Ang Puno’t Dulo ng Pag-Ibig

Hindi ako ang talagang nagsulat nito, nabasa ko lang ito sa isang sharing site, at naisip ko lang na i-repost dahilan sa bukas ay Araw ng mga Puso naman!😀 Pero somehow, ako’y sumasang-ayon…ang pag-ibig minsan nakakatawa, minsan nakakaiyak…sabi nga it will turn you upside down…at kung ayaw mong gumulong upside down dahil sa dahilang ito, asahang ang pag-ibig ay lilisan na lamang…:lol:

———-

Ang Puno’t Dulo ng Pag-ibig

Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking
oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya,
baliktarin mo at totoo pa rin.

Ang labo diba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo
naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason.

Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin.
Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba
talaga?!

May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only for
stupid people.” Nakakatawa kasi laude ang standing
niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang
hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat
kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O
kaya paminsan, nagiging moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.
Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng
malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang,
nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging
Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang
malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot. (At
tumitigas din ang mga bagay na madalas nama’y
malambot.)

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa
mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh.
Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo
lang ang magic words na “Ayoko na ma-inlove!” biglang
WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng
ibang tao, ang galing galing mo? Pero ‘pag problema
mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay
lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao?

Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo.
Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong
tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. “Ngayon ko lang
nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!” “Ang sarap
mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now na!”

At hindi lang ‘yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga
taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh
magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos
‘pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi
sila yung may kasalanan. Siya! “Bakit niya ‘ko
sinaktan?” May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at
pagbabagsak ng pinto.

Hayop talaga.

Mauubos ang buong magdamag kakaisip ng mga bagay
na nakakatawa ‘pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang
daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya
masasabi ko nang eksperto na ‘ko.

Pero wala pa rin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang
katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta
na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw
ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak.

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

6 Responses to Ang Puno’t Dulo ng Pag-Ibig

  1. secret ay nagsabing:

    awesome..aheheheh

  2. foobarph ay nagsabing:

    nasan kaya ang ugat ng puno ng pagibig na yan!

    ahehe!

    pa link naman… ^^

  3. patweexa ay nagsabing:

    kulit nmn nito.. haha. natapos ako sa pagbabasa ng pagulong gulong d2 sa sahig namen. ^-^

  4. mousmous ay nagsabing:

    hinahanap ko din actually ang ugat na yan, para makakuha at may maitanim naman ako😆

  5. chaden ay nagsabing:

    ayaw pangitaa ang ugat. motidlom ra nag kalit.

  6. janella ay nagsabing:

    ayos yan ah..🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: