TO BE GUILTY OR NOT GUILTY!

Tapos na ang paglilitis kay Former Pres. Erap, at GUILTY BEYOND REASONABLE DOUBT ang hatol. Pagkatapos nito, ano na ang susunod na hakbang?

Para sa mga ordinaryong mamamayang katulad ko, wala lang. May nagbago ba? Wala sa tingin ko, ganun pa din ang antas ng tax na binabayaran ko, ganun pa din ang presyo ng gasolina, ganun pa din ang presyo ng mga bilihin, pati tuition sa eskwelahan ay di naman bababa dahilan sa nahatulang makulong si Erap. Kung tutuusin, its like not much bearing at all dahil ilang taon na rin namang nakakulong ang dating pangulo, ang kaibahan lang eh, sa mas pangit na kulungan siya pag nagkataon.

Sa mga humuhusga sa dating pangulo, ang tanong na dapat ninyong sagutin ay kung sa panahon ng kasalukuyang administrasyon, wala bang ganyang mga pangyayari? Kumusta na ang napakainit na “ZTE deal”, ang binubuhay muling “Hello Garci scandal” at marami pang ibang issue na natabunan na. Sabi nga nang salawikain, “Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw.” at “Bato-bato sa langit ang tamaan wag magalit.”

Palaging ipinipilit na maganda ang takbo ng ekonomiya natin, pero bakit di maramdaman ng mga mas naghihirap na Pilipino? Naisip kong kung gumanda man ang kita ng gobyerno as mga panahong ito, may napakinabangan ba talaga ang mas nakararami? o ang mga kaunting nasa itaas lang ang nakinabang? o ang mga buwayang naglipana sa lipunan?

Sa aking palagay, naging makasaysayan ang araw na ito dahil napatunayan na naman na sa mundo, ang labanan lang ay kung sino ang mas “lesser evil” at mas mahina, siya ang talo.

—-

DISCLAIMER: Lahat ng ito ay pawang kuro-kuro lamang, may kalayaan naman sa pagsasalita di ba?😆

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

2 Responses to TO BE GUILTY OR NOT GUILTY!

  1. mavicptwrn ay nagsabing:

    ngayong nahatulan na si erap…what’s next?…kailan isusunod si gloria? legally speaking she’s not the president of this republic…it’s about time na buksan ulit ang ‘hello garci’ scandal at parusahan ang mga taong sangkot dito…hindi lang si erap ang ‘dapat na hatulan’ naghihintay din ang sambayanan na mahatulan si gloria!

  2. Mithi ay nagsabing:

    Magandang entry pero nakakatakot pagiwanan ng komento dahil political.😛

    Kurek ka dun sa pagpipilit na gumaganda ang ekonomiya. Sa tingin ko, higit sa mga numero at statistics na nilalabas ng GMA admin, ang totoong makakapagsabi kung gumaganda ang ekonomiya eh ang tao, sweldo/tax, at presyo ng bilihin.

    Tungkol naman kay ERAP, expected na talagang guilty sha sa kasong plunder pero hindi sa perjury. Pero tingin ko tama din si ERAP nung sabihin niyang political decision ang hatol sa kanya. Talagang may sapak si Gloria. Dapat kabahan din siya dahil nandyan pa ang multo ni Garci.

    Gandang araw.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: