Mataas na naman ang DollaR!

Kumusta naman yun! Pagkatapos ng ilang buwang paunti-unting pagbaba ng dollar eh nararamdaman kong unti-unti na naman itong tataas! yehey!

Teka, hindi naman sa ikinatutuwa ko ng lubos ang pagtaas nito, siyempre, apektado na naman ang ating araw-araw na pamumuhay lalo na kapag humirit na naman ang mga hari ng daan sa panibagong pagtaas ng pamasahe kapag tumaas na naman ang presyo ng kalangisan dahil sa pagtaas ng dolyar! hmmfff…di naman nag-rollback ng pamasahe kapag nag-rollback din ang langis este ang presyo ng langis! kumusta naman di ba?!

Kaya ako natutuwa kasi, sa wakas, babalik na sa dati niyang halaga ang 100 dollars na pinambayad utang sa akin. Ganito kasi yun, yung nanay ko kasi, umutang sa akin ng 5000 pesos, nung ibinalik nya sa akin after 2 weeks, sabi nya, “Anak, pwede bang itong 100 dollars na lang ang ibayad ko sa’yo?”. Eh P48=$1 ang halaga pa nun, kaya ibig sabihin, 200 pesos lang ang kulang niya sa 5000 na inutang niya sa akin. Kaya naman sabi ko sa nanay ko eh, “Sige po inay, discount mo na yung 200 pesos!” wehehe…

Kaya naman ang ginawa ko, itinago ko muna para naman may dollar ang laman ng wallet ko. Subalit sa pagdaan ng mga araw, tila unti unti akong nakakaramdam ng pagkalugi…wehehe, pero di ko naman pinanghihinayangan na kulang na yun dahil si nanay naman ang nagbigay sa akin! hehe…iba na ang magkakapamilya!😀

—-

Pero bakit nga ba tumataas na naman ang dolyar ngayon? Hmm…sa palagay ko’y tama ang hula ko na hindi si Gloria at ang programa niyang pang-ekonomiya ang dahilan sa paglakas ng piso, kundi ito’y dahilan sa paghina ng ekonomiya ng Estados Unidos. Malaking bahagi pa rin sa kalakalan ng Pilipinas ang higanteng bansang ito, kaya sa mga oras na humihina ang ekonomiya nito, malaki ang nagiging epekto sa atin at sa halaga ng piso. Ngunit sa halip na bumaba, ito’y tumaas dahilan sa establisadong kalakalan sa ibang bansa tulad ng pasulong nang pasulong na Kaharian ng mga Singkit – ang Tsina.

Naging konklusyon ko ito matapos kong mabasa ang balita ng Bloomberg News na ito “U.S. Stocks Surge After Consumer Price Gauge Slows” (Ingles yan ha! :P). Sa pagtaas muli ng demand sa mga kalakal doon kasabay ng pagiging matatag ng presyo (di tumaas ng malaki na magdudulot ng “inflation”), tumaas din ng ilang puntos ang halaga ng stock market nila, na sinabayan naman ng pagtaas ng halaga ng dolyar laban sa piso! hehe Pero hindi ko sinasabing ito lang ang dahilan sa paghina muli ng piso…dahilan sa marami pang kapaliwanagan ang meron sa likod nito. Hindi naman ako isang ekonomista para magmarunong na magpaliwanag.

—-

Ang mga kuro-kurong ito’y gawa lamang ng mga kwentong panadero dahilan sa apektado siya sa pagtaas ng harina kamakailan lang😛.

Sa kabila ng lahat ng ito, siguradong masaya na naman ang mga kapamilya ng ating mga Overseas Filipino Workers at ibang Pinoy abroad dahil mas marami silang magiging pakinabang sa pagtaas ng halaga ng dolyar na pinapadala ng kanilang mga mahal sa buhay. Inaamin ko na isa ako sa kanila…wehehe…

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

3 Responses to Mataas na naman ang DollaR!

  1. maganda... ay nagsabing:

    sana yung mas latest…….

  2. maganda... ay nagsabing:

    ok lang pero hindi masyadong nakakatawa…gandahan ninyo sa susunod…

  3. cryst ay nagsabing:

    i guess this is referring to June 16 date, forex varies daily…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: