Iimbak

Archive for the ‘Kwentong Panadero’ Category

Gloria-go-lucky days

Agosto 15, 2009 mousmous 5 mga puna

Parang HAPPY-GO-LUCKY lang talaga ang ating Pangulong Macapagal-Arroyo sa mga nagdaang araw.

  1. Ang diumano’y $20,000 dinner sa Le Cirque resto sa New York, at nabanggit sa blog ni Mr. Quezon na tila 2 beses na  nangyari ang dinner sa Le Cirque
  2. Ang diumano’y $15,000 worth of dinner sa Bobby Van’s Steakhouse matapos makipag-usap kay Presidente Obama
  3. Pati National Artist Awards, nagkaroon din ng iskandalo sa mga naparangalan
  4. Ang diumano’y planong pagbili ng PHP 1.2billion worth of jet (sosyal!)

Read more…

Pang-uusisa # 1 – Gusto mo bang magtrabaho sa ibang bansa?

Enero 1, 2009 mousmous Mag-iwan ng puna

15 minuto na lang at bagong taon na dito sa CA….at dahil dyan…naisip kong bakit ba hindi ako mang-usisa na lang dito sa blogworld. Sa mga mapapadaan dito, kung inyong nanaisin ay gusto ko lang naman mausisa ang inyong palagay sa mga bagay bagay….

Bilang pasimula at pagsalubong sa 2009, una kong uusisain ay kung gusto ninyo bang magtrabaho sa ibang bansa? Mula pa dekada 70 ay dumagsa na ang dami ng mga Pinoy na nangingibang bayan. Karamihan sa kanila ay hindi na bumalik ng Pilipinas at tuluyan nang niyakap ang panibagong tahanang umampon sa kanila. Marami din naman ay pansamantala lang at matapos ang ilang taon ay bumalik din ng Pilipinas.

Subalit ano nga ba ang epekto ng pangingibang bayan? Di yata’t mas may kikitain ka duon kaysa manatiling magtrabaho sa Pilipinas, lalo na kung ika’y isang simpleng manggagawa lang. Kung bakit ba naman kasi walang sapat na trabaho sa bayan ng Pinoy? Ayan tuloy….sa panahon ngayon, sinasabing malapit na ito sa estado ng pagkakaroon ng “brain drain”. Isipin mo na lang na ultimo mga doktor ay nag-aaral ng nursing para lamang makapag-apply sa mga bansang Amerika, Britanya, Singapore at marami pang iba…at sa gayon ay doon makakita ng mas ika nga’y “greener pasteur”.

Ano ba ang ipinagpapalit nila para sa ganito? Siyempre yun ay ang iwan ang bayang sinilangan…para lamang sa mas magandang hinaharap. Ikaw…gusto mo din ba ng ganito? Maari mo din ipaliwanag ang iyong opinyon sa kahon para sa mga komento.

Mabuhay at nawa’y maging mabuti ang bagong taon! :D

Another Day in the Jobless World…Ano na kasunod?

Abril 4, 2008 mousmous Mag-iwan ng puna

Ayan, matapos kong lumabas sa ospital, eto at kumekembot na ulit sa blog…ano pa nga ba? Nakaka-bore dito sa bahay…walang magawa, wala ka namang trabaho dito….

Isang araw na naman na walang trabaho, namnamin dahil kapag balik opisina na eh ayan na naman ang isang tambak na gagawin (parang may ginagawa daw ako hehe)….pano na kaya kung tuluyan na akong mawalan ng trabaho?

Noong Miyerkules, tinawagan ko si Ma.Lui para makisuyong ikuha ako ng Philhealth Claim Form para naman wala na akong bayaran sa hospital bill ko….nang naibulalas niya ang isang inaasahang balita na matagal nang bulong-bulungan sa opisina…..at yeS! yun at totoo nga! magsasara na ang kumpanya namin! Wahahaha!

Ano ba?! Baliw ba ako? Parang sobrang saya ko pa…ang totoo…wala lang, masaya ako kasi di naman ako affected, kasi malapit na din akong mag-resign, pero nakakalungkot para sa mahigit 3000 pang empleyado…pano na ung mga may edad na…mabuti na lang at maganda daw ang separation package na ino-offer…hmmm….iniisip ko tuloy kung magre-resign ako o hintayin ko na lang yung offer…hehe…pero kahit malaki pa ang separation package na ibigay, di naman panghabangbuhay na maisasantabi mo iyun…bagkus, ito’y mauubos at mawawala ng tuluyan…pagkatapos…ano na kasunod? Eh wala ka ngang trabaho di ba? Kung nasa retiring age ka na, pwede kang magnegosyo, pero sa estado ng Pilipinas ngayon, napakahirap magnegosyo kaya…ewan ko lang din, bigyan niyo nga ako ng ideya para makapag-negosyo na lang din…hmmm

Read more…

PETIKSOLOGY

Marso 9, 2008 mousmous 4 mga puna

PETIKSOLOGY, hinango mula sa salitang petiks, na ayon sa Disksyonaryo 201 ni Mousmous ay siyang katawagan sa mga oras na akala mo ay may ginagawa ka pero wala talaga; tawag din sa oras na sadyang binabagalan ang trabaho para makumpleto ang buong walong oras na may ginagawa.

Sabi ni DMS, ang mga salitang nagtatapos daw sa suffix na “-OLOGY” ay nagsasaad ng pag-aaral ng isang bagay. Kaya kung ang salitang PETIKS ay dudugtungan din natin ng suffix na “ology”, ito ay magiging pag-aaral ng ka-petikshan! (tama ba?) Di ako ang nakaisip ng terminolohiyang iyan, bunga lang yan ng kinabilangan kong usapang baliw na nangyari kamakailan.

Naisip kong may puntos naman ang pagbuo ng salitang “PETIKSOLOGY”. Kung gagamitin ko ang terminolohiyang ito, pwede ko nang bansagan na ang mga taong gobyerno ay nagtapos ng kursong ito. Di lang mga taong gobyerno, pati ang karamihan sa mga nagtatrabaho dyan. (Ehem! Wag na kayo magmaang-maangan pa huh!).

Kung sa oras ng trabaho ay nabasa mo ito, isa ka sa nagtapos ng kursong ito siguro…oh aangal ka ba?

Kung naging totoong kurso man ito, ano kayang trabaho ang tatanggap sa mga nagtapos nito? Teka, paano naman ang application nito sa mga estudyante pa lang?

Yung mga ayaw mag-aral ng matino, kumukuha yun ng double-degree. Ka-double ng kurso talaga nila etong kursong ito. Kung may BS Chemical Engineering and Chemistry na double degree, pwede ding magkaroon ng BS Commerce and Petiksology. Yan, swak na swak talaga sa mga taong gobyerno haha.

Ipagpaumanhin ng mga tinatamaan, naging connotation na kasi ang ka-petikshan ng mga nabanggit na workforce. Maging ako’y saksi sa ganyang sistema dito sa Pilipinas, Lunes na Lunes, wala nang opisina ang assessor’s office matapos ang pananghalian, hindi naman holiday, nag-holiday lang ang assessor. Oh well oh well. Isang halimbawa lang naman yan, bato bato from heaven, ang tamaan humingi ng band aid.

Obviously…..Petiks din ako! haha! :lol:

Mga Maling Sagot sa Maayos na Tanong

Marso 2, 2008 mousmous 2 mga puna

Sa kabila ng kabi-kabilang anti-Arroyo rally, ng kabi-kabilang corruption, kabi-kabilang kalamidad, kabi-kabilang eskandalong kinasasangkutan ng mga artista…ang saya pa din maging isang Pinoy! Kanina ay nag-text si Tere, inaasahan kong ang kanyang mensahe ay maglalaman na naman ng mga kakaibang banat, at hindi ako nagkamali. Kung tutuusin, may kabuluhan naman ang sinabi sa text, narito at pagmuni-munihan kung bakit nga ba mali ang mga sagot, pero dahil Pinoy tayo, ito ang ating nakasanayan na…

Ang sayang maging Pinoy!!! :lol:

——-

Q: Kumain ka na?
A: Busog pa ko….

- May sense naman, kung busog ka pa, dahil kumain ka ilang oras na ang nakakaraan, pero wala sa lugar ang sagot dahil ang tanong ay pangkasalukuyan, o sa English, present tense!

Q: Andyan ba nanay mo?
A: Bakit po?

Read more…

Gising na Gising

Nobyembre 11, 2007 mousmous 2 mga puna

Hindi ko alam kung bakit gising na gising pa din ako sa mga oras na ito, matapos ang isang nakakapagod na araw. Kanina lang ay kasama ko si mader, sinamahan niya kasi ako sa doctor para sa follow-up check-up ng aking allergic rhinitis. Mag 4 na buwan na kasi akong inuubo, at isang dosenang bote na yata ng cough syrup ang nainom ko, isama mo pa dyan ang 14 na pirasong zegen, 7 pirasong zorbixol at 5 pirasong ambroxol na unang iniriseta sa akin ng isang doktor, hindi pa din gumaling.

Sabi ni Dr. Jao ay isa daw palang allergic rhinitis ang naturang karamdaman, di naman siya nakakamatay, ngunit sadyang mahirap ang inuubo, kaya ako’y kumonsulta na sa eksperto. Nalaman ko kanina na ang nararanasan ko pala ay persistent type ng AR, at ito ay di sa dahilang polluted na talaga ang kapaligiran, kundi dahil namana ko ang genes ng aking mga ninuno. haha…. Ang polusyon sa kapaligiran ay isa lamang sa nagpapalala ng pag-ubo, kung kaya’t ako’y naiinis sa mga smoke belchers, na kahit may CLEAN AIR ACT ay wala namang ipinagbago. Tila bawat sasakyan pa ngayon ay nag-smoke belch lalo na ang mga walang pakundangang jeepney, tricycle at PUB. (sumegway na naman ako)

——

Anyway, ang nais ko lang naman sabihin gaya ng pamagat ng blog entry na ito ay, gising na gising pa din ako hanggang ngayon. Kung bakit kamo, ito’y sa dahilang ang mga Vedioke adek na mga kapitbahay namin ay umatake na naman. Mabuti sana kung kasing galing sila ni Sarah o di kaya ay ni Erik or Christian or Josh na kumanta. Ang masakit nito, ay masakit sa tenga ang kanilang mga boses, kulang na lang mapatid na mga litid nila sa pagsigaw ng sintunadong kanta. At isama mo pa dyan ang napakalakas na volume ng machine, na tila ay sila lang ang tao sa barangay.

Siguro ay itatanong mo kung nasaan ba sila? Sila’y nasa labas lang naman ng bahay nila, sa tabi ng kalsada ng subdivision na aming kinalalagyan……at kahit anong takip ko ng tenga ko ay walang mangyari, di talaga ako makatulog….kaya good luck na lang sa akin bukas. Sana ay di ako antukin sa church.

Haiz, isang malaking buntunghininga na lang ang katapat nito. Di ko sila pwedeng sawayin dahil sila’y mga pasaway nga! Sana nga lang ay umuulan, ito ang mga panahong mas kinagigiliwan ko ang pag-ulan. Nang sa gayon, ang mga adek ay manahimik!

Bakit ba marami sa mga Pinoy walang respeto sa kapwa? Mabuti sana kung umaga o tanghali, ang kaso ay gabi na…….ay hindi pala…….umaga na…….lumipas na ang gabi…….at walang mga pakundangan! Mabuti na lang may blog! kung wala, ewan ko….at mabuti na lang kahit anong gawin ko ayaw tumaas ng blood pressure ko.

AnonyMous DIKSYONARYO 201

Setyembre 23, 2007 mousmous 12 mga puna

Ang mga sumusunod na terminolohiya ay pawang mga salitang aking natutunan lamang sa kung saan-saan. Nais ko lamang ibahagi, maaring ang iba’y pamilyar sa English o Tagalog Dictionary, at ang iba naman ay bunga lang ng mga kolokyal na katawagan na nakagawiang gamitin sa pang-araw-araw na usapan ng mga networks at kaboks.

Badminton /bad-min-ton/ – paboritong laro ng mga “Lord”

Bread /bred/ – tawag sa tinapay, pwede din itong itawag sa baon o allowance o di kaya naman ay sa kinikita mo

Boljack /bol-dyak/ – ang tawag kapag ika’y napapagalitan o nasermonan.

Correct /ko-rekt/ – ekspresyon ng mga mahilig at magaling mangatwiran. Ito din ang sinasambit ni Kris kapag tama ang sagot mo sa Game Ka Na Ba.

Cunuactive /kyu-nu-ak-tiv/ – ang tawag sa taong mahilig mag-suggest ng mga bagay-bagay na hindi din naman niya naintindihan.

D.A. – ibang letter kaya hindi “A” (“A” for outstanding). Tumutukoy din sa “Disciplinary Action”.

“Feeling” /fi-ling/ – ito ang tawag sa iyong nararamdaman. Pwede ding itawag sa mga taong akala nila’y angat sila sa iba.

Grandparents /grand-pey-rents/ – isa pang tawag sa mga bosing sa opisina.

Holiday /ha-li-dey/ – ang tawag sa araw na wala ang boss mo.

Read more…

Tag-ulan, Mabenta ang Tinapay

Agosto 16, 2007 mousmous 4 mga puna

Ganda ng gabi ngayon, hindi mainit, kasi umuulan! Kumusta kaya si Egay, nag-enjoy kaya siya sa pagdaan dito sa Pinas? Mukhang papalakas pa siya habang papalapit………hmmmmm

Naalala ko tuloy ang palaging sinasabi ni GM tuwing umuulan:

Kapag umuulan, mabenta ang tinapay!

Iniisip ko kung paano naging mabenta ang tinapay pag umuulan? Dahil ba sa mga sumusunod na dahilan kaya ito?

Read more…

Mga Alaala ng Videoke

Hunyo 17, 2007 mousmous Mag-iwan ng puna

Dahilan sa pagkatorete ko sa Vedioke Adek kong kapitbahay, na sa mga oras na ito’y Totoy Bibo na naman ang binabanatan sa videoke niya…bigla kong naalala ang mga sandali ng aking pagvi-videoke kasama ang aking mga kaibigan at kasama sa trabaho.

Unang Karanasan sa Videoke

Mahilig akong kumanta sa banyo, pero iyon eh para sa sarili ko lamang, kaya naman nang minsan nang mga panahong ako’y bago pa lamang nagtatrabaho, niyaya ako ng isa kong ka-opisina na mag-relaks daw at pumunta kami sa videoke. Sa totoo lang, di ko pa talaga nasubukan ang kumanta noon sa videoke, kaya ako’y sumama sa kanya at nagtungo kami ng Festival Mall. Itatago ko siya sa pangalang Flor, kasama namin ang isa pa naming ka-grupo noon na itatago ko naman sa pangalang Romy. hehe

Sa aming pagdating doon, si Romy ay nagtungo agad sa mga arcade games sa Tom’s World habang kami ni Flor ay napatayo sa harap ng 2 malaking videoke screen sa tabi ng Frio Mixx, at doon ay nagpasiya kaming kumanta. Dahil sa first time ko, sinabi ko sa kanya na kung pwede bang kami’y mag-duet na lang…at pumayag naman siya. Napili namin ang kantang “Cruisin’” ni Huey Lewis at Gwyneth Paltrow. Mabuti na lang at alas-siete na nang gabi noon at wala gaano tao, kaya naman nakatagal ako na magmakapal ng mukhang kumanta doon, ala-concert ba! Ang lupit di ba? first time pero ala-concert! wehehe kumusta kaya ako nun! hehe

Ang totoo, nahihiya ako, pero dahil may kasama ako, medyo kumapal ang mukha ko, kasi nakatalikod naman ako sa mga nanonood. Pagkatapos namin kumanta ng paganun-ganun, ayan na ang tunog na pinakaabangan ng lahat…”tantananannn….tanananannnnannn…deng…deng…deng……!!!” at lumitaw ang score namin sa malaking screen! Aba’y akalain nyo ba namang 100 ang lumabas???? Owwsss..

Harhar! Talagang mapapa-owws kayo dyan, kahit kami’y nagulat, pero sa loob ko’y natuwa ako siyempre, dahil kahit nagmakapal ako ng pagmumukha eh nakisama ang videoke machine…kahit alam kong hindi siya nagsasabi ng katotohanan! hehe

Mga Sumunod na Karanasan sa Videoke

Makaraan ang ilang buwan, ako’y nagpasiyang lumipat ng kumpanya na malapit lang sa aming lugar. Doon ay natuklasan kong, ang mga makaka-trabaho ko pala ay mga adik din pagdating sa kantahan! Katunayan ay may mga koleksyon ng videoke ang sekretarya ni GM (General Manager) na siyang nangunguna sa kantahan kapag may happenings sa opisina.

Ika-12 nang Pebero ng ako’y nagsimulang magtrabaho doon, ilang araw na lang ay Araw na ng mga Puso! Nalaman ko na doon pala ay may libreng espesyal na pananghalian para sa mga kababaihan ang inihahandog ng GM kapag Araw ng mga Puso. Kaya naman nang dumating ang Pebrero 14, lahat ng kababaihan sa opisina ay sabay sabay lumabas at kami’y nagtungo sa Triple V sa Alabang Town Center. Noong araw lang na ‘yun ako naging mulat sa mga ganung pangyayari sa opisina, sumama ako siyempre, kasi kainan un eh, at libre pa! Kahit di ko pa kilala lahat ng makakasalamuha ko sa opisinang yun eh sige, tuloy pa din, mukha naman silang mababait, at ang mga kasama ko sa departamento ko ay mababait din naman at makukulit.

At dumating ang pananghalian, ayun, eat all you can pala! Halos nabundat ako sa pagkain, pati dulo yata ng daliri ko ay napuno ng pagkain! hehe (takaw!)
matapos ang pananghalian, ay may konting ika nga ay “speech” ang GM. Masaya ang paligid sa mga sandaling iyon. Matapos magsalita ni GM, eto na si Marie, ang sekeretarya niya at nagtawag na ng mga gustong kumanta…hmmm…may videoke session pala pagkatapos kumain!

Siyempre kanta-kanta ang mga nagnais umawit…habang ako’y nanahimik sa isang mesa kasama mga ka-grupo ko. Nahihiya pa ako noon dahil ika-3 araw ko pa lang na nakakasama sila. Matapos ang ilang awitin, di nagtagal ay napapunta ang atensyon ni Marie sa grupo namin at naghanap ng kakanta. Ayun, nagturuan ang mga makukulit…hanggang sa ako ang naituro…siyempre ayoko! Kasi ba naman, sobrang bago ko pa at super nahihiya ako. Pero ewan ko ba sa dugo ko at nagpadala sa pangungumbinsi ng mga makukulit kong kasama. Kaya sa mga oras na iyon, sa harap ng mga bago kong kakilala at ng mga managers at GM, ako’y nagpaunlak ng isang awitin…wehehehe (lakas noh! – mahiyain pa ako nyan!)

Matapos kong umawit, naramdaman kong sila’y ligayang ligaya sa palabas kong naihandog sa kanila. Ilang tao pa ang sumunod sa akin na umawit, kabilang doon ang aking boss (na soltera). Napag-alaman ko din sa mga oras na iyon na si boss pala ay mahilig sa mga ganitong kasiyahan, kaya naman sa palagay ng aking mga kasama ay magkakasundo kami ni boss. harhar

Natapos ang araw na iyon at dumaan ang maraming araw, tama ang sinabi nila sa akin, nagkakasundo nga kami ni boss, lalo na pag usapang mag-videoke na tayo! hehe

Napadalas ang mga session namin kasama si boss…(libre nya siyempre…pero re-imburse sa kumpanya pagkatapos – kumusta di ba?). Salamat sa mga kasama naming nagre-resign dahilan sa kanila, napapadako kami sa mga videoke bar matapos kumain ng isang masarap ng dinner.

Unang naganap ito nung nagpaalam si Kris (di nya tunay na pangalan), isang taga-UP. Nagpasiya siyang magpaalam para magtrabaho sa Kapamilya at makipagsapalaran para sa mas magandang kinabukasan. Gaya nang sabi ko, nagpadespedida si boss. Napadpad kami sa Red Box sa Greenbelt, dahilan sa sumang-ayon ang lahat na magkantahan kami. Maganda ang videoke bar na un at makabago ang mga kanta, meron din namang luma. Naging paikot ang kantahan…una si boss…bago si Ruth, bago ako, bago ung isa ko pang kasama. Masaya kami sa gabing iyon, ang nakakalungkot lang eh, sa mahal ng renta sa lugar na iyon, konti lang ang aming pagkain…kaya’t paglabas namin ng Red Box eh sobrang gutom namin. Si boss na ilocana, dahilan sa mahal ng binayaran sa videoke, deadma sa dinner kahit nagugutom na din hehe. Pero di naman ako nagrereklamo dahilan sa libre lang naman niya yun.

Sumunod na nag-resign si Frank, di ko matandaan kung nag-videoke din kami nun eh, pero hindi yata. Sumunod kay Frank eh si Jeng…eto, siya kasi ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni boss nang mga panahong yun dahil isa siyang bibong tao. Dahilan sa dami ng naging pagpapaalipin ni Jeng sa kanya, hiniram muna ni boss ang rest house sa Tagaytay ng isa pang boss sa amin. Sa rest house ay may videoke din, at doon ay one-to-sawa ang kantahan without cost liban sa pagkain. Sa mga sandaling yun, ang songbook o songlist ay nasa mga kamay ni boss. Bahagya lang naming nahawakan para kami’y pumili ng awit na gusto namin…halos lahat ng kanta ay siya ang pumili! (grr)…. Dahil medyo nababagot kami sa kapipili nya, lumabas muna kami sa hardin at nagpahangin…maya-maya pa’y ayan na! Nagtatawag na si boss at kumanta na daw kami!

Kumusta naman yun, bossy na bossy pa din, kahit sa pag-awit, inuutusan nya kaming kumanta. Dahilan sa siya ang pumili ng kanta, matapos niyang umawit ay sinabihan ba naman akong “Oh mousmous, kumanta ka na, para sa’yo talaga yang susunod na kanta!”

Hala! Utusan ba akong kumanta! Siyempre, dahil kailangan sa evaluation, kailangan kong magpa-good shot kay boss, kaya naman kumanta na ako! Kahit sobrang nakakabagot ang ipinapakanta nya sa akin na Broken Vow…hay!!!! :hihimatayin:

Matapos kong kantahin ‘yon ay kinuha ko ang songbook at pumili ng kanta, napili ko ang isang Westlife song…at aking inawit. Sa mga sandaling ‘yon ay pinakiramdaman ko reaksyon ni boss…di siya umiimik at naghahanap na naman ng ibang kanta…matapos kong kantahin ang Westlife song ay umariba na naman si boss…”O mousmous, eto pa kantahin mo pa ito!” waahhhha

Gusto ko himatayin sa mga sandaling ‘yon, utusan na naman ba ako!

—-

May mga sumunod na sesyon pa kami ni boss sa videoke, kaya lang eh, masyado na mahaba ang wentong ito. Sa uulitin ko na lang iku-kuwento.

Sa wakas, ay nagtigil na din ang videoke ng kapitbahay kong Adek! Inantok na ata, aba’y maghapon ka ba namang kumanta, di ka kaya mapagod! :D

—-

Sa uulitin mga kaboks!

“Ellen!!! Sasapukin kita!”

Hunyo 16, 2007 mousmous 2 mga puna

Sino kamo si Ellen??? Aba’y hindi ko din siya kilala…kaya ko naman naibahagi sa inyo ang pangyayaring ito eh dahilan sa…habang nanahimik akong nagsusulat kanina lang, aba’y may isang batang biglang sumigaw. Kapitbahay yata namin siya, at sinabing…

“Ellen!!!!!!!!!!!Ellen!!!!!!!!!!!Ellen!!!!!!!!!!!!!Sasapukin kita!!!!!”

 Kumusta naman di ba? Medyo nagulantang lang kasi ako, dahil habang abala ako sa pagbabasa ng mga balitang seryoso, at ang kapatid ko naman ay abala sa kanyang pag-aaral, sa gitna ng katahimikan at pagmumuni-muni ng nanay ko…biglang may isang batang paslit na sisigaw ng ganyan! Sino kaya si Ellen??? Di ko siya kilala kasi di naman ako nangangapitbahay dito sa amin. wehehe

 Inakala ko pa ngang ako, kasi kung minsan, katunog ng “Ellen” ang tawag sa akin dito sa bahay…wehehe…kumusta naman kasi talaga si Ellen at bakit siya sasapukin ng batang paslit? Babae nga pala ang batang sumigaw, akalain mo yun, seryoso siya sa pagtawag kay Ellen…ayoko namang lumabas at usisain ang nangyayari sa kanila at baka ako naman ang sapukin ng batang paslit! Takot akuuu!

—-

Pinapakinggan ko na lang ngayon si Sarah at ang kanyang hanggang langit na pag-birit sa ASAP noong isang Linggo bago ang nakaraang Linggo. (gets ba kaboks? :P )

Medyo naaliw lang ako sa mga nanoonood sa studio dahil dinig na dinig sa TV ang kanilang mga nanggigigil na pagsigaw ng “Rachellllllllleeee!!!” o di kaya naman eh “We love you Sarah!!!!!!!” o di kaya naman eh “Shereeeeeeeeeeennnnnn!!!”.

Naalala ko tuloy ang pagsigaw ng isang manonood din sa studio na, “Ano ba talaga??? SHERYN o SHEREN!!!!!” wehehehe!