Si Sarah Geronimo In Motion

Matapos ang isang linggo, hindi ko pa din makalimutan si Sarah Geronimo, ang galing niya pala kasing sumayaw. Todo hataw ang ginawa niya sa opening number pa lang ng concert niya noong Sabado. Ang lakas ng dating, lalo na sa suot niyang mala-pilak na damit at parang isang alien na umangat galing sa UFO. Hindi magkamayaw ang kanyang mga fans, bata man o matanda na nandoon sa loob ng Big Dome. Talagang dalaga na ang dating batang prinsesa ng kantahan.

Wala rin akong masabi sa kanyang pagbirit dahil sa puntong kantahin niya ang Listen ni Beyonce, napa-WOW lahat! Bagamat sa ibang mga inawit niya tulad ng Forever’s Not Enough ay halatang pagod na ang boses at medyo iba ang areglo ng kanta. Pero sa kabuuan ay sulit naman ang panonood.

Mabuti na lang at fan ni Sarah si Nieerz, kung hindi ay hindi din niya ako fan ngayon LOL! Ang corny ko na yata, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maikailang super peborit ko na talaga siya sa lahat ng mga batang singers ngayon.

Di ko maisip na ang pagka-peborit ko sa kanya at ang pagka-peborit ko sa The Corrs, Josh Groban, MYMP, Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez, at Lea Salonga bilang singer ay magkaka-level na. Lumamang lang siya dahil siya na din ang isa sa pinaka-paborito kong aktres…

Sa pagiging aktres, isa siya sa pinaka-adorable na nakita ko, at talagang gusto ko ang natural na pagka-kwela niya lalo na sa pamatay na banat!

Kaya mabuhay ka Sarah, para sa mga kabataang Pinoy, para sa mga Pilipino, at para sa Manlilikha na siyang nagbigay sa iyo ng napakagaling na talento!πŸ˜€

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

6 Responses to Si Sarah Geronimo In Motion

  1. lyme ay nagsabing:

    mabuhay ka shabs!!!!!!

    wewabshu beri meni!!!

  2. mousmous ay nagsabing:

    wohoo! yeba, WABSHU ka din in SHABS!πŸ˜€

  3. lyme ay nagsabing:

    chempre naman po….
    lahat po tau wabsh ni shabs!!!!

  4. tinsters ay nagsabing:

    sino si shabs? (wushu tamang tanung!!!!!) like ko rin si josh groban as in super to the highest level hahahahaha………ang wafu nya pa!yun lang…..hehehehe ayan todo comment na ako kasi alam mo na eh….

  5. mousmous ay nagsabing:

    shempre, kilala mo na si SHABS!!! uu, ang lakas ng dating ni Josh Groban, pero good boy image pa din! ganda pa ng bosesπŸ˜€

  6. lyme ay nagsabing:

    si shabs ung lagi nasa isip mu and ung lagi mung nipapanuod…hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: