Swept Away

Kakapakinig ko ng mp3, napapa-emo na naman ako. Wala lang, feel ko lang mag-emo…matapos kong mag-holy week sa hospital, eto na naman ako at balik sa kakesohan. Ewan ko ba, ang ganda kasi ng song, I’m listening to That’s What Love Is For sang by Dianne Elise. In fairness, favorite singer ko na din siya ngayon, from the time I heard yung version niya ng Swept Away…parang theme song ko na kasi mga eto hahaha…Swept Away…then That’s What Love is For haha…oh well….

Swept Away…bakit nga ba? Read more of this post

Makabagong Bersyon ng “Without You” ni Mariah Carey

Kung nanonood ka ng American Idol, meron ding version ito sa Bulgaria, ang Music Idol. At kamakailan lang, isang auditioner ang umawit ng isang nakakapagpabagabag at makabagong bersyon ng “Without You” ni Mariah Carey.

Tandaan, ito ay in ENGLISH ha! 😀

PETIKSOLOGY

PETIKSOLOGY, hinango mula sa salitang petiks, na ayon sa Disksyonaryo 201 ni Mousmous ay siyang katawagan sa mga oras na akala mo ay may ginagawa ka pero wala talaga; tawag din sa oras na sadyang binabagalan ang trabaho para makumpleto ang buong walong oras na may ginagawa.

Sabi ni DMS, ang mga salitang nagtatapos daw sa suffix na “-OLOGY” ay nagsasaad ng pag-aaral ng isang bagay. Kaya kung ang salitang PETIKS ay dudugtungan din natin ng suffix na “ology”, ito ay magiging pag-aaral ng ka-petikshan! (tama ba?) Di ako ang nakaisip ng terminolohiyang iyan, bunga lang yan ng kinabilangan kong usapang baliw na nangyari kamakailan.

Naisip kong may puntos naman ang pagbuo ng salitang “PETIKSOLOGY”. Kung gagamitin ko ang terminolohiyang ito, pwede ko nang bansagan na ang mga taong gobyerno ay nagtapos ng kursong ito. Di lang mga taong gobyerno, pati ang karamihan sa mga nagtatrabaho dyan. (Ehem! Wag na kayo magmaang-maangan pa huh!).

Kung sa oras ng trabaho ay nabasa mo ito, isa ka sa nagtapos ng kursong ito siguro…oh aangal ka ba?

Kung naging totoong kurso man ito, ano kayang trabaho ang tatanggap sa mga nagtapos nito? Teka, paano naman ang application nito sa mga estudyante pa lang?

Yung mga ayaw mag-aral ng matino, kumukuha yun ng double-degree. Ka-double ng kurso talaga nila etong kursong ito. Kung may BS Chemical Engineering and Chemistry na double degree, pwede ding magkaroon ng BS Commerce and Petiksology. Yan, swak na swak talaga sa mga taong gobyerno haha.

Ipagpaumanhin ng mga tinatamaan, naging connotation na kasi ang ka-petikshan ng mga nabanggit na workforce. Maging ako’y saksi sa ganyang sistema dito sa Pilipinas, Lunes na Lunes, wala nang opisina ang assessor’s office matapos ang pananghalian, hindi naman holiday, nag-holiday lang ang assessor. Oh well oh well. Isang halimbawa lang naman yan, bato bato from heaven, ang tamaan humingi ng band aid.

Obviously…..Petiks din ako! haha! 😆

Humakbang ng Malayo

Listen: Go The Distance

Humakbang ng malayo, in English, Go the Distance. Minsan nangangarap tayo, libre kasi ito, walang bayad, walang tax, di katulad ng Jollibee, kahit pag-upo mo habang kumakain ka dun, may bayad, oo may bayad, di mo lang alam na kasama sa mga binayaran mo yun. At sa bawat pangarap, gusto nating maabot ang mga ito at malayo ang marating. Pero di iyon maabot kundi ka hahakbang at uumpisahang lumakad papunta sa kakinangan ng liwanag na tinatanaw. Kung ika’y may pangarap, di ka makakarating dun kung nakaupo ka lang dyan, walang ginagawa, nakatanga sa computer, pa-chat chat, o kaya pasulat-sulat sa blog na wala namang katuturan kung minsan (ako ba ito?).

Well, Read more of this post

It’s Pure Joy sa Kabila ng Kalungkutan

Masaya ako ngayon, kahit depressed, masaya ako. Ano kaya iyon ano? Ang contradicting ng statement, parang sira ulo ang nagsasalita. Well, masaya lang ako, dahil di ko naman inaasahan, sa mga pagkakataong kailangan ko pala ng taga-lift up eh darating na lang siya, sa di inaasahang pagkakataon at paraan.

I’ve said a few weeks ago na iba ang pakiramdam ko, and that’s it, I was feeling depressed talaga. After some time, it seems my depression is about to subside when another circumstance happened, and I’m sure that it makes me feel sad again. Pero this time, unlike nung naunang wave ng kalungkutan ko, I am trying, or forcing myself to be happy, dahil yun ang kailangan kong gawin sa pagkakataong ito. Ang hirap kasing mag-isa na dalhin mo mga problema mo, pagkatapos, isasama mo pa ang problema ng iba. Kahit ayaw kong intindihin, di naman matanggihan ng sistema ko na huwag isipin at maki-solve sa problema ng iba (yan kasi ang proactive haha).

Read more of this post

Mga Maling Sagot sa Maayos na Tanong

Sa kabila ng kabi-kabilang anti-Arroyo rally, ng kabi-kabilang corruption, kabi-kabilang kalamidad, kabi-kabilang eskandalong kinasasangkutan ng mga artista…ang saya pa din maging isang Pinoy! Kanina ay nag-text si Tere, inaasahan kong ang kanyang mensahe ay maglalaman na naman ng mga kakaibang banat, at hindi ako nagkamali. Kung tutuusin, may kabuluhan naman ang sinabi sa text, narito at pagmuni-munihan kung bakit nga ba mali ang mga sagot, pero dahil Pinoy tayo, ito ang ating nakasanayan na…

Ang sayang maging Pinoy!!! 😆

——-

Q: Kumain ka na?
A: Busog pa ko….

– May sense naman, kung busog ka pa, dahil kumain ka ilang oras na ang nakakaraan, pero wala sa lugar ang sagot dahil ang tanong ay pangkasalukuyan, o sa English, present tense!

Q: Andyan ba nanay mo?
A: Bakit po?

Read more of this post

Paano Ba Matulog ang Unggoy?

Napadaan lang ako sa Manila Zoo kahapon, at napansin ko ang kakaibang posisyon sa pagtulog ng isang unggoy. Heto tingnan niyo, ganito ba talaga matulog ang mga unggoy?? Oo nga at wala sila sa gubat na maraming puno, feeling ko tuloy depressed lang itong unggoy na ito kaya ganitong matulog…. ^_^

Natutulog na Unggoy

%d bloggers like this: