Ang Puno’t Dulo ng Pag-Ibig

Hindi ako ang talagang nagsulat nito, nabasa ko lang ito sa isang sharing site, at naisip ko lang na i-repost dahilan sa bukas ay Araw ng mga Puso naman! 😀 Pero somehow, ako’y sumasang-ayon…ang pag-ibig minsan nakakatawa, minsan nakakaiyak…sabi nga it will turn you upside down…at kung ayaw mong gumulong upside down dahil sa dahilang ito, asahang ang pag-ibig ay lilisan na lamang…:lol:

———-

Ang Puno’t Dulo ng Pag-ibig

Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking
oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya,
baliktarin mo at totoo pa rin.

Ang labo diba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo
naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason.

Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin.
Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba
talaga?!

May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only for
stupid people.” Nakakatawa kasi laude ang standing
niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang
hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat
kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O
kaya paminsan, nagiging moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.
Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng
malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang,
nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging
Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang
malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot. (At
tumitigas din ang mga bagay na madalas nama’y
malambot.)

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa
mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh.
Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo
lang ang magic words na “Ayoko na ma-inlove!” biglang
WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng
ibang tao, ang galing galing mo? Pero ‘pag problema
mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay
lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao?

Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo.
Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong
tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. “Ngayon ko lang
nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!” “Ang sarap
mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now na!”

At hindi lang ‘yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga
taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh
magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos
‘pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi
sila yung may kasalanan. Siya! “Bakit niya ‘ko
sinaktan?” May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at
pagbabagsak ng pinto.

Hayop talaga.

Mauubos ang buong magdamag kakaisip ng mga bagay
na nakakatawa ‘pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang
daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya
masasabi ko nang eksperto na ‘ko.

Pero wala pa rin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang
katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta
na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw
ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak.

Advertisements

Protektado: Panibagong Depression…

Ang nilalamang ito ay protektado ng password. Upang tingnan ito, mangyaring ilagay ang iyong password sa ibaba:

Mga Bagong Salawikain (mousmous edition)

Ang lahat ng sumusunod ay bunga lamang ng kabatuhan at kaadikan….

  • Balat man at malinamnam, ma-cholesterol pa din, dahil lechon lang ang meron niyan.
  • Read more of this post

    PARA SA MGA STRESSED

    Eto ang isa pang nice reading…nakita ko lang kanina while spending my first 20 minutes para sa aking sarili at pag-petiks bago umpisahan ang lahat ng aking gagawin…:D

    Kung sino man ang nagsulat nito, bull’s eye ka pare or mare! 😆

    O, bakit ka na naman na-i-istress? Did you wake up on the wrong side of the bed?

    Meron ka bang deadline na i-bi-beat ngayong araw na ito?

    It is important to understand stress before we can effectively manage it kaya Stress ang pag-uusapan natin ngayon.

    Ayon sa mga psychologists mayroong dalawang uri ng stress.

    Eustress and Distress.

    Eustress is positive stress. Ito ang nararamdaman ng isang dalaga
    kapag dumarating na ang kanyang manliligaw at may daladalang flowers.

    Eustress din ang tawag sa stress na nararanasan ng mga nagwo- work-out when they are doing their exercises.

    Ang mga athletes, pagkatapos na ma-stress ang kanilang muscles, they rest para ma-repair ang kanilang muscles.

    Kapag hindi sila nagpahinga, the stressed muscles will be injured.

    When injury happens, yan ang distress.

    Distress is the negative side of stress.

    Nakakaramdam ka na ng sakit ng ulo, pagsakit ng tiyan, hindi na makatulog, di pa makakain.

    Distress ang uri ng stress na nagreresulta sa kung ano-anong sakit tulad ng hypertension, minsan nga ay emotional breakdown pa.

    Ano ba ang pwede nating gawin para ang stress natin ay hindi maging distress? Famous author and inspirational speaker, Dr. John Maxwell has the following suggestions:

    Do not be overly sensitive to criticism.

    Tanggapin na natin ang katotohanang hindi natin kayang i-please ang lahat ng tao.

    Talagang mayroong hindi aayon sa iyo kahit na napaka-noble ng iyong mga intentions and motives.

    So when you receive criticisms, take it constructively kung sensible ang criticism.

    If you think the criticism is not objective, huwag na lang pansinin at ng hindi ka ma-distress.

    Do not take too much pride in your achievements.

    Ang pride ay parang uling, ginagatungan niyan ang distress.

    Ang taong proud ay mas lalong nadi-distress dahil masyado niyang iniingatan ang kanyang achievement at accomplishment.

    Minsan nga our achievements hinder us from growing and learning kasi sinasabi natin sa ating sarili, aba may na-accomplish na ko.

    Mas mahusay ako kaysa sa iba, hindi na nila ko pwedeng turuan.

    Ang lungkot ng buhay kapag naging ganyan ang attitude natin.

    Do not harbor jealousy over the achievement of others.

    Ang taong mainggitin madalas ding madistress, kasi nga totoo namang mayroong mas higit kaysa sa atin.

    Natural ang iba ay maaaring magkaroon ng achievements na wala tayo di ba.

    Instead of being jealous or envious, let us learn to rejoice in the successes of others.

    Malay mo malibre ka pa bogchi dahil nakikigalak ka sa kanilang tagumpay, di ba?

    Do not focus on your weaknesses and inadequacies.

    Ang sugat kapag mas lalo mong ginalaw mas lalong lalala at baka maimpeksyon.

    The more you focus on your weaknesses and inadequacies the bigger the tendency of wallowing in self-pity.

    While it is important to acknowledge your inadequacies, it is helpful to focus on your strengths and capabilities.

    One effective way of fighting distress is by counting our blessings – the good things which life brings.

    When we have grateful hearts, we will always be reminded that we are too blessed to be stressed!

    Someone wrote that:

    “The shortest distance between a problem and a solution is the distance between your knees and the floor. The one who kneels to the Lord can stand up to anything.”

    – UNKNOWN

    GOD BLESS US ALL!

    1 Makabagong Salawikain – Ano sa palagay nyo?

    Pagbukas ko ng aking computer, binisita ko agad ang isang community site na matagal ko nang di nabibisita…sa aking pagbabasa, natunghayan ko ang isang makabagong salawikaing nakapag-paikot na naman ng aking malikot na isipan….

    Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika…

    sa call center naglipana!!!

    Ano sa palagay niyo???? 😆

    Bakit Ba Ganito ang Pakiramdam ko?

    Hindi ko maintindihan ang sarili ko, wari ko’y magkakasakit ako, o may sakit na nga ba talaga ako??? Read more of this post

    Iba Na Ngayon…gusto kong maging normal…

    Ang mga panahong ito ay sadyang nakakatunaw ng puso. Sa di ko maipaliwanag na kadahilanan, ang aking ipinagdadasal ay tila sinagot na ni Lord….gusto kong magpasalamat sa mga taong ginagamit niya…in the midst of sadness…restoration comes out of it…I feel so blessed, and I just wanna share this blessing, this gladness with others…(hindi normal sa akin ito, pero I am moved to share)

    Read more of this post

    %d bloggers like this: