Bakit Makulay ang Buhay Pag may Sinabawang Gulay???

Bakit nga ba? Ano ba ang ikinakulay ng buhay kung sinabawan ang gulay???

Dahil ba sa lilinaw ang mata mo at di ka na magiging bulag sa kulay kapag kumain ka ng kalabasa? Siyempre, ang kalabasa ay makulay na gulay di ba….nagtutumingkad na kulay orange kapag nakahain na sa hapag…

O di kaya naman dahilan sa mas magiging mapula ang dugo mo kapag kumain ka ng ampalaya???

Baka naman dahil sa mas gaganda ang boses mo kapag palagi kang umiinom ng mainit na sabaw ng nilagang luya??? (gulay din naman ang luya ah…)

—-

Sinubukan ni mader na magluto nito, kasi naman parang kay sarap kapag pinapakita ang TV ad ng Knorr. Laking tuwa ko nang matikman ko ang sabaw na malinamnam, kaya lang ay di ko talaga kayanin ang simpleng lutong ganito sa gulay. Ang sabaw ay may lasa dahil sa Knorr, pero ang gulay ay ganun pa din, walang kulay sa panlasa…..:(

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

5 Responses to Bakit Makulay ang Buhay Pag may Sinabawang Gulay???

  1. Emoseb ay nagsabing:

    buti ka pa natikman mo na yan. ayaw dito sa amin ng mga ganyan, kasi hindi nalalasahan yung orig na lasa ng gulay. hehe. kanta na lang tayong lahat.

  2. mousmous ay nagsabing:

    ganun ba? hehe, na-curious lang kami, kasi nahimok si mader ng mga promodiser sa Knorr booth sa SM…ayown, sinubukan lang namin…di talaga ang gulay na ganito lang, mas gusto ko pang matulog kaysa kumain🙂

  3. lyme ay nagsabing:

    weee….di ako kumakain ng gulay.

    patatas lang..(gulay ba un???)

  4. mousmous ay nagsabing:

    uu naman! gulay yown!😀

  5. Nicenels ay nagsabing:

    hehehe!Masarap ang gulay pero hindi dahil sa Knorr kundi dahil masarap kantahin..ang GULO! no..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: