Balik Tanaw ng mga Adik sa Mundo ng Libangan

Napadaan ako sa Technorati at nakita ko ito, kaya sinubukan ko na din sagutan 😀 Let’s go back to memory lane…nyahahaha

Pop Culture Quiz

TV

1. Name the ABC 5 sitcom that featured Vandolph and Richard Gomez. – ummm kamot ulo memory gap na ito…

2. GMA7’s logo featured this before the station changed their station id into a heart. – ito, ang natatandaan ko ay rainbow na may butterfly din ata…

3. Which news reporter substituted for Battle of the Brains host David Celdran when he couldn’t make the show? – si….si….si di ko siya kilala actually, pero taga-RPN-9 ang natatandaan ko sa kanya

4-6. Name three puppets from the popular children’s TV show Batibot – Kiko Matsing, Pong Pagong, Ging-ging 😀 weee meron pa nga eh – sina Kuya Bodjie at Ate Shena! waah (fan ako ng Batibot kaya! LOL!)

7. What was Bobby Andrews’ character’s surname in TGIS? – Siya si “Torres” nga ata siya

8. Antoinette Taus endorsed which computer school? – STI *ooppss* not sure

9. What was the first latin telenovela showed in the Philippines? – hmm..sabi ay hindi daw Marimar, pero parang napanood ko ang telenovelang tinutukoy dito…

10. Name one of the cast members of Buddy en Sol aside from Eric Quizon and Redford White. – Ces Quesada (o di ba)

11. What singing competition did Sarah Geronimo win? – Of course, my peborit wins Star For a Night (Philippine Edition)

12. Who sang the theme song to the afternoon soap Valiente? – si Bossing Vic Sotto

13. Name the comedian who used to be Tintin Bersola’s ex-boyfriend. – Si Earl Ignacio, na naging hubby ni Cookie Chua ng Color It Red (di naman ako mega chika sa kanila wehehe)

14. What was the original name of ABS CBN’s early morning show? ano ba, ung pang madaling araw kaya ito? e di Alas Singko Y Medya, pero kung yung nauna pa na pang-8AM, yun ung Magandang Umaga po

15. Speaker Jose de Venecia’s son had a GMA 7 sitcom in the 90s. What was the title of this show? – hmm…di ko nga kilala kung sinong anak nya un eh, sitcom pa kaya niya! 😀

16-17. The sitcom “Kate and Boogie” was cancelled after the Metro Manila Film Festival controversy. – Never heard ko ata ito…hmm sowee…

18. Which TV reporter was hit by a stone and uttered the words shit! shit! natamaan ako! while doing beat reporting during EDSA Tres (May 1, 2001)? awww…di ko matandaan, may exam ako sa iskul noon kaya di ko napanood ito.

19. Family Kwarta o Kahon – a popular gameshow during the 90s – was best known for its “roleta” game. Which product sponsored this segment of the show. – of course, Yakult Shirota Strain! 😀

20. Name the dating show in RPN 9 that Plinky Recto hosted. – It’s a Date??? (I guess so)

Movies

1-2 Name two of the three actresses who played Darna in movies (1990 onwards). – Nanette Medved, Regine Velasquez, Anjanette Abayari

3. Who played the title role of Lapu-lapu? – Lito Lapid?

4 John Prats was in Batang-X. True or False? – True ata, si Patrick Garcia kasi ang Batang PX 😛

5 Dayanara Torres and Gary Valenciano were casted as teachers in which movie? – Hataw Na

6 Which basketball star from Ginebra played the lead role in Ging Gang Gooly Giddiyap I Love You Daddy? – si Jayvee Gayoso ata

7 The Power Rangers had how many members during the first movie? – lima ata

8 Name the actor who played the lead role in Tataynic. – si Tatay Dolphy

9 Which movie that featured Meryl Streep was nearly banned from public exhibition due to excessive nudity. – uhmm di ko alam title, pero inabutan ko naman un for sure wehehe

10. Who is Andrew Ford Medina? – si gamol Andrew E

11. Who played the title role in Gagay, Ang Reyna Ng Brownout? – si Gelli de Belen

12. Sunshine Cruz was featured in a smut film that became a pirated cd phenomenon. Name the movie. – basta may “Nights” ung title nun..

13.Which dance group starred in the Spirit Warriors series? – Streetboyz???

14. Who among these actresses have not yet been casted in the Mano Po series. – Sharon Cuneta, Vilma Santos, Maricel Soriano

15. Which TGIS cast member won Best Supporting Actress for her role in Bulaklak Ng Maynila? – Angelu De Leon

Music

1. What was Heart Evangelista’s first radio single off her debut album? – Love Has Come My Way???

2. G. Toengi had a brief singing career. Name her only radio single. – ay ewan ko kaya…

3. Name one NU107 Song of The Year winner. – hmm…di ako familiar eh

4. Ara Mina ripped off Mariah Carey’s I’ll Give My All with her most recognizable radio hit. What was the title of the song? – Ayay Pag-Ibig…hehe

5-8. Name Four albums by the Backstreet Boys. – Backsteet Boys, Backstreet’s Back, Millenium, Black and Blue

9. Who sang and composed Eh Kasi Bata? – LA Lopez

10-12. Name three original compositions by Pinoy Dream Academy cast. – Miss Kita pag Tuesday, Hawak Kamay, Salamat Sa’Yo Ina

13. Who among the five doesn’t have the distinction of recording an album – Tirso Cruz III, Cesar Montano, Jericho Rosales, Judy Ann Santos or Kristine Hermosa? – Kristine Hermosa

14. What was the Sex Bomb Girls’ first album? – Sexbomb Girls???

15-16 Give the two radio singles by the Viva Hot Babes. – Bulaklak, Basketball

Advertisements

Taking Lipad – SG syndrome

Kahapon ay napadpad na naman ako sa kung nasaan si Sarah Geronimo. Hindi ko naman ginagawa ito, bakit ba ngayon ay di mapigilan ang kaadikan! 😀

Wala lang…gusto ko kasi makakuha ng kopya ng bago niyang album – ang Taking Flight, na Last Song Syndrome kasi ako sa I’ll Be Alright at Kahit Na. Napakagandang mga awitin, anupa’t napakinggan ko lahat ng kanta. Sa kabuuan ay may 11 awit mula sa mga kilalang kompositor, at hindi ako nanghihinayang sa pagbili dahil lahat ay magaganda. Kulang na lang ay ibili ko ng tig-isa isa ang lahat ng nasa bahay namin :D. Pero bakit hindi di ba, e di sa susunod na mall tour ni Sarah ay bibili ulit ako, one por mader, one por pader, one for sister, one por pinsan at one para kay besprend! 😀

Pero kung kaadikan lang din ang pag-uusapan, wala nang aadik pa kay Chris Tin, na naglakbay pa mula Kalookan hanggang Las Pinas. Kumusta kaya ang kanyang biyahe, kinalimutan niya ang lahat ng balakid para lamang makita muli si Sarah. Hindi pa nakuntento ang loka-loka at dalawang beses pumila para magpa-autograph….nakatulog pa kaya siya??? hmmm….napag-alaman ko din na magtutungo pa siya sa susunod na mall tour sa bandang Fairview. kumusta naman ‘yon!

—-

Akala nyo siguro kami lang ang adik! HAHA! pansinin nyo naman ang mga taong ito. Hindi naman kami naipit sa kanila nang animo’y nahatak ng malaking magnet palapit sa stage.

Kanya-kanya lang naman ng peechur dito at peechur doon. Mabuti na lang at nakakaaliw pa din panoorin si Sarah, kahit madaming tao ay di mo makuhang umalis (siyempre, wala naman kasing dadaanan palabas sa dami ng tao) nyahahaha.

—-

Habang naghihintay kay Sarah, eto naman ang mga tagpo nang ako’y napalingon sa itaas para tingnan ang kalangitan kung may nagbabadyang pag-ulan:

Paa ng Bata sa Mall Tour ni SG
Kumusta naman si totoy at mukhang enjoy sa pag-iintay sa itaas 😀

Kaya naman ay umikot ang aking paningin at nasaksihan pa ang ilang mga bata dito:
Mga bata sa mall tour
Talaga bang nakakatulala pag pinanonood si Sarah? weee

Bata 1: Ang tagal naman! kaineeep!

Bata 2: Tumahimik ka na nga lang jan! Rararo muna kami dito! wee

REFLECTIONS – Ang Pagmumuni-muni ni Tere

Dapat ay nauna ito sa mga kasagutan, kaya lang ay makulit ang daliri ko at nabura ko ang post na ito…kaya ire-repost ko ulit ang mga katanungang ni Tere….

Mga pagmumuni-muni ng isang taong walang magawa

QUESTION#1: Ang multo ba pwedeng mangibang bansa?

Naisip ko lang na kung multo na ba ang isang tao ay libre na siya gumala kung saan niya gusto? Syempre pag multo ka na wala ka nang po-problemahing visa at plane ticket – pwede kang sumakay na lang sa eroplano ng walang papansin sayo. Bakit ba kasi yung mga ghost sightings ay usually localized lang sa isang lugar (e.g., ang babae sa balete drive, mga multo sa eskwelahan, etc)? Wala na ba silang alam puntahan kung di ang lugar na yon? Meron na bang nakakita ng foreigner na multo? (unless kung dito sila namatay kagaya ng mga sundalong kano at hapon na naglaban dito sa Pinas)

QUESTION#2: Ang aso ba pinagpapawisan sa ibang parte ng katawan bukod sa ilong?

QUESTION#3: Alam niyo ba kung para saan yung tatlong piraso ng mustasa na sineserve kasama ng inihaw platter sa Mangan?

Kumain kami before sa Mangan restaurant sa may Glorietta 4. Nung ni serve yung order naming inihaw platter may kasamang 3 pirasong mustasa na nakabukod sa isang platito. May nakakaalam ba kung para saan to? Appetizer ba siya? ang weird naman …Nung tinanong namin yung waiter kung para saan yun ang sagot ba naman eh “kinakain po yan” aba! eh oo nga naman, sorry sa pagiging mangmang. Di kasi kami sanay na ngumunguya ng hilaw na mustasa before the main course. Pwede kaya mag-request? Sa susunod nganga na lang i-serve nila instead of mustasa.

QUESTION#4: Bakit ba pag minalas/may kapalpakan ka ng Lunes eh usually mamalasin or sunod sunod ang kapalpakan mo for the rest of the week?

This has happened on more than one occassion especially sa office. Kapag may issue ng Monday for the rest of the week usually sunod sunod na yung mga issues. Ganun ba talaga kalupit ang tadhana?

QUESTION#5: Ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang “ang gara?”

Kahit ako madalas kong ginagamit ang salitang ito pero di ko matukoy kung ano ba talaga ang pinaka ibig sabihin nito – napakadami niya kasing pwedeng maging definition. Parang katulad siya ng “ano” na naging universal word na ng mga Pinoy. For example when used in the sentence “uy pare ANG GARA ng bahay mo ah.” The term “ang gara” can mean a lot of things – pwedeng maganda, malaki, kahanga-hanga, etc. Or kapag sinabi mo namang “pare, ANG GARA mo naman eh.” Pwedeng ang ibig sabihin ay nakakainis ka, weird mo, gusto na kitang sabunutan, etc. So may single definition ba talaga ng term na ang gara?

QUESTION#6: Ano ibig sabihin ng ngiting aso? Tsaka bakit aso? Saan ba nanggaling tong expression na to?

QUESTION#7: Church = simbahan, Cinema = sinehan, basketball court = basketbolan, poultry farm = manukan, beauty parlor = pakulutan, pet shop = ??? (tutaan?)

QUESTION#8: Totoo ba talagang gumaganti ang mga daga?

Madalas kng naririnig na sinasabi ng mga tao na kapag nasaktan mo yung daga eh gagantihan ka niya – pwedeng ngatngatin niya yung mga damit mo, electrical wires, o kung anu ano pa. Meron na ba talagang documented case tungkol dito? Paano naman nila nasabing gumanti yung daga? Hindi ba na nasa nature naman talaga ng daga ang mag-ngatngat?

QUESTION#9: Anga mga hayop kaya may language barriers din?

Halimbawa na lang, magkakaintindihan kaya ang isang asong galing sa Pilipinas at isang galing sa China?

😀

Si Sarah Geronimo In Motion

Matapos ang isang linggo, hindi ko pa din makalimutan si Sarah Geronimo, ang galing niya pala kasing sumayaw. Todo hataw ang ginawa niya sa opening number pa lang ng concert niya noong Sabado. Ang lakas ng dating, lalo na sa suot niyang mala-pilak na damit at parang isang alien na umangat galing sa UFO. Hindi magkamayaw ang kanyang mga fans, bata man o matanda na nandoon sa loob ng Big Dome. Talagang dalaga na ang dating batang prinsesa ng kantahan.

Wala rin akong masabi sa kanyang pagbirit dahil sa puntong kantahin niya ang Listen ni Beyonce, napa-WOW lahat! Bagamat sa ibang mga inawit niya tulad ng Forever’s Not Enough ay halatang pagod na ang boses at medyo iba ang areglo ng kanta. Pero sa kabuuan ay sulit naman ang panonood.

Mabuti na lang at fan ni Sarah si Nieerz, kung hindi ay hindi din niya ako fan ngayon LOL! Ang corny ko na yata, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maikailang super peborit ko na talaga siya sa lahat ng mga batang singers ngayon.

Di ko maisip na ang pagka-peborit ko sa kanya at ang pagka-peborit ko sa The Corrs, Josh Groban, MYMP, Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez, at Lea Salonga bilang singer ay magkaka-level na. Lumamang lang siya dahil siya na din ang isa sa pinaka-paborito kong aktres…

Sa pagiging aktres, isa siya sa pinaka-adorable na nakita ko, at talagang gusto ko ang natural na pagka-kwela niya lalo na sa pamatay na banat!

Kaya mabuhay ka Sarah, para sa mga kabataang Pinoy, para sa mga Pilipino, at para sa Manlilikha na siyang nagbigay sa iyo ng napakagaling na talento! 😀

Mga Kasagutan sa Tanong ni Tere

Dahil sa mga biglaang katanungan bunga ng pagbubulay-bulay ni Tere, heto ang mga naisip kong kasagutan sa tulong na din ni Jing habang hinihintay namin ang tropa sa Festival Mall.

—–

Sagot sa mga tanong:

#1 – dumudugo ang utak ko dito…pwede siguro siyang sumakay sa eroplano, may punto ka jan…

#2 – sa palagay ko’y oo, kasi malimit silang kumakawag di ba? at hinihingal…di bale ire-research daw ni jing 😀

#3 – ndi ko alam eh, AR daw ni Jing…wala pa naman Mangan dito sa Alabang…hehe

#4 – di din eh, pwede naman simulan ng Biyernes o Thursday o ibang araw…masaklap eh kapag nagsimula ng Biyernes, dahil pati weekend ay kakainin nya, kaya maswerte ka pag ang issue ay sa Lunes…buti na lang kaibigan mo ako, may mas masaklap kesa sa’yo…..

#5 – ito ba yung parang “Ang Gara ng Buhay?” hehe….ibig sabihin daw niyan eh “grand” o “grandeur”

#6 – kasi ngumingiti ang aso kaya nagkaron ng ngiting aso, parang ganito 😀

#7 – ayon kay jing, totoong gumaganti ang daga, dahil alam daw niya ang amoy mo…siguro dahil sa matinik nga silang umamoy di ba?

#8 – ang petshop = hayupan

#9 – yan ang hindi ko pa nasusubukan, di pa kasi ako nagiging aso eh…yaan mo, pag naging aso ako, sasabihin ko sau 😛

Nakakalungkot na Katotohanan sa Intramuros

Miguel’s

Galing akong Intramuros kanina para sa isang personal na pakay sa aking dating paaralan nang madaanan ko ang gusaling ito. Dito dating nakaluklok ang madalas naming kainan noon na Miguel’s. Matapos ang mahigit 7 taon, isa na pala itong tanggapan ng PT&T. Naalala kong kuhanan ng larawan dahilan sa matagal na daw itong di nakikita ni Jean, isa daw kasi ito sa mga naunang proyekto nya bilang Civil Eng’r. Kaya kung mapadaan ka man sa pahinang ito ay heto at mag-balik tanaw tayo sa nakaraan…hmm…. ;D

Pangarap kong bumalik sa pagiging estudyante, kaya lang ay sadyang di bumabalik ang panahon…at ang mga lugar na minsa’y naging bahagi ng nakaraan ay madami na din ipinagbago. Ang napansin ko lang sa Intramuros sa ngayon ay napakadaming basura sa paligid, isang nakakalungkot na katotohanan. Kukuhanan ko pa sana ng larawan, kaya lang ay di ko kayang makita ang nawawalang kagandahan ng makasaysayang lugar na ito.

Wall

Maging sa itaas na bahagi ng kinagisnan nating “Intramuros Wall” ay di maikukubli ang nagkalat na basura. Sa larawan sa itaas ay mapapansin ang isang halimbawa. May mas malala pang pangitain kapag sumilip ka kabila ng bakod sa gawing kanan nuong nasa larawan. Gayun din sa bahagi ng Parian sa may Lyceum, sa paligid ng rebulto ng ilang bayani ay ang daming plastic at pinagbalutan ng sitserya. Sana ay bigyang pansin ito ng mga kinauukulan at mapanatili ang kalinisan. Baka sa mga susunod pang panahon ay pati ang natitirang “historical value” nito ay mawala na dahil nagmukha na siyang “smokey mountain”.

Hay, Pinoy, saan ang disiplina mo? 😦

Nakakaantok na Umaga

Kay ganda ng umaga, kulimlim ang kalangitan at tila nagbabadya ng maulan na maghapon. Pero ano nga ba ang ikinaganda nun?! Hay, inaantok kasi ako sa mga oras na ito. Sa di ko malamang kadahilanan, kung kailan ako natulog ng maaga kagabi ay tsaka ako antok na antok ngayon. Di ba dapat ay masigla ako dahil kumpleto ang oras ng tulog ko?

Mga eyebags lumalaki, ang concealer ay walang magawa…kaya sinubukan ko dati ang press powder ng Maybelline, at in fairness naman ay para siyang concealer. 😛 Sabi tuloy ni Kathy dati, kahiyang ko iyon, kaya lang ay di kasundo ng bulsa ko. hehe

Ako’y nananabik na mag-uwian na, bagamat kakaumpisa pa lang ng trabaho. Sa kabutihan ng Lunes ngayon ay walang masyadong issue at di ako masyado na-highlight ng lechugas na factory namin. Isa pa ay na-close na ang PTR ko na di resulta ng pagiging OA ng mga lechugas na taga-QA ng factory. hay! Araw-araw ay ganito ang buhay opisina. Idagdag na nga pala natin sa magandang balita ang pagtaas ng stocks, yohoo…kung maibebenta ko lang ang mga options ko ay nasa $7 na ang tubo ko kada options, sana ay manatili ito hanggang April 2008. yey! Ang malungkot na balita lang dito ay, habang papalaki ang kinikita mo ay papalaki din nang papalaki ang tax na napupunta lang naman sa pang-abroad ni FG at mga buwayang kongresista. huhuhu.

Magaan na Sandali (Light Moments)

Excited na din ako sa paparating na weekend, mangyari ay naka-leave din ako sa wakas sa darating na Biyernes, at sa Sabado naman ay manood ako ng concert ng aking peborit na si Sarah Geronimo. yey!

Sana paggising ko ay Biyernes na….kay bilis ng araw…parang ayoko din, kasi ako’y tatanda na naman!

%d bloggers like this: