Bakit Ba Ganito ang Pakiramdam ko?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, wari ko’y magkakasakit ako, o may sakit na nga ba talaga ako??? Pagkagising ko kaninang umaga, hindi na maganda ang aking pakiramdam, wala ako sa mood, parang hanggang sa pagpasok ko. Pinilit ko lang mag-concentrate sa mga trabaho ko noong umaga dahilan sa kritikal ang mga iyon. Thank God naman at natapos ko sa takdang oras. Hindi ko maipaliwanag, kagaya ng sinabi ko kay Master Jedi. Mid-20s crisis nga ba ito? Hindi ko talaga alam….

Parang may mabigat sa pakiramdam ko, wala akong ganang manood ng TV, pati maki-adik sa mga kaboks. Hanggang YM lang ang usapan namin kanina…kundi lang nangulit si Aryan at nag-message si Mamavic, di na ako makikipag-usap sa kahit kanino. Kaya ko pa sa office, kasi naman, di pwedeng di maging composed dun. Nung pauwi na ako, nagtext si Lanie, dahil finally lumabas na yung result nila ng battery exams sa school para makapasok sa Institute of Nursing, at ang magandang balita eh, nakapasa siya at naka-schedule na for interview. Sa kabila nito, di ko pa din magawang maging excited katulad ng nakagawian ko na.

I don’t really understand, I was drawn to sadness since last week, but its not usual for me, kasi naman, pag may mga kaibigan akong malungkot, di naman talaga normal sa akin na ma-absorb yung sadness nila. Pinapatawa ko pa nga sila eh, kaya lang bakit ba ganito…dapat masaya ako! Pero di ko maramdaman ang pakiramdam ng masaya sa mga panahong ito….:( sometimes i didn’t notice that i could almost cry…wherein, dapat tapos na ang cry cry ko, dahil ok na ako eh…pero may bumabalik na kalungkutan…di ko talaga maipaliwanag…

Iniisip ko kung bakit…emotionally disturbed ba ako? Parang sunod-sunod kasi ang mga kaganapan…isang malungkot na balita, mga nakita kong kahindik-hindik, at mga bagay na di ko sukat akalain na ikinagulat ko….tama na bang dahilan ito para ako ay maging disturbed? Gusto kong mainis, lalo na kapag nangungulit si Lanie katulad ngayon, pero di ko naman magawa, I could only stay calm at sumagot lang kung kailangan…

Binasa ko kanina yung Medical Advisor Book dito sa bahay at napapunta ang mga pahina sa Depression….sa pagkakaunawa ko, may mga sintomas ako ng karamdamang ito…pero hindi pa naman malala…di pa naman ako nababaliw…pero di talaga mawala yung kakaibang pakiramdam ko.

Ano ba ang kailangan kong gawin? Kanina, nalulungkot si Aryan dahil sa huling blog entry ko dito, naiiyak daw siya…(cheesy no), kaya naman nag-sorry ako sa kanya, sabi ko, I didn’t mean to make her cry…sadyang minsan madami akong ka-dramahan sa buhay…kaya naman napilitan akong patawanin siya. Binigay ko sa kanya ang joke na ito:

Ano ang sinabi ng centipede nung makasalubong niya ang kumpare niyang centipede?
Ang sagot:
“Uy pare! apir!apir!apir!apir!apir!apir!apir!apir!apir!apir!apir!apir!apir!apir!apir!apir!apir!apir!apir!apir!”

Natawa naman si Aryan, pero nagtanong siya kung bakit daw ang dami nung apir, sinagot ko naman siya ng ganito, “Chempre pa, eh sa dami ng mga paa ng centipede, natural lang na madaming apir ang gawin nila!”😆 Kaya ayun, tawa siya nang tawa, kung nung una daw ay naiiyak siya, ngayon naman daw ay naluluha siya sa katatawa naman! Na-alleviate ng konti ang feeling blue ko kanina…pero bumalik na naman nung nakarating na ako sa bahay. Wala tuloy akong ganang kumain, kundi lang naghanda si Nanay, di ako kakain, sayang naman kasi ang blessings…pero di ako makakain ng matino. Ok sana yun, para ma-diet ako, kaya lang eh wala akong gana….

Nag-text din ng joke si JG, di ko agad na-getz, kaya naman nag-reply ako at tinanong ko kung ano yun…binalikan niya ako na “Slow mode ka ba ngayon?” Pagkatapos noon, nag-forward ulit siya ng isa pang joke, at natawa naman ako, kasi na-gets ko na, at noong oras din na iyon ko lang naunawaan yung unang joke. Nakakatawa naman in fairness, pero ang pagtawa ay panandalian lamang…pakiramdam ko sa mga sandaling ito naman ay feeling exhausted kahit di ako physically burnout…

Kung depression man ito, sana mawala agad…baka mabaliw ako…i feel like only wanting to listen to music, read some thoughts and stare blank….I guess, my only consolation today is naka-chat ko si Mr. I, wala lang, dito na pala siya ulit dahil na-shelf ang work assignment niya sa US. Oh well, life talaga, you’ll never know what you’ll get, its like CHOCOLATES😀

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: