Na-wrong Send si Mylene

Si Mylene, sino siya? Pasensiya na kayo kasi gaya ni Ellen, hindi ko siya kilala. Kasi siya ang “unwanted textmate” ni Nanay.

Mangyari kasi ay ganito, minsan apat na linggo na ang nakakaraan, tumunog ang cellphone ni Nanay, may nag-text. Excited si Nanay, kasi akala niya eh ang forever textmate at darling nya na ang nag-text. Laking dismaya nya at isang number na hindi niya kilala ang nagpakita sa screen ng kanyang Motorola. hehe

“Hi besprend! kumusta ka na?” – ang sabi ng text.

Dahilan sa hindi nga kilala ni nanay kung sino yung nag-text na iyon, ipinagwalang bahala nya na lang ito binura ang nasabing text. Kinabukasan, nag-text na naman ang number…at ang mensahe ay katulad ng dati, isang pangungumusta sa kanyang “besprend”.

Nagdaan ang ilang linggo, mga 3 beses sa loob ng isang linggo ay nagte-text siya. Nainis si Nanay siyempre, kasi loyal yun sa isang texmate lang, si Tatay hehe. E di nya nga kilala un, kaya naman nag-reply siya na wag na mag-text sa kanya at hindi niya nga ito kilala.

Nag-reply ang mystery texter at sinabi,

“si mylene ito, hindi po ba ito ang number ni basti????”

Sumagot si nanay,

“wala ako kilalang basti at hindi kita kilala…kaya kung pwede eh wag k n mgte-text dito! period!”

Sagot si mylene,

“Sungit mo naman!”

Nabasa ni nanay, siyempre mega-react na naman “Eh hindi ko nga siya kilala! Naiirita na ako sa kanya! Ilang beses na siya text ng text di ko naman siya kilala!”

(Naku, lagooot!!!) hehe

Makailang sandali pa noon, ay nag-text muli si mylene,

“Ay sori po, mali nga ang number ko..peace na po tau ha” may kasamang picture ang text na sinsabing “HI CUTE!” weeee

Sa mga sandaling yun, natawa naman si nanay…hehe. Maya-maya ay nag-text na naman si mylene, hindi kasi nya alam na isang masungit na nanay pala ang ka-text nya sa mga oras na iyon.

“Hi friend, peace na tau ha, pwede ba kita maging textmate?” – yown ang istayl! kumusta naman yun!

Sinagot siya ni nanay,

“Sige ok lang bati na tau, pero wag mo na akong ite-text dahil wala akong panahon sa iyo…dahil akoy 80 years old na!”

hehe ang totoo eh 51 lang si nanay…

kaya naman muling sumagot si mylene,

“ganun, btw ako nga pala’y 56 years old na!” – gumaya pa, talaga naman ang mga taong walang magawa sa buhay, sayang ang mamiso sa text na ganito…tsk tsk tsk

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

3 Responses to Na-wrong Send si Mylene

  1. badoodles ay nagsabing:

    hahaha! patawa naman si nanay mo. okay na din ung di basta basta nakikipag txtmate kung kani-kanino. lalo na sa panahon ngayon. iba pa din ung nakikilala mo sa natural na paraan tulad ng mga kapitbahay [pede mo pang hingan ng ulam]. hehe!

    okay ang post na ito… candid.

  2. mousmous ay nagsabing:

    well, tama ka, sa panahon ngayon, mahirap magtiwala sa isang taong di mo kilala, lalo na kung sa text lang…mas mabuti pa sa net kung minsan, at least mas wider ang information na makukuha about someone or something…
    😉 salamat sa pagdalaw nga pala hehe

  3. berto ay nagsabing:

    Mga friends!, dito maraming txtmate sa txtmate.com

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: