HAY BUHAY AMERICA TALAGA – by Maeng Ni

Ni-forward lang ang email na ito sa akin mula sa isang kaibigan…nakakatawa pero makatotohanan nga naman….

——–

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America ..

Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.

Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America .
Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.

Oxygen

Kahapon ko lamang na-absorb ang awiting Oxygen ni Colbie Caillat…..maganda pala siya, ayee 😀 hehe. At sa aking palagay ay dito nagmula ang paboritong expression ng batang makulit na “I NEED OXYGEN”. In fairness, naaaliw talaga akong pakinggan ito, hindi naman dahilan sa nakaka-relate ako kundi dahilan sa maganda nga siya. Salamat TOS gels, pinakilala niyo ito sa akin 😆

Teka, parang nagiging keso na naman ulit ako nito ah….baka may makahalata…..ahihi

Narito ang mga letra ng awit, baka may nakaka-relate dyan…haha 😆

I came a part inside a world
Made of angry people
I found a boy
Who had a dream of making everyone smile
He was sunshine
I fell over
My feet like bricks underwater
and How am I supposed to tell you how I feel?
I need oxygen

Oh baby, if I was your lady
I would make you happy
I’m never gonna leave, never gonna leave
Oh baby, I will be your lady
I am going crazy for you

And so I found a state of mind
Where I could be speechless
I had to try for a while
To figure out this feeling
This felt so right
Pull me upside
Down to a place where you’ve been waiting
and How am I supposed to tell you how I feel?
I need oxygen

Oh baby, if I was your lady
I would make you happy
I’m never gonna leave, never gonna leave
Oh baby, I will be your lady
I am going crazy for you

And you don’t wanna keep me waiting
Staring at my fingers
Feeling like a fool

Oh baby, I will be your lady
I will make you happy
I’m never gonna leave, never gonna leave
Oh baby, I will be your lady
I am going crazy

Tell me what you want
Baby, Tell me what you need
Anything I ask, baby give it to me
Baby give it to me, give it to me

I came a part inside a world
Made of angry people
I found a boy
Who had a dream of making everyone smile

Kung nais niyo namang pakiligin ang sarili niyo at mapakinggan ito, mangayaring i-click lamang ang link na ito >>>> OXYGEN

Protektado: Ka-Kesohan Ulit

Ang nilalamang ito ay protektado ng password. Upang tingnan ito, mangyaring ilagay ang iyong password sa ibaba:

Protektado: Sa Paglipas ng Panahon….ka-kesohan lang :P

Ang nilalamang ito ay protektado ng password. Upang tingnan ito, mangyaring ilagay ang iyong password sa ibaba:

Protektado: Mushy Mushy Lang….

Ang nilalamang ito ay protektado ng password. Upang tingnan ito, mangyaring ilagay ang iyong password sa ibaba:

Spring Waltz, bago kong kaadikan

Anong petsa na nga ba? Sa tinagal ng panahon mula nang maikwento sa akin ito, ngayon ko lang mapapanood. Chempre dahil ngayon lang ipinalabas sa primetime, wala naman akong kopya ng dvd o vcd neto, ayoko ko kasing bumili sa bangketa ng pirated, feeling ko kasi, masisira ang player ko pag ganun ang inilagay ko. 😆 hehe

Pero ito ang bago kong kaadikan ngayon, salamat sa Kapamilya station, mapapanood ko na din, huli man daw at magaling, magaling pa din chempre!

Ang gwapo kasi ni Daniel Henney, yung bidang lalaki, di siya ganung ka-charming, mas charming pa din talaga si Daniel. In fairness din sa mga cast, yung bidang babae ay may taglay din na kakaibang charm kahit na di siya extra beautiful. Wala lang, naaliw talaga ako, ang ganda ng view ng grassfield, gusto ko tuloy pumunta din sa Korea! 😆 haywish may mag-donate ng plane ticket! 😆

Ito ang pang-4 sa Endless Love Series, kaya naman ako’y nahikayat manood. Sa 4 na yugto ng seryeng ito, yung Summer Scent lang ang di ko napanood. Pero ang Autumn in My Heart at Winter Sonata, ang mga ito ang mga una sa minahal kong Korean Series talaga, kaya ko naging kras din si Won Bin, ka-cute niya talaga dun sa EL1, mas ma-appeal pa siya kaysa kay Song Seung Hoon. And of course, si Bae Young Joon, kahit medyo may edad na, mysterious ang charms……hay puro ako charms, hanubeh! haha

Dito sa Spring Waltz, sinasabi ko na na si papa Daniel ang aking darling dito! 😆

——

One Love ang title ng theme song nito, ang English version ang inawit ni Acel Bisa, pero masasabi kong maganda din ang Original Korean Version, kaya narito at panoorin nyo din. Ang ganda talaga ng grass fields 😀

One Love (Original Korean Version) by Loveholic

One Love (English Version) by Acel Bisa

Welcome 2008! (Year of the ano nga ba ito???)

Hef hef! hurray! 2008 na! Maganda pa ba ako???? 😆 Chempre naman, dapat lagi kong isiping maganda ako! 😆

Kumusta mga kaboks, at kalurkey ko sa blog na ito! 😀 Masaya ba ang bagong taon niyo? Ako’y umaasang masaya din kayong lahat. Sabi ng pamahiin sa amin, kung ano ka sa pagpasok ng bagong taon ay magiging ganun ka daw buong taon! Kaya kung ikaw ay masaya sa pagpasok ng taon, buong taon kang masaya! (may sense naman siguro ito 😀 ahihi)

Sa mga kaboks ko nga palang nakabasa ng senti moments ko, hehe, madrama ba ako? O kayo ang madrama? 😆 Chempre wabs ko kayo, at ang lahat ng iyan ay galing sa maliit kong puso 😆

Ano nga pala ang tawag sa year na ito? year of the dog, rat, etc??? Hindi ko talaga alam, di naman kasi ako nagdedepende ng aking kapalaran sa astrology. Dahil ang ating kapalaran ay nasa ating mga kamay din 😀

Salamat sa 2007, daming blessings ni Lord! Siyempre ang pinakamasaya sa lahat, I officially confirm my belongingness sa Kanyang family, salamat sa pagkakataon 😀

—–

Off Topic: November 24, 2007 – bago kong birthday yan 😀

%d bloggers like this: