Spring Waltz, bago kong kaadikan

Anong petsa na nga ba? Sa tinagal ng panahon mula nang maikwento sa akin ito, ngayon ko lang mapapanood. Chempre dahil ngayon lang ipinalabas sa primetime, wala naman akong kopya ng dvd o vcd neto, ayoko ko kasing bumili sa bangketa ng pirated, feeling ko kasi, masisira ang player ko pag ganun ang inilagay ko.๐Ÿ˜† hehe

Pero ito ang bago kong kaadikan ngayon, salamat sa Kapamilya station, mapapanood ko na din, huli man daw at magaling, magaling pa din chempre!

Ang gwapo kasi ni Daniel Henney, yung bidang lalaki, di siya ganung ka-charming, mas charming pa din talaga si Daniel. In fairness din sa mga cast, yung bidang babae ay may taglay din na kakaibang charm kahit na di siya extra beautiful. Wala lang, naaliw talaga ako, ang ganda ng view ng grassfield, gusto ko tuloy pumunta din sa Korea!๐Ÿ˜† haywish may mag-donate ng plane ticket!๐Ÿ˜†

Ito ang pang-4 sa Endless Love Series, kaya naman ako’y nahikayat manood. Sa 4 na yugto ng seryeng ito, yung Summer Scent lang ang di ko napanood. Pero ang Autumn in My Heart at Winter Sonata, ang mga ito ang mga una sa minahal kong Korean Series talaga, kaya ko naging kras din si Won Bin, ka-cute niya talaga dun sa EL1, mas ma-appeal pa siya kaysa kay Song Seung Hoon. And of course, si Bae Young Joon, kahit medyo may edad na, mysterious ang charms……hay puro ako charms, hanubeh! haha

Dito sa Spring Waltz, sinasabi ko na na si papa Daniel ang aking darling dito!๐Ÿ˜†

——

One Love ang title ng theme song nito, ang English version ang inawit ni Acel Bisa, pero masasabi kong maganda din ang Original Korean Version, kaya narito at panoorin nyo din. Ang ganda talaga ng grass fields๐Ÿ˜€

One Love (Original Korean Version) by Loveholic

One Love (English Version) by Acel Bisa

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: