Yahooserye Presents: Pugong Inasal

Ito ang karugtong ng kwento ni Romel at Fita…as usual, gawa na naman ni Nieerz!😀

——————

Ang mga tauhan:

Romel – siya pa rin si Romel na kilala natin

Fita – ay si Fita pa rin.

Aling Isa Belo – Kumupkop sa magkasintahan. Siya rin ang may ari ng isang mobile turu-turo sa kalye ng Illinois sa Cubao.

Pareng Dodong – dating kasama ni Romel sa korporasyon na tumulong upang makahanap ng murang pugo si Romel sa Bulacan.

Manuela – ang kaibigang bading ni Fita.

Kuh Lin – Instik na kaibigan ni Dodong at ang may puguan sa Bulacan.

Oppppsssss……marami pang tauhan, pero kilalanin niyo na lang sila sa inyong pagbabasa😀

——-

Setting: Sa Quiapo, sa puguan sa Bulacan, colorum na bus , at sa Illinois, Cubao

——-

Ang Kwento:

Unang Tagpo: sa Quiapo

Matapos ang nakakahingal na takbuhang naganap kina Romel at Fita, nagpasya na silang umuwi sa Quiapo. Dahil pagod na si Fita sa kalalakad at pagtakbo nila na wala naman kinahantungan, nagpa-pasan sya kay Romel. Syempre pinasan naman sya nito (o diba ang suwet nila). Nakarating sila sa Quiapo bandang ika-sampu na ng gabi, syempre gabi na, wala nang bukas na fastfood – turu-turo, buti nalang at dumating din ang dating kasama ni Romel sa korporasyon na si Pareng Dodong at may dalang kanin at ulam, may cake pa! Birthday kasi ng anak nito at naalala nya ang dating kasama. Dahil hindi nakapunta si Romel sa party, dinalhan na lang niya ito ng handa. Blessing in disguise nga naman ito.

Nagkwentuhan sina Romel at ang dating kasama. Naikwento ni Romel ang pangyayari sa kanila ni Fita at nasabi rin niya na may pugo deficit na talagang nakaapekto sa kanilang negosyo. Mabuti na lamang at may alam palang puguan itong si Pareng Dodong sa Bulacan na murang mura lamang ibinebenta ng kanyang kaibigan. Nagkasundo sina Romel at Dodong na magpunta sa Bulacan kinabukasan. Narinig ni Fita ang usapan kaya naman nakisali na rin ito, subalit tapos na pala ang kwentuhan at aalis na si Dodong.

Kinabukasan, paalis na si Romel papuntang Bulacan, sumasama si Fita subalit hindi niya ito pinayagan. Sa halip sinabi ni Romel na asikasuhin na lang niya ang mga sisiw nilang pugo. Kailangan nila itong i-breed nang sa gayon ay hindi na nila kailangan pang bumili ng mga itlog. Tinawag ni Romel ang kaibigan ni Fita na si Manuela para samahan ang huli habang wala si Romel.

Umalis na si Romel kasama si Pareng Dodong. Samantala, nagkwentuhan naman sina Manuela at Fita. Pinoproblema ni Fita kung saan niya dadalhin ang ibang mga sisiw. Nakaisip naman si Manuela ng isang paraan.

Manuela: Alam ko na sis kung saan mo dadalahin ang mga alaga mo!

Fita: O eh saan naman?

Manuela: Dyan sa city hall dai! Aba magiging tourist attraction yan!

Fita: Nyakk! ‘Bat naman doon?!

Manuela: Hay naku, anu ka ba! Sa ganda ng mayniLA maiKo-compare mo na sa Paris ang city hall pag dun mo inilagay yan!

Fita: Naku! Baklita ka! Kalapati yung nandun sa Paris hindi pugo!

Manuela: O sige ayaw mo, e di ilako nalang natin yan!

Fita: Ano??? Ilalako? Sinong bibili nyan?! Anung sasabihin mo, “sisiw, sisiw kayo dyan?”

Manuela: Ay jusko dai, ang panget ng naisip mo…syempre dapat catchy! parang ganito, “Pugito! Pugito kayo dyan!” O diba, sigurado lilingunin ka ng peeps!

Fita: Wahhhh! Anu ba yan…mas pangit! Bakit naman ba pugito?!

Manuela: Hay nako ka! Kukurutin kita sa singit eh! Ang dami mong questiyens eh syempre baby pugo yan! Kaya pugito! Gosh you’re so slow! Sumasakit ang bengs ko sayo!

Fita: Hay nako, sige ikaw ang maglako nyan tingnan natin kung hindi isprayan ka ni Mayor Lim, akalain pa nun pusher ka! erase erase!

Muling nagisip ng ibang paraan ang dalawa. Samantala biglang ng beep ang telepono ni Fita.

too toot, too toot…

SMS: kwekypie! hir n me s puguan. daming pugo. (malamang maraming pugo sa puguan!) yngts u jan, me din! lab yu… mwah…

nagreply naman si Fita…

SMS: ok eggpie! cge mkpg ksundo k n s seller ha. ingat k din..lab yu 2…

………………… message sent!


——–


Ikalawang Tagpo: sa puguan sa Bulacan at sa colorum na bus

Ipinakilala na ni pareng Dodong si Romel sa kaibigan nito.

Dodong: Kuh Lin, si pareng Romel ko nga pala.

Kuh Lin: Ganda umaga Romel!

Romel: (Nagkatitigan sila ni Kuh Lin.) Magandang umaga rin naman sayo…

Dodong: Ahem, Lin, andito kami para tumingin ng mga itlog. Kailangan kasi nito ni Pareng Romel ko eh.

Kuh Lin: Ah, o ge, hanu ba gusto nyo pugo, first class, o second lang?

Dodong: Ahm anu ba pinagkaiba nung dalawa?

Kuh Lin: Pag first class, yung totoong initlog ng ibon. Pero pag second class, ni-clone lang namin.

Dodong: Ahhh…oh Romel, anu ba ang gusto mo doon?

Romel: Ah, baka mas mahal yung galing mismo sa ibon. Aha! yung ni-clone nalang!

Kuh Lin: Ok, sigurado ka na ba?

Romel: Sige tingnan ko muna.

Kuh Lin: O eto sample.

Ok naman ang pugo…kuntento na si Romel kaya naman umorder na sya ng limampung tray.

Romel: O magkano ba?

Kuh Lin: 25 cents log7 plus x=2 isa, tayms 25 as the frequency cos12 dibaydibay summation of fx/N per tray, tayms 50 trays sin5 maynus the quartile 3 of the data.

Romel at Dodong: (napalunok, dahil ang alam lang nila ay, halls, tatlo dalawang piso, pag naipon mo ang bawat wrapper na may mga letters ng “halls” at ipinadala mo ito sa gumagawa ng halls, pwede kang manalo ng isang milyon).

Kuh Lin: In short P312.50 lahat

Romel: Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh. Sige kukunin ko na.

Matapos ang pag-uusap at pagkokompyut, umuwi na sina Romel at Pareng Dodong. Sa kanilang pag uwi ay sumakay sila sa isang colorum na bus. Dito ay nagpasalamat na si Romel kay Dodong dahil sa pagtulong nito sa kanya. Subalit sa kasamaang palad ay biglang nag-iba ng direksyon ang bus dahil sa mga nahulog na pakwan galing sa isang trak at biglang pumreno si Manong Drayber, at ang dala nilang pugo ay nagka basag basag.

Maiiyak na si Romel, subalit nabuhayan siya ng pag-asa dahil nakita niya na may natira pang isang pugo (mala Nemo ang mga pugo hummmm). Kinuha niya ito at inilagay sa supot.

…..tsktsk… sayang lang ang mga pugo. sayang din ang pera ni Romel, kung pagkain sana nabusog pa siya………………

ako ay may pugo, napisa sa bus, di na nakuha, naapak apakan na…sayang lang pera ko, pinambili ng pugo, kung nilaga sana, nabusog pa ako….


——–

Ikatlong Tagpo: sa Illinois – Cubao

Nang makauwi na si Romel nakita agad sya ni Fita. Kinamusta siya nito at ang nangyari sa lakad niya. Hindi sumagot si Romel sa halip inilapag nito ang isang pugo sa mesa at lumabas at naglakad muli. Syempre sinundan siya ni Fita at naglakad din.

Sa kanilang paglalakad ay nakarating sila sa isang kainan. Wala pang kumakain, kaya umupo si Romel sa mga upuan doon. Mobile turu-turo ito, at ito ay pinamamahalaanan ni Aling Isa Belo.

Si Aling Isa ay nag-iisa lamang sa tindahan. Maya-maya ay may napansing karatula sa Romel.

“WANTED: Machong Cook.”

Nanlaki ang mata ni Romel at tumingin sa kanyang abs, hindi tabs, kundi abs. Napansin niya ang kanyang mga pandesal sa tyan. Agad syang tumayo at nag apply kay aling Isa. Tinanggap naman siya nito at ininterbyu kasama si Fita.

Romel: Ah, kayo ho ba si Aling Isa?

Aling Isa: Yes dear! Akhohhhh ngahhh, vakit, maga-apply ka vah???

Romel: Ay oo ho sana. Magaling ho akong mgaluto.

Aling Isa: Ah ganun ba. o sige tanggap ka na.

Romel: Ho? Ganung kabilis?

Aling Isa: Yes! Baket ayaw mo? O sige ayawan na!

Romel: Ay hindi ho. Sige po, pwede na ho ba akong magsimula ngayon?

Aling Isa: Oo sige eto ang mga lulutuin mo..(sabay bigay ng menu)

Romel: Naku salamat po. Siya nga pala aling Isa, ako ho si Romel at sya naman ang aking kasintahan, si Fita. Maaari nyo rin ho ba syang pag trabahuhin din dito?

Aling Isa: Oo sige, ikaw ang magiging assistant ng mga gels ko Fita…

Fita: Naku maraming salamat po..

Aling Isa: Iho, saan ba kayo nakatira ngayon?

Romel: Sa may Quiapo ho kaso lang wala kaming mapag-trabahuhan doon kundi yung magtinda mga sisiw naming pugo at kwek-kwek, kaya naman naghahanap kami ng ibang mapagkakakitaan ngayon.

Aling Isa: Ah ganun ba. E di dalhin mo dito ang mga sisiw niyo ng maisma sa ating menu.

Romel: Talaga ho? Pwede ang mga sisiw ko?

Aling Isa: Aba’y oo naman iho, its a bird! Like my chicken! Also a bird! You know, it also hab wengs, ligs, leegs, atey, nike also called adidas, and op cors da most peborit op all pepol…isaw!!!!!!!! At sympre pwede nating gawin ang pugong inasal..naku bago ito…

Dali-daling umuwi sina Romel at Fita at kinuha ang mga sisiw. Nabalewala na ang pinag-isipang idea ni Manuela na ilako ang mga ito o kaya naman ay gawing Paris ang city hall.

Nang makabalik sila sa Illinois sa Cubao. Nandoon na ang mga kasama ni Aling Isa at ipinakilala na sila sa mga ito.

Aling Isa: O Romel, Fita, naririto na ang aking mga apo, halika na kayo at ipakikilala ko kayo.

Romel: Sige ho..

Aling Isa: (tinawag ang mga apo) Chris Tin! Ly Me, Gin Ahh! Juley! Gin Yet! Halika kayo at may mga bago kayong makakasama!

The Apos: Opo lola andyan na po. Magandang gabi sa inyo!

Romel at Fita: Magandang gabi din naman!

Aling Isa: Katulad nyo, pakalat-kalat lang din sila sa kalye ng ampunin ko. Naawa naman ako sa kanila dahil wala silang matawag na bahay. Kaya ngayon nandito na sila sa aking mobile turo-turo. Sila ang inyong makakasama.

Romel: Kawawa naman ho sila pala ano?

Aling Isa: Oo, talaga, alam mo ba na yang si Chris Tin, dating taga Recto, doon sa may ilalim ng LRT2, nagru-rugby yan, kasama si Ly Me, eh nung mapadpad dito, kinuha ko na, kawawa naman nangangayayat na sa karu-rugby….

Romel: Ay ganon ho?!

Aling Isa: Ay oo, at yang si Gin Ahh at Gin Yet, mga lasengera sa Libis yan! Nako..nung makita ko aba, pinangaralan ko at isinama ko na rin dito.

Romel: Naku, mga may mga bisyo pala sila noon.

Aling Isa: Ay nakow sabi ko sayo… at yang si Juley, naku, yan ang pinaka adik sa lahat! Kung anu-ano ang sinasabi nyan noon. Mga out op dis world. Palibhasa nagsha-SHABU yan eh…pero nung mapangaralan ko, ayun nagbago silang lahat…

Romel: Nakakatuwa naman ho at nagbago silang lahat dahil sa inyo.

Aling Isa: Alam mo, ang pagbabago, nasa tao yan, kung hindi mo imo-motivate ang sarili mo para sa ikabubuti mo, hindi ka mababago.

Romel: Oo nga po..haizz…

Samantala, habang nagaayos na si Romel ng mga ingredients ng menu nyang pugong inasal, biglang dumating si Chris Tin. Dala ng mapang akit nyang bengs, nahumaling si Romel sa kanya. ayeeeeeeeeeeeeeeee…

Nagkatitigan ang dalawa at sinabi ni Chris Tin…………………………….

“Aray! ang bengs ko…”

Humingi naman ng paumanhin si Romel kay Chris Tin ay itinuloy na lang ang paghihiwa ng patatas. Dumating naman bigla si Aling Isa, sabay tanong kay Romel kung ano ang lulutuin nito.

Sumagot naman si Romel at sinabing, “Pugong inasal ho Aling Isa.”

“Ahhhh……sige, pag-igihan mo at ng matikman ko..”, ani Aling Isa.

Maya maya pa tinawag muli ni Aling Isa si Romel. May bisita pala sya at si Pareng Dodong pala nya ito.

Nagulat si Romel dahil may kasama ang kaibigan….si Kuh Lin.

Romel: O pare, paano mo nalaman na nandito ako?

Pareng Dodong: Ahh, sinabi ni Manuela sa akin.

Romel: Ahhh, anu bang sadya nyo sa akin?

P. Dodong: Ah, eto kasing si Kuh Lin may sasabihin sayo.

Romel: Ahh o anu yun Kuh Lin?

Kuh Lin: Ahhh, pede dun tayo labas?

Romel: Mukhang seryosong bagay ito.. sige tara..

Kuh Lin: Romel, ako may tanong iyo. Nanay mo ba si Esmeralda Ginugo?

Romel: Pa…….pa…..papano mo nalaman yan?

Kuh Lin: Nanay mo ba sya?

Romel: Oo, sya nga ang matagal ko ng hinahanap na ina. Kilala mo siya?

Kuh Lin: Kaw ngaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!

Romel: Anung ako nga??? Kapatid kita ganon???

Kuh Lin: Hindeeeeeeeeeeeeee! Ambisyoso! Yung nanay mo may iniwanang sulat sa akin noon. Kaibigan siya ng nanay ko, si Maxima Perlas. Sabi niya ibigay ko ito sa iyo pag natagpuan kita.

Romel: Ahhh, teka pano nyo naman nalaman na ako nga ang hinahanap nyo?

Kuh Lin: Sabi nanay mo meron ka poknat sa tagiliran ng ulo mo. Eh ayan oh, laki laki!

Romel: Ahhhhh, teka ako lang may poknat sa tagiliran??????????? Oha oha! Ano ha!

Kuh Lin: Hay nakuuuuu! Gulo mo! O siya eto pa, meron ka balat sa may pusod, korteng S. Oha oha! Ano ha!

Romel: Ako nga yonnnnn!

Kuh Lin: O yan, o eto na sulat ng nanay mo.

Romel: Salamat.

Naupo sila sandali habang nagbubukas ng envelope si Romel, at ito ang nilalaman ng sulat:


Mahal kong Romel,

Una sa lahat, ako ang nanay mo, maniwala ka kay Kuh Lin, wag kang epal ha!

Kumusta ka na anak? Siguro ngayon binata ka na, huli kitang nakita sanggol ka pa lamang. Patawarin mo ako anak dahil hindi kita naipagtanggol sa mga Abu Sayaff sa Tawi-Tawi. Ang ama mong Sultan ang may pakana ng lahat. Ibinalot ka niya sa silka (tela to hindi papaya soap) at ibinigay sa tiya mong Prinsesa na ngayon ay nasa Brunei na. Ito namang tiya mo ay ipinahawak ka sa mga tagapaypay niya. Subalit ang mga ito naman ay kinidnap ka. Anak, hinabol kita hanggang sa makita kong dinala ka na nila sa Basilan, at doon ay nakapiling mo ang mga bandidos…nagpanggap akong kasapi sa Taliban pero nabuko nila ako. Hawak na kita noon anak pero kinuha ka pa rin nila sa akin. Dinala nila ako sa Sabah at doon ikinulong. Nakatakas ako dahil sa nanay ni Kuh Lin. Taga dala sya ng pagkain sa amin at ng ako’y magmakaawa sa kanya, tinulungan nya ako. Kaya be friends with Kuh Lin, sasapakin kita pag hindeee! Joke lang anak..kaw naman di ka na mabiro.

Siya nga pala anak. Sa panahong mabasa mo ito, ikaw ay nasa legal age na. Inuutusan kita na bumalik sa Tawi-Tawi at doon hanapin mo si Grace Ahmid Majoh, siya ang tagapamahala ng ama mong Sultan sa mga ari-arian nya. Anak, hingin mo ang ipinamana niya sa iyo, siyempre magpakilala ka muna loko ka, baka ipatapon ka na naman. Magdala ka ng ID mo, pati authenticated birth certificate mo ha. Kapag nasa Tawi-Tawi ka na at nahanap mo na si Grace, hanapin mo si Aling Sheanne Sheila Janjalani, sa kanya ka makituluyan habang nandun ka at nagaayos ng mana. Ok?! Wag kang mag-alala kaapelyido lang siya ni poging Kadafi Janjalani.

Sige anak, mag-iingat ka. ‘Wag kang papatukso sa mga babae, magagalit si Fita. Opps opps, hula ko lang ‘yon. Mahal na mahal kita anak. Hihintayin ko ang pagdating mo sa lugar na naroroon ako.

Nagmamahal,

Kapamilya…..este iyong ina


Halos maiyak si Romel sa sulat ng kanyang ina. May mga tanong ng nagrararu sa kanyang isipan. Papaano nga naman siya makakapunta sa Tawi-Tawi kung wala siyang pera. At isa pa, nasaan ang nanay nya.

Tinanong nya ito kay Kuh Lin subalit hindi rin alam ni Kuh Lin (kunwari lang,pero alam nya talaga kung asan nanay ni Romel, bilin kasi nito na wag sasabihin kay Romel kung asan sya, kaya quiet muna ha).

Samantala, biglang dumating si Fita. Nakita niya ang dalawa at nilapitan. Nakita niya na umiyak si Romel kaya naman labis siyang nag-alala at ni-comfort ito. Sinabi ni Romel kay Fita ang nilalaman ng sulat.

Nagulat ang Fita at hindi niya akalaing anak pala ng sultan ang kasintahan… (tiba tiba na ang bruha! oppss pero di nya naisip yun, ako lang nakaisip non.) Sinabi niya kay Romel na, gagawa sila ng paraan para sa lalong madaling panahon ay makapunta sila sa Tawi-Tawi.

Makalipas ang ilang sandali, pumasok na sila sa loob ng karinderya at ipinagpatuloy na ni Romel ang kanyang naiwang ginagawa. Umalis na din sina Pareng Dodong at Kuh Lin, babalik na lang daw sila kapag handa na si Romel (makikisabit pa tong dalawang to…) Ipinaalam ni Romel ang balita kay Aling Isa, naintindihan naman ito ng ginang at sumang-ayon sa kung anuman ang naging desisyon ni Romel.

———————

opppsssss bitin muna daw dahil.. tinatamad na si Nieerz na dugtungan… sa epi 3 na ang adventure papuntang Tawi-Tawi!😀 salamat sa pagbasa!

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

One Response to Yahooserye Presents: Pugong Inasal

  1. rowjie ay nagsabing:

    naks naman! hehe. galing ah!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: