Tag-ulan, Mabenta ang Tinapay

Ganda ng gabi ngayon, hindi mainit, kasi umuulan! Kumusta kaya si Egay, nag-enjoy kaya siya sa pagdaan dito sa Pinas? Mukhang papalakas pa siya habang papalapit………hmmmmm

Naalala ko tuloy ang palaging sinasabi ni GM tuwing umuulan:

Kapag umuulan, mabenta ang tinapay!

Iniisip ko kung paano naging mabenta ang tinapay pag umuulan? Dahil ba sa mga sumusunod na dahilan kaya ito?

  • Malamig kaya nakakatamad magluto, mas masarap matulog, kaya lang pag natulog ka nang di kumakain, di ka din makakatulog, kaya para no hassle, mag-diet muna kasama ang tinapay!
  • Mahirap magsindi nga kalan lalo na kapag naaampiyasan ng tubig ulan! Kaya ang solusyon, wag magluto at kumain na lang ng tinapay
  • Hindi makabili ng ulam sa palengke o supermarket, kasi umuulan at baha sa mga kalye. Mas mabuti pang magtiyaga sa tinapay na binili sa tindahan sa malapit
  • Mas masarap kasi ang kape at tinapay, kesa sa kape at kanin at ulam. Siyempre pag umuulan, magkakape ka, at kapag may kape, dapat may tinapay din.😀
  • Mas mura ang tinapay, kahit walang palaman pwede kainin…ang kanin, pwede mo ba kainin ng walang ulam? Nakakasuya kaya yun! Ano kamo? Pwede iulam ang toyo? E di may ulam pa din yun! hehe Pero siguro nga may taong kumakain ng kanin lang. (sinasabi ko ay yung sinaing lang ha, kasi pag sinangag, mas magastos dahil 2 beses mo pang lulutuin, kung ganito lang din eh, magtinapay na lang ako.) Isa pa eh, sa 5 piso, may tinapay na ako, sa 5 piso ba may kanin ka na? kung bibili ka siguro sa karinderya oo, e wala naman karinderya sa lahat ng komunidad!
  • 😀

    Maging malaya sa pagsasabi ng opinyon niyo…..iniisip ko pa rin kung ano dahilan ni GM, di ko kasi siya tinanong noon, nakakatakot kasi siyang kausap eh, kay laking mama!

    Paliwanag mousmous
    Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

    4 Responses to Tag-ulan, Mabenta ang Tinapay

    1. lyme ay nagsabing:

      whahahaha…agree ako jan!!!
      tinapay na nga lang nikakain ko ngaun eh.

      tsaka ang sarap idikit sa mukha nung mainit na tinapay pag malamig at umuulan eh pag kanin idinikit sa mukha,,may matitra pang butil butil…hahahaha!!!!

    2. mousmous ay nagsabing:

      uu nga naman ano??!!! hehe, ma-try nga yun! idikit ko din sa mukha ko yung mainit na tinapay pag nilalamig ako….yung kanin kasi, pangit pag nidikit mo sa mukha…..yakness! yeee!😀

    3. lyme ay nagsabing:

      may natitira…whahahaha

    4. mousmous ay nagsabing:

      uu nga, may natitira! at ang lagkit nun….yakness talaga! haha😀

    Mag-iwan ng Tugon

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

    Connecting to %s

    %d bloggers like this: