Pang-NoseBleed ni Inday

Isa pang masakit sa bengs ang mga maka-NOSEBLEED na BANAT ni INDAY! Ang mga ito ay hatid pa rin sa inyo ng mga UNLIMITXT ADIK! 😀

Ako’y namangha talaga sa galing ni Inday, kayang-kaya niyang ipasa ang board exam kaya! 😆 Kaya shame on us people na di makapag-explain at justify kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay! 😆

Narito ang mga ilan sa napapanahong eksplanasyon niya sa mga bagay-bagay:


I believe that my trained skills & expertise in management with the use of standard tools & my discipline and experience will contribute significantly to the value of work that you want. My creativity, productivity and work efficiency and the high quality of outcomes I can offer will boost the work progress.
– Sabi ni Inday sa bago niyang amo. 😀 astig di ba?!!!

———

The consistency was fine. But you see, it seems that the increased amount of sodium chloride (NaCl) affected the taste drastically and those actions are irreversible. I do apologize. – Nag-explain si Inday kung bakit maalat ang ulam.

Read more of this post

THE BANATXT CHRONICLES 3

Ito ang ikatlong bahagi ng mga banat at dyowks na galing sa mga UNLIMITXT ADIK!

————

Bobo: pare hulaan mo ugali ko, nagsisimula ng letter A
Pare: approachable?
Bobo: mali
Pare: amiable
Bobo: mali pa rin
Pare: o sige, sirit na nga
Bobo: Anest

————

Bush: What are the pollutants in your country?
Jingoy: We have lots of pollutants.. ..we have sisig, kilawin, chicharon,mani
Erap: Anak, may nakalimutan ka, Boy Bawang (cornik).

————

Tindero: Hoy, bili ka gatas ng baka? P10 piso lang isang baso
Manong: Ang mahal naman, may tig piso lang nyan?
Tindero: Meron po,pero kayo na po ang dumede sa baka.

————

Pasyente: Dok, bakit po ganito ang operasyon sa ulo ko? Halos kita na utak ko
Doctor: Ok lang yan, yan ang tinatawag na open minded.

————

An Pangako

MISTER: Love, promise, mula ngayon, iiwan ko na ang mga babae ko. Iyong iyo na ako.
MISIS: Wow, talaga? Oh thank you my labs! Muah Muah! Pramis ko din…sa susunod nating anak, ikaw na ang ama. I swear. Pramis.

Read more of this post

Mga Salawikaing Pinoy – Revised Version

Gusto ko lang matawa ngayon, pakiramdam ko kasi eh “walang laman” ako ngayon (i feel empty) 😆

Luma na ang mga salawikaing ito, pero natawa pa din ako, salamat kay Leverbreeze ng Christianster at ni-repost niya, kaya naman ire-repost ko din 😀

——–

* Ang buhay ay parang bato, it’s hard.
* Behind the clouds are the other clouds.
* It’s better to cheat than to repeat!
* Do unto others … then run!!!
* Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.
* Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising, huwag lang sa lasing na bagong gising.
* When all else fails, follow instructions.
* Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.
* To err is human, to errs is humans.
* Ang taong nagigipit … sa bumbay kumakapit
* Pag may usok … may nag-iihaw
* Ang taong naglalakad nang matulin … may utang.
* No guts, no glory… no ID, no entry.
* Birds of the same feather that prays together … stays together.
* Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.
* Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.
* Birds of the same feather make a good feather duster.
* Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.
* Huli man daw at magaling, undertime pa rin.
* Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment
* Matalino man ang matsing, matsing pa rin.
* Better late than later.
* Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.
* Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!
* No man is an island because time is gold.
* Hindi lahat ng kumikinang ay ginto … muta lang yan.
* Kapag ang puno mabunga … mataba ang lupa!
* When it rains … it floods.
* Pagkahaba haba man ng prusisyon … mauubusan din ng kandila.
* Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.
* Batu-bato sa langit, ang tamaan … sapul.
* Try and try until you succeed… or else try another.
* Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.
* Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.
* An apple a day is too expensive.
* An apple a day makes seven apples a week.
* Ako ang nagsaing … iba ang kumain. Diet ako eh. Ü

FULL THE STRING

Gusto ko lang i-post ito, pag sakay ko kasi ng jeep kanina pauwi, napansin kong makulay ang sign ni Manong Drayber sa loob ng magarang jeep 😆

fullthestring1

THE BANATXT CHRONICLES 2

Ito ang ikalawang bahagi ng mga kalipunan ng kakaiba at napapanahong banat na nagmula sa mga UNLIMITXT adik:

———

CHED ADVISORY:

Due to the suspension of classes we have decided that there will be no more sembreak. For more updates, visit http://www.Angmaniwalaungas.com

———

Sa mga estudyanteng napasaya ko, hindi ko nais na iwan kayo. Bagamat masakit sa kalooban ko, paalam na! Mami-miss ko kayo!

– EGAY

———

Lagpas ulo na ang tubig dito sa amin!!!

Isda

———-

Teacher: Juan, nasaan ang Mayon Volcano?

Juan: Aba Mam malay ko! Kayo itong burara! Sansan niyo nilalagay tapos pag di niyo makita, sa akin niyo hahanapin! Ayusin mo buhay mo Mam!

Read more of this post

Yahooserye Presents: Pugong Inasal

Ito ang karugtong ng kwento ni Romel at Fita…as usual, gawa na naman ni Nieerz! 😀

——————

Ang mga tauhan:

Romel – siya pa rin si Romel na kilala natin

Fita – ay si Fita pa rin.

Aling Isa Belo – Kumupkop sa magkasintahan. Siya rin ang may ari ng isang mobile turu-turo sa kalye ng Illinois sa Cubao.

Pareng Dodong – dating kasama ni Romel sa korporasyon na tumulong upang makahanap ng murang pugo si Romel sa Bulacan.

Manuela – ang kaibigang bading ni Fita.

Kuh Lin – Instik na kaibigan ni Dodong at ang may puguan sa Bulacan.

Oppppsssss……marami pang tauhan, pero kilalanin niyo na lang sila sa inyong pagbabasa 😀

——-

Setting: Sa Quiapo, sa puguan sa Bulacan, colorum na bus , at sa Illinois, Cubao

——-

Ang Kwento:

Unang Tagpo: sa Quiapo

Matapos ang nakakahingal na takbuhang naganap kina Romel at Fita, nagpasya na silang umuwi sa Quiapo. Dahil pagod na si Fita sa kalalakad at pagtakbo nila na wala naman kinahantungan, nagpa-pasan sya kay Romel. Syempre pinasan naman sya nito (o diba ang suwet nila). Nakarating sila sa Quiapo bandang ika-sampu na ng gabi, syempre gabi na, wala nang bukas na fastfood – turu-turo, buti nalang at dumating din ang dating kasama ni Romel sa korporasyon na si Pareng Dodong at may dalang kanin at ulam, may cake pa! Birthday kasi ng anak nito at naalala nya ang dating kasama. Dahil hindi nakapunta si Romel sa party, dinalhan na lang niya ito ng handa. Blessing in disguise nga naman ito.

Nagkwentuhan sina Romel at ang dating kasama. Naikwento ni Romel ang pangyayari sa kanila ni Fita at nasabi rin niya na may pugo deficit na talagang nakaapekto sa kanilang negosyo. Mabuti na lamang at may alam palang puguan itong si Pareng Dodong sa Bulacan na murang mura lamang ibinebenta ng kanyang kaibigan. Nagkasundo sina Romel at Dodong na magpunta sa Bulacan kinabukasan. Narinig ni Fita ang usapan kaya naman nakisali na rin ito, subalit tapos na pala ang kwentuhan at aalis na si Dodong.

Read more of this post

Bakit Makulay ang Buhay Pag may Sinabawang Gulay???

Bakit nga ba? Ano ba ang ikinakulay ng buhay kung sinabawan ang gulay???

Dahil ba sa lilinaw ang mata mo at di ka na magiging bulag sa kulay kapag kumain ka ng kalabasa? Siyempre, ang kalabasa ay makulay na gulay di ba….nagtutumingkad na kulay orange kapag nakahain na sa hapag…

O di kaya naman dahilan sa mas magiging mapula ang dugo mo kapag kumain ka ng ampalaya???

Baka naman dahil sa mas gaganda ang boses mo kapag palagi kang umiinom ng mainit na sabaw ng nilagang luya??? (gulay din naman ang luya ah…)

—-

Sinubukan ni mader na magluto nito, kasi naman parang kay sarap kapag pinapakita ang TV ad ng Knorr. Laking tuwa ko nang matikman ko ang sabaw na malinamnam, kaya lang ay di ko talaga kayanin ang simpleng lutong ganito sa gulay. Ang sabaw ay may lasa dahil sa Knorr, pero ang gulay ay ganun pa din, walang kulay sa panlasa…..:(

%d bloggers like this: