Mga Bagong Salawikain (mousmous edition)

Ang lahat ng sumusunod ay bunga lamang ng kabatuhan at kaadikan….

  • Balat man at malinamnam, ma-cholesterol pa din, dahil lechon lang ang meron niyan.
  • Pag ang ilog ay maingay, asahan mong may flash flood.
  • Takot ang politician sa kapwa nya politician.
  • Ang tunay na kaibigan, nauutangan.
  • Ang pag-aasawa ay hindi biro, madaming gastos sa kasalan.
  • Ang pag-aasawa ay hindi biro, lalo na’t wala kang kasintahan.
  • Papunta ka pa lamang….kaya dalian mo, pauwi na kami.
  • Ang lumalakad ng mabagal, masikip ang sapatos. Ang lumalakad ng matulin, naka-rollerblades kasi.
  • Magkupkop ka ng kaawa-awa, may charity institution ka na friend!
  • Kapag bukas ang kaban, ninanakaw ang laman.
  • Kapag bukas ang kaban, asahan mong may bukbok na ang bigas.
  • Ang utang ay utang, ang may memory gap ay may memory gap.
  • Kung sino ang umaako….pabibo siya.
  • Kung labis ang tamis….siguradong madaming asukal…
  • Kung labis ang tamis….siguradong magkaka-diabetes ka…
  • Ang mabigat ay gumagaan kapag nagdidyeta.
  • Madaling pumitas ng bunga kung may panungkit ka.
  • Bayabas mang bubot, bayabas pa din.
  • Madaling gumawa ng tao, mahirap magpalaki ng tao.
  • Ubos-ubos biyaya, libre kasi…
  • Bago ka makipagkaibigan, itanong mo muna ang pangalan niya.
  • Pag sapit ng gabi’y, Primetime bida na.
  • wehehe

    😆

    Paliwanag mousmous
    Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

    6 Responses to Mga Bagong Salawikain (mousmous edition)

    1. foobarph ay nagsabing:

      gusto ko yung……. ang tunay na kaibigan…. ay nauutangan! ahehehe!

    2. Baylon ay nagsabing:

      natawa ako na nacornyhan doon sa last na salawikain. haha. corny.

    3. mousmous ay nagsabing:

      corny naman lahat yan eh😆 dala lang ng kabatuhan nga di ba? hehe

    4. Nicenels ay nagsabing:

      Nakakatuwa naman lahat.. What a beuatiful mind we have!

    5. rinaldetadase ay nagsabing:

      “Ang tunay na kaibigan, nauutangan.”
      TRUE
      dahil ang tunay na magkaibigan malaki ang tiwala sa isa’t isa

    6. abigail pasague ay nagsabing:

      nakakatawa yun ha hahahahaha kung may isinuksok at walang na dukot……may nandukot hahahahaha

    Mag-iwan ng Tugon

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

    Connecting to %s

    %d bloggers like this: