Kaplastikan

Bakit ba sa dinami dami ng tao sa mundo, may ginawang taong plastik? Nakakainis sila di ba? Kahit anong gawin mong pagpapakatotoo, kung plastik sila ay plastik sila. At di sila nawawala, at ang kaplastikan ay di din nawawala sa katawan. Kaya pala ang plastic ay non-biodegradable!

Ka-ipokritahang matatawag! Di ba ako ganun? Maaring ganun nga ako kung minsan, pero kapag kinakailangan lang, ang pinaka di ko maatim ay yung mga nagsasabing totoo sila sa sarili nila, pero sa bawat kilos nila, makikita ang mapanghamak na saloobin. Sa kabila ng ipinapakitang pakikipag-kapwa tao, kapalit nun ay mapunang pananalita para sa mga tinulungang hamak na tao. Kapalit ng masinsinang pagpupuri sa Diyos, ay makasariling layunin, at kung minsan pa, nagpupuri lang pala kapag matindi ang pangangailangan.

Sa aspeto ng pakikipagkapatirang Kristiyano, nakikitungo lang kapag may kailangan at kung may magiging pakinabang. Sa mga sandaling wala kang maitutulong, isang mapamunang salita ang katapat sa iyong likuran.

Paano ba maging “papel” mula sa pagiging “plastik”? Gusto kong baguhin iyon, pero alam ko namang di ko kaya. Buti pa ang papel, nagbabago, nare-recyle, maraming gamit, nakakaganda ng paligid. Subalit ang plastik ay basura pagkatapos gamitin……

Jokingness Habang Walang Magawa

Habang nag-iintay akong antukin, napadpad ako sa isang website kung saan nakita ko ang mga lumang Pinoy jokes na ito. Kahit nabasa ko na dati ay natawa pa din ako, kaya’t i-share ko na din dito 😀

——

AMO: kelan lang tayo bumili ng toothpick, bakit naubos agad?
MAID: ewan ko po mam, kapag ako po ang gumamit sinosoli ko naman ah!

——

TITSER: Ano ang PAST TENSE sa LABA?
BOY#1: Naglaba mam!
TITSER: Tama! Eh, ang present tense?
BOY#2: Naglalaba!
TITSER: Tama na naman! Ano naman ang FUTURE TENSE?
BOY#3: MAGSASAMPAY mam!

——

AMERICAN ENGLISH:
Eat All You Can, don’t be shy, feel at home!

IN TAGALOG:
Kain lang kayo ng kain, walanghiya kayo, pakiramdam nyo bahay nyo to!

——

MGA JOB TITLES NA DAPAT NANG PALITAN:

PRESIDENT- pasimuno.
VICE PRESIDENT- kunsitidor.
SECRETARY- palsipikador.
TREASURER- kubrador.
AUDITOR- kasabwat.
PUBLIC RELATION OFFICER- tsismoso.
REPRESENTATIVES- pahamak.
SPOKESMAN- bolero.
SGT-AT-ARMS- tirador.
ADVISER- taga sulsol.

mas akma di ba??? 😆

——

JUAN; Tay ! Penge P20 bibili ako ng de lata.
TATAY: Anak, mga taga bukid lang ang gumagamit ng term na de lata! Englisin mo yan!
JUAN: Paano?
TATAY: KANG GUD!

——

ERAP: Hello, I would like to inquire how long is the flight to San Francisco?
OPERATOR: Just a minute, Sir..
ERAP: Really? Thank you..

😆 *peace*

Protektado: Sa Totoo Lang, Gusto Ko Nang….

Ang nilalamang ito ay protektado ng password. Upang tingnan ito, mangyaring ilagay ang iyong password sa ibaba:

%d bloggers like this: