PETIKSOLOGY

PETIKSOLOGY, hinango mula sa salitang petiks, na ayon sa Disksyonaryo 201 ni Mousmous ay siyang katawagan sa mga oras na akala mo ay may ginagawa ka pero wala talaga; tawag din sa oras na sadyang binabagalan ang trabaho para makumpleto ang buong walong oras na may ginagawa.

Sabi ni DMS, ang mga salitang nagtatapos daw sa suffix na “-OLOGY” ay nagsasaad ng pag-aaral ng isang bagay. Kaya kung ang salitang PETIKS ay dudugtungan din natin ng suffix na “ology”, ito ay magiging pag-aaral ng ka-petikshan! (tama ba?) Di ako ang nakaisip ng terminolohiyang iyan, bunga lang yan ng kinabilangan kong usapang baliw na nangyari kamakailan.

Naisip kong may puntos naman ang pagbuo ng salitang “PETIKSOLOGY”. Kung gagamitin ko ang terminolohiyang ito, pwede ko nang bansagan na ang mga taong gobyerno ay nagtapos ng kursong ito. Di lang mga taong gobyerno, pati ang karamihan sa mga nagtatrabaho dyan. (Ehem! Wag na kayo magmaang-maangan pa huh!).

Kung sa oras ng trabaho ay nabasa mo ito, isa ka sa nagtapos ng kursong ito siguro…oh aangal ka ba?

Kung naging totoong kurso man ito, ano kayang trabaho ang tatanggap sa mga nagtapos nito? Teka, paano naman ang application nito sa mga estudyante pa lang?

Yung mga ayaw mag-aral ng matino, kumukuha yun ng double-degree. Ka-double ng kurso talaga nila etong kursong ito. Kung may BS Chemical Engineering and Chemistry na double degree, pwede ding magkaroon ng BS Commerce and Petiksology. Yan, swak na swak talaga sa mga taong gobyerno haha.

Ipagpaumanhin ng mga tinatamaan, naging connotation na kasi ang ka-petikshan ng mga nabanggit na workforce. Maging ako’y saksi sa ganyang sistema dito sa Pilipinas, Lunes na Lunes, wala nang opisina ang assessor’s office matapos ang pananghalian, hindi naman holiday, nag-holiday lang ang assessor. Oh well oh well. Isang halimbawa lang naman yan, bato bato from heaven, ang tamaan humingi ng band aid.

Obviously…..Petiks din ako! haha!😆

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

4 Responses to PETIKSOLOGY

  1. camilleeee ay nagsabing:

    wow, nice term! fit na fit sa kin. lalo na sa opis nyahaha.

    sa opis din namin, usong-uso yung “P.O”

    (Pampatay-Oras)😆

    —- napadaan lng po.😉

  2. wei vines ay nagsabing:

    hirap samen mag petiks… huhu..

    malalaman agad kung petiks yung gawa mo o hindi.

    –daan daan lang–😉

  3. Prinsipe ng Pangarap! ay nagsabing:

    hehehe. buti na lang at wala ako sa work. hehehe! xlinks po?
    http://dilanmuli.wordpress.com

  4. Prinsipe ng Pangarap! ay nagsabing:

    hehehe. buti na lang at wala ako sa work. hehehe! xlinks po?
    http://dilanmuli.wordpress.com

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: