THE BANATXT CHRONICLES 5

Matapos ang matagal na pamamahinga…eto na naman ang mga kembot ng kembot na BANATXT mula sa mga UNLIMITXT ADIK! 😆

Sabi ng puso ko….mahal ko siya…..
Sabi naman ng utak ko….huwag hindi tama….
Ang sabi ko naman…….

……..Oh baka ung atay, bituka, kidney ay gusto ding mag-comment! hmmm

Read more of this post

Advertisements

Ang Kumpirmasyon?

Kamakalawa lang ay naisulat ko dito ang tungkol sa pagsasara ng kumpanya namin ilang buwan na lang mula ngayon. Habang nag-browse ako sa aking Yahoo mail, nahagip ng aking mga mata ang balitang ito…. at ito pa. Marami pang ibang news article kaugnay dito na naglalabasan ngayon.

At dahil nga ako’y nagkasakit, di ko alam kung ano ang announcement talaga, bad trip naman ang connection ko, at ayaw akong i-connect sa private network namin…hmmf. Bukas, malalaman ko na ang totoong lagay ng aking kinabukasan dito.

Another Day in the Jobless World…Ano na kasunod?

Ayan, matapos kong lumabas sa ospital, eto at kumekembot na ulit sa blog…ano pa nga ba? Nakaka-bore dito sa bahay…walang magawa, wala ka namang trabaho dito….

Isang araw na naman na walang trabaho, namnamin dahil kapag balik opisina na eh ayan na naman ang isang tambak na gagawin (parang may ginagawa daw ako hehe)….pano na kaya kung tuluyan na akong mawalan ng trabaho?

Noong Miyerkules, tinawagan ko si Ma.Lui para makisuyong ikuha ako ng Philhealth Claim Form para naman wala na akong bayaran sa hospital bill ko….nang naibulalas niya ang isang inaasahang balita na matagal nang bulong-bulungan sa opisina…..at yeS! yun at totoo nga! magsasara na ang kumpanya namin! Wahahaha!

Ano ba?! Baliw ba ako? Parang sobrang saya ko pa…ang totoo…wala lang, masaya ako kasi di naman ako affected, kasi malapit na din akong mag-resign, pero nakakalungkot para sa mahigit 3000 pang empleyado…pano na ung mga may edad na…mabuti na lang at maganda daw ang separation package na ino-offer…hmmm….iniisip ko tuloy kung magre-resign ako o hintayin ko na lang yung offer…hehe…pero kahit malaki pa ang separation package na ibigay, di naman panghabangbuhay na maisasantabi mo iyun…bagkus, ito’y mauubos at mawawala ng tuluyan…pagkatapos…ano na kasunod? Eh wala ka ngang trabaho di ba? Kung nasa retiring age ka na, pwede kang magnegosyo, pero sa estado ng Pilipinas ngayon, napakahirap magnegosyo kaya…ewan ko lang din, bigyan niyo nga ako ng ideya para makapag-negosyo na lang din…hmmm

Read more of this post

%d bloggers like this: