Nasagasaan ng Bangka

Habang kumakain kami ng dinner kanina, napadpad ang usapan namin sa kwentong paglalakbay. Sumagi tuloy sa aking isipan ng naging karanasan ng aking kaibigang si Jeng nung nakaraang Holy Week. Mangyaring nagpunta sila kasama ng iba naming ka-opisina sa Vigan, dapat ay kasama ako, pero nagpasiya akong wag na lang dahil mas gusto ko yatang magmuni-muni sa mga panahong iyon… naks

Samakatwid, si Jeng at ang iba kong ka-opisina ay tumuloy sa kanilang pamamasyal mula sa Barasoin Church sa Malolos, hanggang sa makarating sila ng Vigan at pagkatapos ay sa Pagudpud. Sa dakong dulong iyon ng Pilipinas, may lugar pala kung saan ay pwede mong ma-enjoy ang dagat sa pamamagitan ng pamamangka. Papunta na sila dun nang sa di inaasahang pangyayari ay may komosyon na nagaganap…”May nasagasaan daw ng bangka!” anoooo???

Masama pa naman ang nakaraang araw ng kanilang pamamasyal dahilan sa bago sila pumunta doon ay may mga masasamang nanloob sa kanilang van habang namamasyal naman sila sa Colonial Houses.

Di nila inakalang pag dating ng Pagudpud ay may di kaaya-ayang pangyayari din…

Aking tinanong si Jeng pano nangyaring may nasagasaan ng bangka…ayon sa kwento nya, madami daw kasi maninisid dun sa parteng yun ng karagatan, habang madami ding bangkero na siyang binabayaran para ipasyal ang mga turista….Di inaasahan, may isang maninisid na di napansin ang parating na bangka, kaya naman nang siya ay nagtangkang lumutang sa ibabaw ng tubig, siya ay tinamaan sa ulo ng parating na bangka….

Kung iisipin ay kakatwa kung maririnig ang mga salitang “nasagasaan ng bangka” dahilan sa di ito pangkaraniwan at ni sa panaginip ay di ko naisip na mangyayari ito sa totoong buhay…pero dahilan sa kwento ni jeng…naisip kong ang lahat pala ng di natin inaakala ay maaring mangyari sa pinaka di inaasahang panahon…

😀

Advertisements

Na-wrong Send si Mylene

Si Mylene, sino siya? Pasensiya na kayo kasi gaya ni Ellen, hindi ko siya kilala. Kasi siya ang “unwanted textmate” ni Nanay.

Mangyari kasi ay ganito, minsan apat na linggo na ang nakakaraan, tumunog ang cellphone ni Nanay, may nag-text. Excited si Nanay, kasi akala niya eh ang forever textmate at darling nya na ang nag-text. Laking dismaya nya at isang number na hindi niya kilala ang nagpakita sa screen ng kanyang Motorola. hehe

“Hi besprend! kumusta ka na?” – ang sabi ng text.

Dahilan sa hindi nga kilala ni nanay kung sino yung nag-text na iyon, ipinagwalang bahala nya na lang ito binura ang nasabing text. Kinabukasan, nag-text na naman ang number…at ang mensahe ay katulad ng dati, isang pangungumusta sa kanyang “besprend”.

Nagdaan ang ilang linggo, mga 3 beses sa loob ng isang linggo ay nagte-text siya. Nainis si Nanay siyempre, kasi loyal yun sa isang texmate lang, si Tatay hehe. E di nya nga kilala un, kaya naman nag-reply siya na wag na mag-text sa kanya at hindi niya nga ito kilala.

Nag-reply ang mystery texter at sinabi,

“si mylene ito, hindi po ba ito ang number ni basti????”

Sumagot si nanay,

“wala ako kilalang basti at hindi kita kilala…kaya kung pwede eh wag k n mgte-text dito! period!”

Sagot si mylene,

“Sungit mo naman!”

Nabasa ni nanay, siyempre mega-react na naman “Eh hindi ko nga siya kilala! Naiirita na ako sa kanya! Ilang beses na siya text ng text di ko naman siya kilala!”

(Naku, lagooot!!!) hehe

Makailang sandali pa noon, ay nag-text muli si mylene,

“Ay sori po, mali nga ang number ko..peace na po tau ha” may kasamang picture ang text na sinsabing “HI CUTE!” weeee

Sa mga sandaling yun, natawa naman si nanay…hehe. Maya-maya ay nag-text na naman si mylene, hindi kasi nya alam na isang masungit na nanay pala ang ka-text nya sa mga oras na iyon.

“Hi friend, peace na tau ha, pwede ba kita maging textmate?” – yown ang istayl! kumusta naman yun!

Sinagot siya ni nanay,

“Sige ok lang bati na tau, pero wag mo na akong ite-text dahil wala akong panahon sa iyo…dahil akoy 80 years old na!”

hehe ang totoo eh 51 lang si nanay…

kaya naman muling sumagot si mylene,

“ganun, btw ako nga pala’y 56 years old na!” – gumaya pa, talaga naman ang mga taong walang magawa sa buhay, sayang ang mamiso sa text na ganito…tsk tsk tsk

Mga Alaala ng Videoke

Dahilan sa pagkatorete ko sa Vedioke Adek kong kapitbahay, na sa mga oras na ito’y Totoy Bibo na naman ang binabanatan sa videoke niya…bigla kong naalala ang mga sandali ng aking pagvi-videoke kasama ang aking mga kaibigan at kasama sa trabaho.

Unang Karanasan sa Videoke

Mahilig akong kumanta sa banyo, pero iyon eh para sa sarili ko lamang, kaya naman nang minsan nang mga panahong ako’y bago pa lamang nagtatrabaho, niyaya ako ng isa kong ka-opisina na mag-relaks daw at pumunta kami sa videoke. Sa totoo lang, di ko pa talaga nasubukan ang kumanta noon sa videoke, kaya ako’y sumama sa kanya at nagtungo kami ng Festival Mall. Itatago ko siya sa pangalang Flor, kasama namin ang isa pa naming ka-grupo noon na itatago ko naman sa pangalang Romy. hehe

Sa aming pagdating doon, si Romy ay nagtungo agad sa mga arcade games sa Tom’s World habang kami ni Flor ay napatayo sa harap ng 2 malaking videoke screen sa tabi ng Frio Mixx, at doon ay nagpasiya kaming kumanta. Dahil sa first time ko, sinabi ko sa kanya na kung pwede bang kami’y mag-duet na lang…at pumayag naman siya. Napili namin ang kantang “Cruisin'” ni Huey Lewis at Gwyneth Paltrow. Mabuti na lang at alas-siete na nang gabi noon at wala gaano tao, kaya naman nakatagal ako na magmakapal ng mukhang kumanta doon, ala-concert ba! Ang lupit di ba? first time pero ala-concert! wehehe kumusta kaya ako nun! hehe

Ang totoo, nahihiya ako, pero dahil may kasama ako, medyo kumapal ang mukha ko, kasi nakatalikod naman ako sa mga nanonood. Pagkatapos namin kumanta ng paganun-ganun, ayan na ang tunog na pinakaabangan ng lahat…”tantananannn….tanananannnnannn…deng…deng…deng……!!!” at lumitaw ang score namin sa malaking screen! Aba’y akalain nyo ba namang 100 ang lumabas???? Owwsss..

Harhar! Talagang mapapa-owws kayo dyan, kahit kami’y nagulat, pero sa loob ko’y natuwa ako siyempre, dahil kahit nagmakapal ako ng pagmumukha eh nakisama ang videoke machine…kahit alam kong hindi siya nagsasabi ng katotohanan! hehe

Mga Sumunod na Karanasan sa Videoke

Makaraan ang ilang buwan, ako’y nagpasiyang lumipat ng kumpanya na malapit lang sa aming lugar. Doon ay natuklasan kong, ang mga makaka-trabaho ko pala ay mga adik din pagdating sa kantahan! Katunayan ay may mga koleksyon ng videoke ang sekretarya ni GM (General Manager) na siyang nangunguna sa kantahan kapag may happenings sa opisina.

Ika-12 nang Pebero ng ako’y nagsimulang magtrabaho doon, ilang araw na lang ay Araw na ng mga Puso! Nalaman ko na doon pala ay may libreng espesyal na pananghalian para sa mga kababaihan ang inihahandog ng GM kapag Araw ng mga Puso. Kaya naman nang dumating ang Pebrero 14, lahat ng kababaihan sa opisina ay sabay sabay lumabas at kami’y nagtungo sa Triple V sa Alabang Town Center. Noong araw lang na ‘yun ako naging mulat sa mga ganung pangyayari sa opisina, sumama ako siyempre, kasi kainan un eh, at libre pa! Kahit di ko pa kilala lahat ng makakasalamuha ko sa opisinang yun eh sige, tuloy pa din, mukha naman silang mababait, at ang mga kasama ko sa departamento ko ay mababait din naman at makukulit.

At dumating ang pananghalian, ayun, eat all you can pala! Halos nabundat ako sa pagkain, pati dulo yata ng daliri ko ay napuno ng pagkain! hehe (takaw!)
matapos ang pananghalian, ay may konting ika nga ay “speech” ang GM. Masaya ang paligid sa mga sandaling iyon. Matapos magsalita ni GM, eto na si Marie, ang sekeretarya niya at nagtawag na ng mga gustong kumanta…hmmm…may videoke session pala pagkatapos kumain!

Siyempre kanta-kanta ang mga nagnais umawit…habang ako’y nanahimik sa isang mesa kasama mga ka-grupo ko. Nahihiya pa ako noon dahil ika-3 araw ko pa lang na nakakasama sila. Matapos ang ilang awitin, di nagtagal ay napapunta ang atensyon ni Marie sa grupo namin at naghanap ng kakanta. Ayun, nagturuan ang mga makukulit…hanggang sa ako ang naituro…siyempre ayoko! Kasi ba naman, sobrang bago ko pa at super nahihiya ako. Pero ewan ko ba sa dugo ko at nagpadala sa pangungumbinsi ng mga makukulit kong kasama. Kaya sa mga oras na iyon, sa harap ng mga bago kong kakilala at ng mga managers at GM, ako’y nagpaunlak ng isang awitin…wehehehe (lakas noh! – mahiyain pa ako nyan!)

Matapos kong umawit, naramdaman kong sila’y ligayang ligaya sa palabas kong naihandog sa kanila. Ilang tao pa ang sumunod sa akin na umawit, kabilang doon ang aking boss (na soltera). Napag-alaman ko din sa mga oras na iyon na si boss pala ay mahilig sa mga ganitong kasiyahan, kaya naman sa palagay ng aking mga kasama ay magkakasundo kami ni boss. harhar

Natapos ang araw na iyon at dumaan ang maraming araw, tama ang sinabi nila sa akin, nagkakasundo nga kami ni boss, lalo na pag usapang mag-videoke na tayo! hehe

Napadalas ang mga session namin kasama si boss…(libre nya siyempre…pero re-imburse sa kumpanya pagkatapos – kumusta di ba?). Salamat sa mga kasama naming nagre-resign dahilan sa kanila, napapadako kami sa mga videoke bar matapos kumain ng isang masarap ng dinner.

Unang naganap ito nung nagpaalam si Kris (di nya tunay na pangalan), isang taga-UP. Nagpasiya siyang magpaalam para magtrabaho sa Kapamilya at makipagsapalaran para sa mas magandang kinabukasan. Gaya nang sabi ko, nagpadespedida si boss. Napadpad kami sa Red Box sa Greenbelt, dahilan sa sumang-ayon ang lahat na magkantahan kami. Maganda ang videoke bar na un at makabago ang mga kanta, meron din namang luma. Naging paikot ang kantahan…una si boss…bago si Ruth, bago ako, bago ung isa ko pang kasama. Masaya kami sa gabing iyon, ang nakakalungkot lang eh, sa mahal ng renta sa lugar na iyon, konti lang ang aming pagkain…kaya’t paglabas namin ng Red Box eh sobrang gutom namin. Si boss na ilocana, dahilan sa mahal ng binayaran sa videoke, deadma sa dinner kahit nagugutom na din hehe. Pero di naman ako nagrereklamo dahilan sa libre lang naman niya yun.

Sumunod na nag-resign si Frank, di ko matandaan kung nag-videoke din kami nun eh, pero hindi yata. Sumunod kay Frank eh si Jeng…eto, siya kasi ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni boss nang mga panahong yun dahil isa siyang bibong tao. Dahilan sa dami ng naging pagpapaalipin ni Jeng sa kanya, hiniram muna ni boss ang rest house sa Tagaytay ng isa pang boss sa amin. Sa rest house ay may videoke din, at doon ay one-to-sawa ang kantahan without cost liban sa pagkain. Sa mga sandaling yun, ang songbook o songlist ay nasa mga kamay ni boss. Bahagya lang naming nahawakan para kami’y pumili ng awit na gusto namin…halos lahat ng kanta ay siya ang pumili! (grr)…. Dahil medyo nababagot kami sa kapipili nya, lumabas muna kami sa hardin at nagpahangin…maya-maya pa’y ayan na! Nagtatawag na si boss at kumanta na daw kami!

Kumusta naman yun, bossy na bossy pa din, kahit sa pag-awit, inuutusan nya kaming kumanta. Dahilan sa siya ang pumili ng kanta, matapos niyang umawit ay sinabihan ba naman akong “Oh mousmous, kumanta ka na, para sa’yo talaga yang susunod na kanta!”

Hala! Utusan ba akong kumanta! Siyempre, dahil kailangan sa evaluation, kailangan kong magpa-good shot kay boss, kaya naman kumanta na ako! Kahit sobrang nakakabagot ang ipinapakanta nya sa akin na Broken Vow…hay!!!! :hihimatayin:

Matapos kong kantahin ‘yon ay kinuha ko ang songbook at pumili ng kanta, napili ko ang isang Westlife song…at aking inawit. Sa mga sandaling ‘yon ay pinakiramdaman ko reaksyon ni boss…di siya umiimik at naghahanap na naman ng ibang kanta…matapos kong kantahin ang Westlife song ay umariba na naman si boss…”O mousmous, eto pa kantahin mo pa ito!” waahhhha

Gusto ko himatayin sa mga sandaling ‘yon, utusan na naman ba ako!

—-

May mga sumunod na sesyon pa kami ni boss sa videoke, kaya lang eh, masyado na mahaba ang wentong ito. Sa uulitin ko na lang iku-kuwento.

Sa wakas, ay nagtigil na din ang videoke ng kapitbahay kong Adek! Inantok na ata, aba’y maghapon ka ba namang kumanta, di ka kaya mapagod! 😀

—-

Sa uulitin mga kaboks!

Vedioke Adek!

Hay…pasensiya na kayo, nawiwili ako masyado magsulat ngayon, na-miss kasi ni Mousmous ang magkwento, ang dami kasing trabaho….halos araw-araw akong napupuyat dahil sa nag-uuwi pa ako ng trabaho sa bahay, di naman ako binabayaran dito 😦

Pero ok lang naman yun, isang kaadikan sa trabaho? Sa palagay ko’y hindi, pero tsaka ko na lang ikukwento kung bakit ko nasabi. 😀

Kanina kasi, nasa kasarapan pa ako ng aking pagtulog nang bigla akong naalimpungatan dahil sa isang nakakatoreteng ingay! Ano kamo, tunog lang naman ng videoke machine ng aming kapitbahay!

Pampalakas yata nila sa umaga habang nag-eehersisyo, dahil ang tugtog ba naman eh ang melody ng “Totoy Bibo” ni Vhong Navarro. Di ko naman masyado gusto pakinggan ang mga ika-nga’y “novelty song” kaya ako’y natorete at di nakatiis na bumangon na. Mabuti na lang at wala pang kumakanta sa mga oras na yun. Inasam kong tumigil na sana ang tunog na nanggagaling duon, subali’t naramdaman kong ako’y mabibigo…kaya naman binuksan ko ang radyo at ako’y nagpatugtog din ng malakas!

Siyempre, sinabayan ko ang lakas ng videoke machine dahilan sa mga sandaling yun, ayan na ang Vedioke Adek! hehe

Una kong pinatugtog ang peborit ni nanay, ang Bee Gees song…”Staying Alive…staying alive…ha! ha! ha!”

Nagtagumpay naman ako sa aking layunin na hindi marinig ang mga awitin ng Vedioke Adek na talaga namang swak na swak ang pagiging sintunado at sablay sa bigkas ng mga wika sa awitin! (akalain nyong may binabasa na sablay pa din ang bigkas! wahaha)

Natapos akong magluto at ilang sandali pa’y kumain na kami ng tanghalian…salamat at tumigil na din si Adek, Wowowee na kasi! wheheeh (si Adek eh ang babaeng kapitbahay namin, di ko siya kilala pero talagang ayaw niya paawat sa kakakanta kahit sobrang sakit sa tenga!)

Sa mga sandaling inumpisahan ko ang pagsusulat dito, siya’y muling umariba sa pagkanta, kaya naisip kong ibahagi kung paano siya kumanta….eto ang mga sinambit nya habang kumakanta:

Mirror Mirror ng M2M

“Meror meror hanging on the wall….” – kumusta  naman ang meror!

Laklak ng Teeth

“Lola pahingi ng pambili ng toma…Oh diyos ko!!! nahihiiyeloooo na akooo…Pero ngayon (wala pa ang nota)…pero ngayon ako’y matanda na….O di….kase laklak…maghapon…magdamag” – dito nahilo din ako

Making Love Out of Nothing At All ng Air Supply

“I know just how to..uhmmmuhmmm…” tapos pinalitan ang kanta…wehehe di kinaya…

Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Rico Jay Puno

“nagtatanowng lang sa’yo…” “darating ang araw…ang hiyong buhok ay puputi na rin…” “kahit maputi na hanggggggg………..buhowk kow……………….” – sana mamuti na buhok nya kakakanta….huhu…kapampangan kaya siya???

Baliw na Puso ni (di ko alam sino kumanta)

“Hindi pa rin…malilimot ang ‘sang katolad mo…ohhh…bakit kaya hindi magawa kahit pilitin kowww hanggang saan ang damdamin kong ito? mahal pa rin kitaaaaaaaaaahhh!!!!” – eto nag-uumapaw ang damdamin niya wahaha

Hiram ni Zsazsa Padilla

“Di ba????!!!! Akohoyyy tao lang nanadadarang at natotokso rennn…..” – haha ang theme song ng Palimos ng Barya este Palimos ng Pag-ibig! 😛

“Ellen!!! Sasapukin kita!”

Sino kamo si Ellen??? Aba’y hindi ko din siya kilala…kaya ko naman naibahagi sa inyo ang pangyayaring ito eh dahilan sa…habang nanahimik akong nagsusulat kanina lang, aba’y may isang batang biglang sumigaw. Kapitbahay yata namin siya, at sinabing…

“Ellen!!!!!!!!!!!Ellen!!!!!!!!!!!Ellen!!!!!!!!!!!!!Sasapukin kita!!!!!”

 Kumusta naman di ba? Medyo nagulantang lang kasi ako, dahil habang abala ako sa pagbabasa ng mga balitang seryoso, at ang kapatid ko naman ay abala sa kanyang pag-aaral, sa gitna ng katahimikan at pagmumuni-muni ng nanay ko…biglang may isang batang paslit na sisigaw ng ganyan! Sino kaya si Ellen??? Di ko siya kilala kasi di naman ako nangangapitbahay dito sa amin. wehehe

 Inakala ko pa ngang ako, kasi kung minsan, katunog ng “Ellen” ang tawag sa akin dito sa bahay…wehehe…kumusta naman kasi talaga si Ellen at bakit siya sasapukin ng batang paslit? Babae nga pala ang batang sumigaw, akalain mo yun, seryoso siya sa pagtawag kay Ellen…ayoko namang lumabas at usisain ang nangyayari sa kanila at baka ako naman ang sapukin ng batang paslit! Takot akuuu!

—-

Pinapakinggan ko na lang ngayon si Sarah at ang kanyang hanggang langit na pag-birit sa ASAP noong isang Linggo bago ang nakaraang Linggo. (gets ba kaboks? :P)

Medyo naaliw lang ako sa mga nanoonood sa studio dahil dinig na dinig sa TV ang kanilang mga nanggigigil na pagsigaw ng “Rachellllllllleeee!!!” o di kaya naman eh “We love you Sarah!!!!!!!” o di kaya naman eh “Shereeeeeeeeeeennnnnn!!!”.

Naalala ko tuloy ang pagsigaw ng isang manonood din sa studio na, “Ano ba talaga??? SHERYN o SHEREN!!!!!” wehehehe!

Mataas na naman ang DollaR!

Kumusta naman yun! Pagkatapos ng ilang buwang paunti-unting pagbaba ng dollar eh nararamdaman kong unti-unti na naman itong tataas! yehey!

Teka, hindi naman sa ikinatutuwa ko ng lubos ang pagtaas nito, siyempre, apektado na naman ang ating araw-araw na pamumuhay lalo na kapag humirit na naman ang mga hari ng daan sa panibagong pagtaas ng pamasahe kapag tumaas na naman ang presyo ng kalangisan dahil sa pagtaas ng dolyar! hmmfff…di naman nag-rollback ng pamasahe kapag nag-rollback din ang langis este ang presyo ng langis! kumusta naman di ba?!

Kaya ako natutuwa kasi, sa wakas, babalik na sa dati niyang halaga ang 100 dollars na pinambayad utang sa akin. Ganito kasi yun, yung nanay ko kasi, umutang sa akin ng 5000 pesos, nung ibinalik nya sa akin after 2 weeks, sabi nya, “Anak, pwede bang itong 100 dollars na lang ang ibayad ko sa’yo?”. Eh P48=$1 ang halaga pa nun, kaya ibig sabihin, 200 pesos lang ang kulang niya sa 5000 na inutang niya sa akin. Kaya naman sabi ko sa nanay ko eh, “Sige po inay, discount mo na yung 200 pesos!” wehehe…

Kaya naman ang ginawa ko, itinago ko muna para naman may dollar ang laman ng wallet ko. Subalit sa pagdaan ng mga araw, tila unti unti akong nakakaramdam ng pagkalugi…wehehe, pero di ko naman pinanghihinayangan na kulang na yun dahil si nanay naman ang nagbigay sa akin! hehe…iba na ang magkakapamilya! 😀

—-

Pero bakit nga ba tumataas na naman ang dolyar ngayon? Hmm…sa palagay ko’y tama ang hula ko na hindi si Gloria at ang programa niyang pang-ekonomiya ang dahilan sa paglakas ng piso, kundi ito’y dahilan sa paghina ng ekonomiya ng Estados Unidos. Malaking bahagi pa rin sa kalakalan ng Pilipinas ang higanteng bansang ito, kaya sa mga oras na humihina ang ekonomiya nito, malaki ang nagiging epekto sa atin at sa halaga ng piso. Ngunit sa halip na bumaba, ito’y tumaas dahilan sa establisadong kalakalan sa ibang bansa tulad ng pasulong nang pasulong na Kaharian ng mga Singkit – ang Tsina.

Naging konklusyon ko ito matapos kong mabasa ang balita ng Bloomberg News na ito “U.S. Stocks Surge After Consumer Price Gauge Slows” (Ingles yan ha! :P). Sa pagtaas muli ng demand sa mga kalakal doon kasabay ng pagiging matatag ng presyo (di tumaas ng malaki na magdudulot ng “inflation”), tumaas din ng ilang puntos ang halaga ng stock market nila, na sinabayan naman ng pagtaas ng halaga ng dolyar laban sa piso! hehe Pero hindi ko sinasabing ito lang ang dahilan sa paghina muli ng piso…dahilan sa marami pang kapaliwanagan ang meron sa likod nito. Hindi naman ako isang ekonomista para magmarunong na magpaliwanag.

—-

Ang mga kuro-kurong ito’y gawa lamang ng mga kwentong panadero dahilan sa apektado siya sa pagtaas ng harina kamakailan lang :P.

Sa kabila ng lahat ng ito, siguradong masaya na naman ang mga kapamilya ng ating mga Overseas Filipino Workers at ibang Pinoy abroad dahil mas marami silang magiging pakinabang sa pagtaas ng halaga ng dolyar na pinapadala ng kanilang mga mahal sa buhay. Inaamin ko na isa ako sa kanila…wehehe…

Ang Yahooseryeng Palimos ng Barya

Galing kay Nieerz…galeng! Hwaw, halos masira ang ulo ko nung nabasa ko ito…paanong ang bulag eh nakaakyat ng billboard…eto basahin nyo ang kwentong pinamagatang: Palimos ng Barya… 

Starring: Sitaw, Romel, Fita
Sub characters: Manong Goryo, Dolor, Aling Kutse


Ang mga tauhan:

Sitaw = Ang bulag na malanding ex-gelpren ni Romel
Romel = Kasapi sa korporasyon. Korporasyon ng mga nagpapatakbo ng Fruitgame sa may Quiapo.
Fita = Hindi sya tinapay, kundi ang napilitang kasintahan ni Romel na nagtitinda ng kwek kwek sa may Quiapo din. Meron din syang tindang Fita biskwits.

Glossary (para sa walang alam este wala sa Pinas):

Fruitgame = isang bagong kinahuhumalingan nga mga tambay sa kanto. Ito’y kasalukuyang lumalaganap sa sambayanan ng street namin.

How it works: Ang dami mo namang tanong….kaloka ka! Ganito kasi iyon, kelangan may piso kang barya, itataya mo yun sa kung anong prutas ang gusto mo (apple, orange, grapes, banana…etsetera….etsetera…). Merong machine na ang nakalagay eh mga frutas…kapag ang tumama sa tinayaan mong prutas ang tinigilan ng ilaw ng machine, ang piso mo ay magiging sampung piso na….parang kung si Jose Rizal…naging Apolinario Mabini…

Setting: Sa Quiapo, sa Baywalk, at sa Billboard (kung saang billboard, basta may billboard dun!)

Ang Kwento:

Matikas na lalaki si Romel, masigasig sa buhay,masipag manghikayat ng mga batang kalye na maglaron Fruitgame sa kanilang korporasyon, at higit sa lahat mahal nya si Fita. Mahirap para kay Romel na tanggapin ang katotohanan na hindi sya gusto ng babaeng natitipuhan ng kanyang puso. Ngunit dahil pursigido sya sa panliligaw ay napasagot nya rin si Fita…ng sapilitan.

Unang tagpo: Sa stand ng kwek-kwekan ni Fita sa Quiapo. Sunod ay sa bahay ni Fita.

Romel: Mahal, yayayain sana kitang mag date bukas. Pwede ka ba?
Fita: (nagdadalawang isip) Ah, eh, saan ba tayo pupunta?
Romel: Basta, sikreto muna. Pero sigurado ako namagugustuhan mo sa lugar na yon.
Fita: Ah ganun ba? Ahmamamamammm, sige. Mga anung oras ba hmmmm?
Romel: (nagba-blush ang mukha) Alas siete, susunduin kita sa inyo, ok na ba yon?
Fita: Sige, pero may sasakyan ba tayo?
Romel: (muling nag blush) Ay oo meron. Oh ano, ha? Bukas, alas siete.
Fita: Ok…..

Matapos ang pag-aaya ni Romel, at konting lambing kay Fita habang ang huli’y nangingilabot, umuwi na sila. Pero syempre dahil gentleman si Romel, inihatid muna nya si Fita sa bahay nito. (Yeba!!!)

Read more of this post

%d bloggers like this: