Humakbang ng Malayo

Listen: Go The Distance

Humakbang ng malayo, in English, Go the Distance. Minsan nangangarap tayo, libre kasi ito, walang bayad, walang tax, di katulad ng Jollibee, kahit pag-upo mo habang kumakain ka dun, may bayad, oo may bayad, di mo lang alam na kasama sa mga binayaran mo yun. At sa bawat pangarap, gusto nating maabot ang mga ito at malayo ang marating. Pero di iyon maabot kundi ka hahakbang at uumpisahang lumakad papunta sa kakinangan ng liwanag na tinatanaw. Kung ika’y may pangarap, di ka makakarating dun kung nakaupo ka lang dyan, walang ginagawa, nakatanga sa computer, pa-chat chat, o kaya pasulat-sulat sa blog na wala namang katuturan kung minsan (ako ba ito?).

Well, wala lang, (palagi akong wala lang), feel ko lang magsulat, kasi sa all time favorite ko ang kantang ito. Mula sa OST ng Hercules, at kinanta ni Michael Bolton. Sa tuwing pinapakinggan ko ang mga salita sa awiting ito, feel ko lang na gusto kong lumipad (feeling ibon lang kasi eh). Kasi naman Go the Distance nga di ba? Sino lang ba ang nakakarating sa malayo ng walang ka-effort effort kundi ang mga ibon. Mabuti pa sila, ginawa ni Papa God na may pakpak, bakit ang tao wala? Di sana, napupuntahan natin ang gusto nating puntahan na walang kailangang passport o visa at di na kailangan pang sumakay ng eroplano.

Kagaya na lang kanina, sabi ni UY pumunta daw ako sa kanila. Kahit gaano pa kalakas ang will power kong gawin yun, di naman ako makakarating sa kinalalagyan niya sa other side of the world, kase nga wala naman akong pakpak para lumipad agad. Di naman madali mag-apply ng visa, kung parang sedula lang ba siya na in 10 minutes makakakuha ka. Oh well, this is the same scenario I had with my Papsi, Aryan, Rina, Ate Marz, Mamu and the rest of the peeps na gusto kong puntahan sa kabilang dako ng karagatan. Nami-miss ko na din kasi sila, at alam ko naman iba sa kanila malungkot dun, gusto ko silang i-hugz.

Pero sa anu’t ano pa, sabi nga eh if there’s a will, there’s a way. At sabi nga ni PJ, seek thy kingdom first. Kaya nga sa bawat lyrics ng awit na ito ni Mr. Bolton, na-iinspire talaga ako. Sabi ko kay UY kanina, tandaan niya ang song na ito. Tinanong niya sa akin ano ba daw ang gist ng song, di ko matandaan kung ano sinabi ko (umaatake na naman ang memory gap ko). Pasensiya na, tumatanda na yata ako (sana magka-papa na ako, tumatanda na pala ako eh, haha).

Eto na nga pala ang lyrics, UY basahin mo, sabi mo kailangan mo ng lyrics. Pero yung mga naka-bold dito…yun ang selected lines ko.

I have often dreamed
Of a far off place
Where a hero’s welcome
Would be waiting for me
Where the crowds will cheer
When they see my face
And a voice keeps saying
This is where I’m meant to be

I’ll be there someday
I can go the distance
I will find my way
If I can be strong
I know ev’ry mile
Will be worth my while
When I go the distance
I’ll be right where I belong

Down an unknown road
To embrace my fate
Though the road may wander
It will lead me to you
And a thousand years
Would be worth the wait
It may take a lifetime
But somehow I’ll see it through

And I won’t look back
I can go the distance
And I’ll stay on track
No I won’t accept defeat
It’s an uphill slope
But I won’t lose hope
Till I go the distance
And my journey is complete

But to look beyond the glory is the hardest part
For a hero’s strength is measured by his heart

Like a shooting star
I can go the distance
I will search the world
I will face its harms
I don’t care how far
I can go the distance

TillI find my hero’s welcome
Waiting in your arms…

I will search the world
I will face its harms
TillI find my hero’s welcome
Waiting in your arms…

Yung naka-bold ang mga fave lines ko, pag pinag-sama sama, ganito lang siya: That from an unknown road, I will climb the slope and track the road till I find and go the distance, even if takes time, someday I’ll make it through my troubles, and reach that dream, and we’ll see each other again. I will accept failures, but I will stand up again because there’s hope in the Lord. At para sa mga taong di ko kasama ngayon, magkikita pa din tayo sa mata ika nga, maniwala ka lang, makikita ko kayo.

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: