Show Off

Excited si Nanay, kasi Enero na…ilang buwan na lang, makakauwi na daw siya ng Pinas. Ilang ulit na din siyang nagbalak este magalsa-balutan at umuwi ng Pilipinas dahilan sa di daw niya ma-take ang tatay ko. Sa tuwi-tuwinang may di sila pinagkaka-unawaan…ayun, bukambibig na niya ang “Uuwi na ako!”

Well, kung ako tatanungin, mas mabuti pa nga siguro na nasa Pinas siya, nang sa gayo’y hindi siya naiinip. Napakadami kasi niyang reklamo dito, unang una na ang mga iyelo sa labas at ang makatanggal pangang lamig. Hindi ko naman siya masisi, pero siya kasi ang unang nag-ambisyong pumunta kami sa lupaing ito. Hindi niya inasahang madaming hirap at sakripisyo ang dadanasin ng isang magsisimula ng panibagong buhay dito. Malayong malayo sa inakala ng karamihan na maginhawa ang lahat ng nagpupunta sa abroad. Malayong malayo sa inasahan niyang maginhawa na agad ang buhay niya pagdating dito.

Read more of this post

Sarah’s Hit Songs

Kung may dapat kinakanta si Sarah Geronimo sa kanyang mga hit concerts, sa palagay ko ay mga sarili niyang recording ang mga ito…Sa ngayon kasi, pansin ko lang na kung ano yung sikat na kanta, yun ang kasama sa repertoire ng concerts niya. Why not, kering keri nga naman niyang i-perform ang mga hollywood at iba pang international music, pero mas maganda sana at mas napapasikat sana kung pinili among sa mga original at revival recordings niya ang mga awiting madidinig sa kanyang mga konsiyerto.

Katulad ng medley na ito mula sa kanyang matagumpay na Record Breaker concert…

Para sa akin, ang gandang pakinggang ng mga bagong areglo ng mga inawit niya. At sa tingin ko din, iyon ang essence ng konsiyerto ng isang mang-aawit, ang ibahagi ang kanyang sariling musika at hindi musika ng iba…

Proud Irony

Nuong isang linggo ay nakapagbasa ako ng isang edition ng The Filipino Journal na inilalahatla at ipinamimigay ng libre dito sa Winnipeg. Isa sa nakapukaw ng aking atensyon sa front page nito ay ang mga Pilipinong nabigyan ng estadong “citizen of Canada”. Isa sa mga ipinagmamalaki ng pahayagan ay ang apo ng isang diumano’y heneral na isa sa mga bayaning lumaban noong panahon ng mga Kastila.

Hindi ba nakakatawang isipin na ang mga Pinoy dito, naipagmamalaki pa ang ganitong “achievement” kuno…ang maging Canadian Citizen…na kesyo apo pa siya ng bayani o ng kung sinong sikat sa Pilipinas. Kung ako ang taong iyon, hindi ako magiging proud dahil ang lolo ko ay isa sa mga bayani ng Pilipinas…bayaning nakipaglaban para sa kalayaan ng kanyang lupang sinilangan. Kung aking niyayakap sa ngayon ang pagiging mamamayan ng banyagang lugar, isang malaking sampal ito sa legacy na iniwan ng aking lolo…

Sampalin niyo nga ako kung walang sense ang mga sinasabi ko…kung isa kang tunay na may dugo ng bayaning Pilipino, nawa’y itago na lang sana ang ganitong pangyayari…nakakatawa…Oh I’m the grandson of Gen. XX, a Philippine hero…and now I’m proud to be a Canadian…

Ito ang buhay Canada…abangan ang susunod….

Pandaigdigang Recession…Ano na kasunod?

Hindi talaga mapigilan ang pagbulusok pababa ng pandaigdigang ekonomiya sa mga panahong ito. Sa araw-araw na nagbubukas ako ng aking computer, tatambad na lang sa aking mga mata ang mga balitang si ganitong kumpanya ay nagbawas ng tao at kung ano ano pa. Ano na ang kasunod pagkatapos nito?

Kahapon lang nakausap ko ang dati kong kasama sa trabaho, at nakumpirma kong ang Intel ay tuluyan nang mawawala sa Pilipinas. Marahil ay hindi matatapos ang taon ay tuluyan nang isasara ang humigit kumulang 30 taong pamamalagi ng factory ng microprocessor at chipset sa Pinas. Malaking kawalan ito, lalo na’t isa sa top exporters ng bansa ang nasabing kumpanya. Kunsabagay, di lang naman sa Pinas, dahil pati sa Malaysia at iba pang bansa ay may isasara rin sila. Humigit kumulang 5000-6000 empleyado nila worldwide ang mababawas na naman.

Read more of this post

Mga Debotong Di Na Natuto

Nagawi ako sa front page ni Mareng Yahoo at nakita ko ang balita ng hindi na bagong riot sa prusisyon tuwing pista ng Nazareno sa Quiapo, Manila. Talagang napakarami pa din na debotong Pinoy ng santong ito, at sa tinagal tagal ng panahon, hanggang sa di mo na mailarawan ang mukha niya dahil sa kaitiman nito, hindi pa din nawawala ang paniniwalang Pinoy na ang pagsamba sa santong ito ang makakapagligtas sa kanila o di kaya’y makakatulong sa kaniya kaniyang problema sa buhay.

Read more of this post

Bagong CD ni Sarah

Sa lahat ng album ni SG, ito siguro ang the best, JUST ME ang title nito, at ang tema ay iba’t ibang kulay ng pag-ibig. Hindi katulad ng mga nakaraang recordings niya, na halo-halo ang tema mula sa pag-iibigan hanggang pagkakaibigan at encouragement. Kakaiba ang tunog ng mga kanta at animo’y isang foreigner ang kumakanta. Naka-duet nya pa ang pamosong miyembro ng Backstreet Boys na si Howie Dorough, datapwat, di ko sobrang paborito ang inawit nilang dalawa.

Mabuti na lang at may mababait na kaibigan at binigyan ako ng cd, may kasamang autograph ni SG at naiparating sa akin ng maayos. Salamat sa inyong lahat hehe…

:D

JUST ME….REVIEW

ASAP Birthday TV

Kanina ay maaga kaming umuwi ni potz galing ng lingguhang pagsamba. Matapos ang ilang linggong kaabalahan ay sa wakas, nagkaroon ulit kami ng pagkakataong makapanood ng isa sa mga paborito naming palabas tuwing Linggo, ang ASAP siyempre.

Sa umpisa pa lang, tila isang napaka-espesyal at magandang palabas ang inihanda ng staff sa tono pananalita ng mga hosts. Ngunit matapos ang opening number, humigit isa’t kalahating oras na panay tribute sa kaarawan ni Claudine Barretto ang nangyari. Akala ko ay isang special show na ito para lang sa birthday ni Claudine. Naisip namin ni potz tuloy na, iba talaga ang mga paborito ng Kapamilya Network, kundi isang buwang selebrasyon, isang show na selebrasyon. Gaya na lang ng kay Sarah Geronimo, isang buwan birthday celebration ang ibinigay sa kanya, mangyari ay ika-20 kaarawan niya, kasabay ng mga tinatawag na “milestone” projects niya. Subalit, di maiiwasang ito’y punahin ng iba dahilan sa halos iilang tao na lang umiikot ang palabas na ito, aminin man at hindi.

Mabuti na lang at paborito ko pa din si Sarah Geronimo…gusto ko din naman si Claudine, pero nauyam talaga ako sa sunod-sunod na number niya kanina….hayz…

Akala mo tuloy, BIRTHDAY TV itong ASAP eh.

TOXIC

Sa mga oras na ito, ako’y nagnanakaw lang ng sandali dahilan sa napaka-TOXIC ng aking trabaho ngayon. Pakiramdam ko’y di na ako makahinga…iniwanan pa ako ng dalawang kasama ko, ako tuloy ang back-up nila ng walang kaabug-abog! haiz…

Bakit nga ba nasasabi nating “TOXIC” tayo kapag sobra ang kabisihan? Dahil ba sa di na tayo makahinga? Ang ka-bisihan ba ay parang lason? Ewan ko din…naisip ko lang ito, nag-umpisa kasi noong Lunes ang aking ka-toxican, kaya buong linggo, na-carry over…mag-pamahiin ba ako sa mga panahong ito…

Pero seriously speaking, palagi kong nararanasan ang ganitong scenario. If I started the week right, all days of the week are pretty good, pero kapag ganitong Monday eh Manic Monday na, toxicology ka pa…the whole week ay asahan mo nang toxic ako…

Subalit datapwat…haha…minsan kase, Saturday nag-start na outlook sa ng mga weekdays ko, carried over the following week, kaya nga pagdating naman sa money matters, dapat may pera ako ng Sabado, para lahat ng araw sa sumunod na linggo ay may pera ako…and so far, tama naman ang mga teorya kong ganito para sa aking buhay haha…

Haiz…thank God its Friday now, sana next week PETIKSOLOGY ulit…

Another Day in the Jobless World…Ano na kasunod?

Ayan, matapos kong lumabas sa ospital, eto at kumekembot na ulit sa blog…ano pa nga ba? Nakaka-bore dito sa bahay…walang magawa, wala ka namang trabaho dito….

Isang araw na naman na walang trabaho, namnamin dahil kapag balik opisina na eh ayan na naman ang isang tambak na gagawin (parang may ginagawa daw ako hehe)….pano na kaya kung tuluyan na akong mawalan ng trabaho?

Noong Miyerkules, tinawagan ko si Ma.Lui para makisuyong ikuha ako ng Philhealth Claim Form para naman wala na akong bayaran sa hospital bill ko….nang naibulalas niya ang isang inaasahang balita na matagal nang bulong-bulungan sa opisina…..at yeS! yun at totoo nga! magsasara na ang kumpanya namin! Wahahaha!

Ano ba?! Baliw ba ako? Parang sobrang saya ko pa…ang totoo…wala lang, masaya ako kasi di naman ako affected, kasi malapit na din akong mag-resign, pero nakakalungkot para sa mahigit 3000 pang empleyado…pano na ung mga may edad na…mabuti na lang at maganda daw ang separation package na ino-offer…hmmm….iniisip ko tuloy kung magre-resign ako o hintayin ko na lang yung offer…hehe…pero kahit malaki pa ang separation package na ibigay, di naman panghabangbuhay na maisasantabi mo iyun…bagkus, ito’y mauubos at mawawala ng tuluyan…pagkatapos…ano na kasunod? Eh wala ka ngang trabaho di ba? Kung nasa retiring age ka na, pwede kang magnegosyo, pero sa estado ng Pilipinas ngayon, napakahirap magnegosyo kaya…ewan ko lang din, bigyan niyo nga ako ng ideya para makapag-negosyo na lang din…hmmm

Read more of this post

PETIKSOLOGY

PETIKSOLOGY, hinango mula sa salitang petiks, na ayon sa Disksyonaryo 201 ni Mousmous ay siyang katawagan sa mga oras na akala mo ay may ginagawa ka pero wala talaga; tawag din sa oras na sadyang binabagalan ang trabaho para makumpleto ang buong walong oras na may ginagawa.

Sabi ni DMS, ang mga salitang nagtatapos daw sa suffix na “-OLOGY” ay nagsasaad ng pag-aaral ng isang bagay. Kaya kung ang salitang PETIKS ay dudugtungan din natin ng suffix na “ology”, ito ay magiging pag-aaral ng ka-petikshan! (tama ba?) Di ako ang nakaisip ng terminolohiyang iyan, bunga lang yan ng kinabilangan kong usapang baliw na nangyari kamakailan.

Naisip kong may puntos naman ang pagbuo ng salitang “PETIKSOLOGY”. Kung gagamitin ko ang terminolohiyang ito, pwede ko nang bansagan na ang mga taong gobyerno ay nagtapos ng kursong ito. Di lang mga taong gobyerno, pati ang karamihan sa mga nagtatrabaho dyan. (Ehem! Wag na kayo magmaang-maangan pa huh!).

Kung sa oras ng trabaho ay nabasa mo ito, isa ka sa nagtapos ng kursong ito siguro…oh aangal ka ba?

Kung naging totoong kurso man ito, ano kayang trabaho ang tatanggap sa mga nagtapos nito? Teka, paano naman ang application nito sa mga estudyante pa lang?

Yung mga ayaw mag-aral ng matino, kumukuha yun ng double-degree. Ka-double ng kurso talaga nila etong kursong ito. Kung may BS Chemical Engineering and Chemistry na double degree, pwede ding magkaroon ng BS Commerce and Petiksology. Yan, swak na swak talaga sa mga taong gobyerno haha.

Ipagpaumanhin ng mga tinatamaan, naging connotation na kasi ang ka-petikshan ng mga nabanggit na workforce. Maging ako’y saksi sa ganyang sistema dito sa Pilipinas, Lunes na Lunes, wala nang opisina ang assessor’s office matapos ang pananghalian, hindi naman holiday, nag-holiday lang ang assessor. Oh well oh well. Isang halimbawa lang naman yan, bato bato from heaven, ang tamaan humingi ng band aid.

Obviously…..Petiks din ako! haha! :lol:

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.