Kaplastikan

Bakit ba sa dinami dami ng tao sa mundo, may ginawang taong plastik? Nakakainis sila di ba? Kahit anong gawin mong pagpapakatotoo, kung plastik sila ay plastik sila. At di sila nawawala, at ang kaplastikan ay di din nawawala sa katawan. Kaya pala ang plastic ay non-biodegradable!

Ka-ipokritahang matatawag! Di ba ako ganun? Maaring ganun nga ako kung minsan, pero kapag kinakailangan lang, ang pinaka di ko maatim ay yung mga nagsasabing totoo sila sa sarili nila, pero sa bawat kilos nila, makikita ang mapanghamak na saloobin. Sa kabila ng ipinapakitang pakikipag-kapwa tao, kapalit nun ay mapunang pananalita para sa mga tinulungang hamak na tao. Kapalit ng masinsinang pagpupuri sa Diyos, ay makasariling layunin, at kung minsan pa, nagpupuri lang pala kapag matindi ang pangangailangan.

Sa aspeto ng pakikipagkapatirang Kristiyano, nakikitungo lang kapag may kailangan at kung may magiging pakinabang. Sa mga sandaling wala kang maitutulong, isang mapamunang salita ang katapat sa iyong likuran.

Paano ba maging “papel” mula sa pagiging “plastik”? Gusto kong baguhin iyon, pero alam ko namang di ko kaya. Buti pa ang papel, nagbabago, nare-recyle, maraming gamit, nakakaganda ng paligid. Subalit ang plastik ay basura pagkatapos gamitin……

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

3 Responses to Kaplastikan

  1. dEe ay nagsabing:

    oo nga. nagsasawa na rin ako sa kaplastikan ng ibang tao.

  2. tinsters ay nagsabing:

    sinong plastik ate? si plastikman ba?😆
    ang corny ko hahaha……na-miss ko ang blog hehe….

  3. mousmous ay nagsabing:

    oo si plastikman nga! nakakasawa na!😆

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: