Vedioke Adek!

Hay…pasensiya na kayo, nawiwili ako masyado magsulat ngayon, na-miss kasi ni Mousmous ang magkwento, ang dami kasing trabaho….halos araw-araw akong napupuyat dahil sa nag-uuwi pa ako ng trabaho sa bahay, di naman ako binabayaran dito😦

Pero ok lang naman yun, isang kaadikan sa trabaho? Sa palagay ko’y hindi, pero tsaka ko na lang ikukwento kung bakit ko nasabi.😀

Kanina kasi, nasa kasarapan pa ako ng aking pagtulog nang bigla akong naalimpungatan dahil sa isang nakakatoreteng ingay! Ano kamo, tunog lang naman ng videoke machine ng aming kapitbahay!

Pampalakas yata nila sa umaga habang nag-eehersisyo, dahil ang tugtog ba naman eh ang melody ng “Totoy Bibo” ni Vhong Navarro. Di ko naman masyado gusto pakinggan ang mga ika-nga’y “novelty song” kaya ako’y natorete at di nakatiis na bumangon na. Mabuti na lang at wala pang kumakanta sa mga oras na yun. Inasam kong tumigil na sana ang tunog na nanggagaling duon, subali’t naramdaman kong ako’y mabibigo…kaya naman binuksan ko ang radyo at ako’y nagpatugtog din ng malakas!

Siyempre, sinabayan ko ang lakas ng videoke machine dahilan sa mga sandaling yun, ayan na ang Vedioke Adek! hehe

Una kong pinatugtog ang peborit ni nanay, ang Bee Gees song…”Staying Alive…staying alive…ha! ha! ha!”

Nagtagumpay naman ako sa aking layunin na hindi marinig ang mga awitin ng Vedioke Adek na talaga namang swak na swak ang pagiging sintunado at sablay sa bigkas ng mga wika sa awitin! (akalain nyong may binabasa na sablay pa din ang bigkas! wahaha)

Natapos akong magluto at ilang sandali pa’y kumain na kami ng tanghalian…salamat at tumigil na din si Adek, Wowowee na kasi! wheheeh (si Adek eh ang babaeng kapitbahay namin, di ko siya kilala pero talagang ayaw niya paawat sa kakakanta kahit sobrang sakit sa tenga!)

Sa mga sandaling inumpisahan ko ang pagsusulat dito, siya’y muling umariba sa pagkanta, kaya naisip kong ibahagi kung paano siya kumanta….eto ang mga sinambit nya habang kumakanta:

Mirror Mirror ng M2M

“Meror meror hanging on the wall….” – kumusta  naman ang meror!

Laklak ng Teeth

“Lola pahingi ng pambili ng toma…Oh diyos ko!!! nahihiiyeloooo na akooo…Pero ngayon (wala pa ang nota)…pero ngayon ako’y matanda na….O di….kase laklak…maghapon…magdamag” – dito nahilo din ako

Making Love Out of Nothing At All ng Air Supply

“I know just how to..uhmmmuhmmm…” tapos pinalitan ang kanta…wehehe di kinaya…

Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Rico Jay Puno

“nagtatanowng lang sa’yo…” “darating ang araw…ang hiyong buhok ay puputi na rin…” “kahit maputi na hanggggggg………..buhowk kow……………….” – sana mamuti na buhok nya kakakanta….huhu…kapampangan kaya siya???

Baliw na Puso ni (di ko alam sino kumanta)

“Hindi pa rin…malilimot ang ‘sang katolad mo…ohhh…bakit kaya hindi magawa kahit pilitin kowww hanggang saan ang damdamin kong ito? mahal pa rin kitaaaaaaaaaahhh!!!!” – eto nag-uumapaw ang damdamin niya wahaha

Hiram ni Zsazsa Padilla

“Di ba????!!!! Akohoyyy tao lang nanadadarang at natotokso rennn…..” – haha ang theme song ng Palimos ng Barya este Palimos ng Pag-ibig!😛

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

4 Responses to Vedioke Adek!

  1. lyme ay nagsabing:

    gusto ko ung meror meror….hehehehe
    feel na feel niyang kumanta,,buti naman di siya binabato.,hahaha

  2. mousmous ay nagsabing:

    totoong feel na feel nya…hanggang sa mga oras na ito ay may session pa siya sa videoke…from dawn till dusk ang drama! waaaaahhh

  3. louie ay nagsabing:

    hoy

  4. dearcar ay nagsabing:

    ah ganon bah?? wahahaha!!! nag research ako sa google ng vedioke tapos ito lumabas syaka tiningnan ko!! at binasa !!! tang ina nalaman ko tuloy may adik na adik pala sa vedioke noh!??:D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: