“Ellen!!! Sasapukin kita!”

Sino kamo si Ellen??? Aba’y hindi ko din siya kilala…kaya ko naman naibahagi sa inyo ang pangyayaring ito eh dahilan sa…habang nanahimik akong nagsusulat kanina lang, aba’y may isang batang biglang sumigaw. Kapitbahay yata namin siya, at sinabing…

“Ellen!!!!!!!!!!!Ellen!!!!!!!!!!!Ellen!!!!!!!!!!!!!Sasapukin kita!!!!!”

 Kumusta naman di ba? Medyo nagulantang lang kasi ako, dahil habang abala ako sa pagbabasa ng mga balitang seryoso, at ang kapatid ko naman ay abala sa kanyang pag-aaral, sa gitna ng katahimikan at pagmumuni-muni ng nanay ko…biglang may isang batang paslit na sisigaw ng ganyan! Sino kaya si Ellen??? Di ko siya kilala kasi di naman ako nangangapitbahay dito sa amin. wehehe

 Inakala ko pa ngang ako, kasi kung minsan, katunog ng “Ellen” ang tawag sa akin dito sa bahay…wehehe…kumusta naman kasi talaga si Ellen at bakit siya sasapukin ng batang paslit? Babae nga pala ang batang sumigaw, akalain mo yun, seryoso siya sa pagtawag kay Ellen…ayoko namang lumabas at usisain ang nangyayari sa kanila at baka ako naman ang sapukin ng batang paslit! Takot akuuu!

—-

Pinapakinggan ko na lang ngayon si Sarah at ang kanyang hanggang langit na pag-birit sa ASAP noong isang Linggo bago ang nakaraang Linggo. (gets ba kaboks? :P)

Medyo naaliw lang ako sa mga nanoonood sa studio dahil dinig na dinig sa TV ang kanilang mga nanggigigil na pagsigaw ng “Rachellllllllleeee!!!” o di kaya naman eh “We love you Sarah!!!!!!!” o di kaya naman eh “Shereeeeeeeeeeennnnnn!!!”.

Naalala ko tuloy ang pagsigaw ng isang manonood din sa studio na, “Ano ba talaga??? SHERYN o SHEREN!!!!!” wehehehe!

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

2 Responses to “Ellen!!! Sasapukin kita!”

  1. tinsters ay nagsabing:

    ngayon ko lang nabasa hehehe kasi akala ko kung sino si ellen natatwa talaga ako ate sa ellen sasapukin kita parang ganyan din kasi mga bata sa amin hahahaha……….

  2. mousmous ay nagsabing:

    haha! uu nga, nawindang kasi kami, nananahimik kami biglang sumigaw sa tapat namin yung bata, tapos sinabi nga na may sasapukin daw siya😆

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: