag-aaral pa :P

Sa kanyang kalungkutang nadarama, naisigaw niya tuloy sa kanyang peysbuk kung ang “friendship” ba daw ay nag-eexpire…nag-eexpire nga ba ang friendship???? sagutin niyo ako mga sushi! ^_^

Read more of this post

Kalusugan o Kayamanan?

Sabi ng marami, ang kalusugan ay maituturing na kayamanan ng isang tao, dahil kung hindi ka malusog, balewala ang kayamanan mo dahil mauubos lang yan sa kakapagamot mo…:P

Sa madali’t sabi, kaya ako nagsulat ngayon eh dahil hindi maganda ang kalusugan ng aking kamay. Ilang araw na, may mahigit kumulang 2 linggo na kung saan, nakakaramdam ang aking kaliwang hinliliit at palasingsingang daliri ng “tingling” at “numbness”. Kung minsa pa ay nanginginig habang ako’y nagpapahinga. Nung isang araw ay nakakuha ako ng appointment sa family doctor namin, kaya lang 1 week bago ako makapunta….hanggang dito kasi mahaba pila sa doctor, di ka naman pwedeng magpalit o pumunta sa kung sinong duktor lang, kelangan pang meron kang personal duktor sosyal!.

Read more of this post

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.