Nakakaantok na Umaga

Kay ganda ng umaga, kulimlim ang kalangitan at tila nagbabadya ng maulan na maghapon. Pero ano nga ba ang ikinaganda nun?! Hay, inaantok kasi ako sa mga oras na ito. Sa di ko malamang kadahilanan, kung kailan ako natulog ng maaga kagabi ay tsaka ako antok na antok ngayon. Di ba dapat ay masigla ako dahil kumpleto ang oras ng tulog ko?

Mga eyebags lumalaki, ang concealer ay walang magawa…kaya sinubukan ko dati ang press powder ng Maybelline, at in fairness naman ay para siyang concealer.😛 Sabi tuloy ni Kathy dati, kahiyang ko iyon, kaya lang ay di kasundo ng bulsa ko. hehe

Ako’y nananabik na mag-uwian na, bagamat kakaumpisa pa lang ng trabaho. Sa kabutihan ng Lunes ngayon ay walang masyadong issue at di ako masyado na-highlight ng lechugas na factory namin. Isa pa ay na-close na ang PTR ko na di resulta ng pagiging OA ng mga lechugas na taga-QA ng factory. hay! Araw-araw ay ganito ang buhay opisina. Idagdag na nga pala natin sa magandang balita ang pagtaas ng stocks, yohoo…kung maibebenta ko lang ang mga options ko ay nasa $7 na ang tubo ko kada options, sana ay manatili ito hanggang April 2008. yey! Ang malungkot na balita lang dito ay, habang papalaki ang kinikita mo ay papalaki din nang papalaki ang tax na napupunta lang naman sa pang-abroad ni FG at mga buwayang kongresista. huhuhu.

Magaan na Sandali (Light Moments)

Excited na din ako sa paparating na weekend, mangyari ay naka-leave din ako sa wakas sa darating na Biyernes, at sa Sabado naman ay manood ako ng concert ng aking peborit na si Sarah Geronimo. yey!

Sana paggising ko ay Biyernes na….kay bilis ng araw…parang ayoko din, kasi ako’y tatanda na naman!

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: