AnonyMous DIKSYONARYO 201

Ang mga sumusunod na terminolohiya ay pawang mga salitang aking natutunan lamang sa kung saan-saan. Nais ko lamang ibahagi, maaring ang iba’y pamilyar sa English o Tagalog Dictionary, at ang iba naman ay bunga lang ng mga kolokyal na katawagan na nakagawiang gamitin sa pang-araw-araw na usapan ng mga networks at kaboks.

Badminton /bad-min-ton/ – paboritong laro ng mga “Lord”

Bread /bred/ – tawag sa tinapay, pwede din itong itawag sa baon o allowance o di kaya naman ay sa kinikita mo

Boljack /bol-dyak/ – ang tawag kapag ika’y napapagalitan o nasermonan.

Correct /ko-rekt/ – ekspresyon ng mga mahilig at magaling mangatwiran. Ito din ang sinasambit ni Kris kapag tama ang sagot mo sa Game Ka Na Ba.

Cunuactive /kyu-nu-ak-tiv/ – ang tawag sa taong mahilig mag-suggest ng mga bagay-bagay na hindi din naman niya naintindihan.

D.A. – ibang letter kaya hindi “A” (“A” for outstanding). Tumutukoy din sa “Disciplinary Action”.

“Feeling” /fi-ling/ – ito ang tawag sa iyong nararamdaman. Pwede ding itawag sa mga taong akala nila’y angat sila sa iba.

Grandparents /grand-pey-rents/ – isa pang tawag sa mga bosing sa opisina.

Holiday /ha-li-dey/ – ang tawag sa araw na wala ang boss mo.

Inactive /in-ak-tiv/ – ang tawag sa mga taong walang pakialam sa mundo (sa mundo ng opisina)

Kaboks /ka-boks/ – mga ka-bonding na kaibigan kahit saan.

Kapamilya /ka-pa-mil-ya/ – tawag sa mga taong dati’y di mo kasama sa grupo o departamento na ngayon ay kasama mo na.

Kapuso /ka-pu-so/ – tawag sa mga taong dati’y kasama mo sa grupo o departamento na ngayon ay di mo na kasama.

Legal Holiday /li-gal, ha-li-dey/ – ang araw na malakas din ang benta ng tinapay; araw na doble ang sahod kapag nagtrabaho ka.

“Lord” /lord/ – ang tawag sa mga tao sa opisina na palaging nagbibigay ng utos; isa pang katawagan sa mga boss.

Network /net-wo-ork/ – isa pang katawagan sa tsismis; pwede ding itawag sa mga nagdadala ng tsismis.

Out-of-coverage /awt-ov-ko-ver-eyj/ – tawag sa di nasasakupan o nasasaklaw; tawag din sa mga taong nahuhuli sa balita.

Pabibo /pa-bi-bo/ – tawag sa mga taong magaling magsalita na kung minsan ay kulang sa gawa.

Pakikisama /pa-ki-ki-sa-ma/ – ang tawag kapag marunong kang uminom ng beer o Gilbeys.

Parents /pey-rents/ – ang tawag sa iyong mga magulang; ito’y katawagan din sa iyong “immediate superior” sa opis.

Pasaload /pa-sa-lowd/ – isa pang katawagan sa mga taong mahilig magpasa ng kanilang trabaho sa iba.

Pasaway /pa-sa-way/ – ang tawag sa taong ayaw papigil sa kanyang ginagawang kasaway-saway.

Petiks /pe-tiks/ – ang tawag sa oras na akala mo ay may ginagawa ka pero wala talaga; tawag din sa oras na sadyang binabagalan ang trabaho para makumpleto ang buong walong oras na may ginagawa.

Proactive /pro-ak-tiv/ – ang tawag sa taong aktibo sa pagpapabuti ng kanyang ginagawa; pwede ding itawag sa mga taong umaako ng di niya trabaho; tawag din sa mga taong mahilig mangialam sa trabaho ng iba.

Share-a-load /syer-a-lowd/ – ang tawag kapag ang trabaho ay pinagtutulungan.

Shortage /syor-t-eyj/ – ang tawag sa nagkukulang na bagay…..kasama na dun ang height….

Showbiz /si-yow-biz/ – sitwasyong maraming nakakaalam, kakilala man o hindi ng mga nasasangkot

Shortening /si-yor-ten-ing/ – isa itong ingredient ng tinapay at hindi pagpapaikli ng mga bagay-bagay.

Smart /is-mart/ – kapag nagagawa mong mag-text kahit nasa loob ka ng planta kung saan walang signal ang Globe.

Tag-ulan /tag-u-lan/ – mga araw na malakas ang benta ng tinapay.

Values /bal-yus/ – mga bagay na iyong pinahahalagahan; pwede ding subject mo nung nasa elementarya ka pa lang; bagay na dapat itanong mo sa sarili mo kung meron ka ba o wala.

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

12 Responses to AnonyMous DIKSYONARYO 201

  1. brath ay nagsabing:

    ayus tong dictionary na to ah, lalo na yung word na boljack saka kaboks hehehe magamit nga minsan yun..

    xiao!

  2. tinsters ay nagsabing:

    simula wednesday holiday koπŸ˜†

  3. mousmous ay nagsabing:

    haha! at bakit naman holiday ka?πŸ˜† buti ka pa huhu, ako wish kong magka-holiday dinπŸ˜†

  4. Black Wolf ay nagsabing:

    Wow….I’m speechless.

  5. heneroso ay nagsabing:

    musta naman ah

  6. mousmous ay nagsabing:

    mabuti naman!πŸ˜†

  7. tinsters ay nagsabing:

    kasi si bossing may business trip haha……

  8. mousmous ay nagsabing:

    ahh! holiday nga!πŸ˜† bakit ako, kahit holiday minsan, it doesn’t feel like it!😦

  9. Paurong ay nagsabing:

    akala ko bastos. hehehe.
    utak ko tlg oo.

  10. Mithi ay nagsabing:

    Akala ko yung “proactive” laging positive ang meaning. Hehe. At natawa ako dun sa Pasaload,πŸ˜€

  11. earthlotus ay nagsabing:

    haha.πŸ˜€ -petiks mode

  12. mousmous ay nagsabing:

    ako din, petiks mode ata araw-araw kahit bcπŸ˜†

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: