TOXIC

Sa mga oras na ito, ako’y nagnanakaw lang ng sandali dahilan sa napaka-TOXIC ng aking trabaho ngayon. Pakiramdam ko’y di na ako makahinga…iniwanan pa ako ng dalawang kasama ko, ako tuloy ang back-up nila ng walang kaabug-abog! haiz…

Bakit nga ba nasasabi nating “TOXIC” tayo kapag sobra ang kabisihan? Dahil ba sa di na tayo makahinga? Ang ka-bisihan ba ay parang lason? Ewan ko din…naisip ko lang ito, nag-umpisa kasi noong Lunes ang aking ka-toxican, kaya buong linggo, na-carry over…mag-pamahiin ba ako sa mga panahong ito…

Pero seriously speaking, palagi kong nararanasan ang ganitong scenario. If I started the week right, all days of the week are pretty good, pero kapag ganitong Monday eh Manic Monday na, toxicology ka pa…the whole week ay asahan mo nang toxic ako…

Subalit datapwat…haha…minsan kase, Saturday nag-start na outlook sa ng mga weekdays ko, carried over the following week, kaya nga pagdating naman sa money matters, dapat may pera ako ng Sabado, para lahat ng araw sa sumunod na linggo ay may pera ako…and so far, tama naman ang mga teorya kong ganito para sa aking buhay haha…

Haiz…thank God its Friday now, sana next week PETIKSOLOGY ulit…

Advertisements

Untitled Emotions 2

Eto na naman ako, di ko maintindihan kung ano ba ang mararamdaman ko…napapagod? naiinis? may nami-miss? kinikilig? nalulungkot ba? or na-frustrate? haiz life…halo halong emosyon, di ko malaman anong itatawag sa kanila…

Frustration…wala lang…kasi may mga bagay akong inaasahang maintindihan ng mga nakakatanda…pero dahil nga sa matanda na sila…di nila maintindihan…I wish God would have more patience on me, nagmumunyangot na naman ako dahil sa kanila…bukod dito…nadag-dagan na naman ng 2kgs ang aking timbang…parang isang gomaki noodles lang ang kinain ko kaninang lunch…kaloka talaga….

Napapagod…kasi kahapon ay company outing namin…wala naman akong ginawa kundi mag-lakad-lakad at mag-peechur peechur…kay dami kasing kasama…chempre dahil nga lahat ng empleyado kasama…mabuti na lang may sumama sa aking paglalakad…kaya lang nga nakakapagod…matapos ang pananghalian ay umulan pa…haiz…

Nakakalungkot….wala lang…ako’y nakakaramdam ng isang paparating na alon…di ko alam kung ano ba ito…pero kagaya siya ng dati…may krisis na naman yata…baka pizza lang ang kailangan ko…sana nga ganun…or else isa itong kabaliwan na naman….

Kinikilig…kasi naman si Nierz, pina-define na naman ang love…siyempre tinanong niya si eFeF nung kausap namin…sabi niya…ate define love?! hehe…chempre di namin ma-define…bumanat naman etong si Nierz ng “Love is in d air…its constantly around…” na siyang nagpatawa kay eFeF…after a while…tinanong naman ang aking own definition of love…wala din akong maisagot…kaya naman isa pang banat ng ganito ang binigkas niya…”Love is I.A.N…..coz I Am Nothing….without love”…patawewe talaga itong si Nierz, benta na naman ako…

May nami-miss…hmmm sino kaya yun…kase naman itong internet na ito…wala tuloy session…hyper pa naman kami kanina…kakanta pa naman kami ng Many The Miles ni Sara Bareilles…ang pinakabago kong peborit…Sara na naman ang pangalan niya in fairness…pero labs ko pa din naman si SG, nag-break lang muna ako dahil baka mauyam ako sa kanya…pero sa ganda niya ngayon…waahh…hehe…

Noong isang araw nga, umuwi ang nanay ko na may dalang paperbag ng Herbench…kase pala eh bumili siya ng shirt duon…di niya alam na meron palang kasamang poster…siyempre pa…ang poster ay ang ika nga ni Nierz eh…”Kapatid natin ate…” haha 😆 sino pa ang pinapangarap niyang kapatid na yun sa poster ng HerBench kundi si SG. haha…well sosyal at maganda talaga siya dun…hehe

Dun sa nami-miss ko…alam naman nating eFeF ka eh…kaya justified na yang pagiging ganyan mo dahil na naman sa blog entry na ito haha…

Untitled Emotions

Matapos ang ilang linggo ng ka-bchan, ngayon ko lang ulit binuksan itong wordpress blog ko para i-check kung ano na ang katayuan, sa kabutihang palad eh buhay pa din naman ang blog na ito hehe…

Nakapukaw lang ng aking pansin ang slightly significant number of views sa blog entry kong “It’s Pure Joy sa Kabila ng Kalungkutan”. Sa araw na ito kasi, isa siya sa may 3 views sa kabila ng password protection niya….ito’y nakaagaw ng aking atensyon dahilan sa ito’y nagpapatungkol sa kalagayan ko noong nasa gitna ako ng isang sitwasyong mauuwi sa matinding depression.

At sa mga sandaling ito naman, ako’y binabagabag ng isang bagay na aking nagawa o nasabi…di ko naman sinasadyang maging mean…may isa kasi akong kaibigang napaka-thoughtful and caring ang nagtanong kung ako daw ba ay na-suffocate na sa kanya…sa kanyang mga kakulitan…at nais nya daw malaman kung ano ba ang palagay ko sa aming pagkakaibigan…

Ano nga ba ang isinagot ko? Sabi ko kasi, “slightly suffocated”…I suppose the word “slight” means “a little”…thus I mean with that response that…I’m a little bit suffocated but it won’t be enough to strangle me to die in that friendship…sa pagkakaibigan kasi di ba…may give and take…I felt that sometimes…too much of the sweet and thoughtful gesture from that person makes me hard to breathe…kasi parang intake na lang ako ng intake ng oxygen…but its not that I am loosing air and do not want those gestures…I will always be grateful and always value everything that was kindly shared to me by that person…yun nga lang…I guess I failed to let that person know or feel that I do value everything…

Looks like, na-hurt kasi si friend…actually sinabi niyang na-hurt siya…and the truth hurts naman daw kasi pero ok lang sa kanya…Kaya naman I really feel bad…I told myself tuloy na sana di ko na sinagot ng maayos yung tanong niya…that’s why I hate opening up what i think or feel…may phobia na kasi ako sa mga ganitong bagay…the last time I tell everything that I wanna say to a person…matinding rift ang kinalagyan ko…

Well, sa ngayon siguro, akala niya di ko siya accepted as a friend…di kasi ako very vocal about friendship and all other related stuff…and nagkataon na kabaligtaran ko siya…and that person would say now na sana ay ma-accept ko din siya…and this makes me feel more bad…hayz…di ko maipaliwanag ng maayos sa kanya why I would feel that way…that suffocation thing…as I’ve said, di naman sa ayaw ko yun…

I wish I could hug that person and say na wag niyang isiping ganun…dahil kahit ano pa siya or sino siya…I believe in my heart na siya ang taong nilagay ni PJ sa dinaraanan ko para maging karamay at kaibigan ko…maging MS outlook sa akin for me to be reminded of anything hehe…maging prayer partner…maging friend ko in a way bounded by the love and guidance of PJ…di kasi niya alam na wala pa akong naging friend katulad niya…a friend that I could freely share my thoughts…my belief and things about PJ…and mga kalokohang kwento…all in one…which I couldn’t do with my other friends…yun nga lang…di kasi ako sanay sa sobrang ka-sweetan..lalo na pag vocal expression…which is palagi niyang ginagawa…kaya minsan i feel a little bit awkward…pero natutuwa naman ako kapag naririnig ko ang mga sweet expressions niya…kaya nga sinabi ko sa kanya that I’m “Sickly addicted” sa mga pangungulit niya at di niya kailangang baguhin yun dahil “na-suffocate” nga daw ako…Isa pa…i’m really curious kung bakit and how come na labs na labs niya ako when in fact we’re just friends for some time pa lang…curious lang naman ako…baka kasi nagiging too trusting na siya…that’s not a good attitude…it makes me a little bit worried…kahit sinasabi niyang mabait naman daw ako (ows…hehe as if mabait nga ako, pero opinyon niya yun).

I said sorry na…pero sabi niya I don’t need to be dahil nagsabi lang naman daw ako ng totoo and its part of me na kailangan niyang tanggapin…that’s life ika nga niya…at mas gusto naman daw niya yung nagsasabi ako ng totoo (sino nga bang hindi gusto yun di ba – takot lang kasi ako sa kanya…diktador kasi kaya napipilitan akong sumunod hehe…jowk lang)

well that’s life talaga…but I’m still sorry for the things I said that hurt her feelings…kung ako din naman nasa kalagayan niya ma-hurt din ako in a way…ikaw na nga nag-care tapos parang nabale-wala lang…di ba? Ganito talaga siguro ang buhay…what matters nga lang is that we learned from these experiences….

Siguro nga, I need to say that I love this friend of mine…pero ewan ko…bahala na…mababasa naman niya ito for sure eh hehe…sana di na siya magtampo…nararamdaman kasi ng mga nerves ko hanggang dito yun eh…hehe…and isa pa, I’m worried sa kanyang arms…isang buwan na palang masakit di pa nagpa-check-up…pasaway! hehe jowk lang ulit…basta…I’m really thankful sa kanya and of course kay PJ na nag-send sa kanya…kaya sana di na siya magtampo…at sana naman…alagaan niya sarili niya…mahirap magkasakit….lalong sana…wag na niyang pangarapin mag-smoke ng tobacco…ayoko ng smoker…at lalo nang ayokong nakikita ang kaibigan kong ni-abuse ang sarili niya through smoking…although di ko naman siya mapipigil gawin yun kung gusto niya…kaya nga hanggang wish muna ako ngayon….

ano kaya sasabihin niya dito…kaya nga wala akong maisip na blog entry title kundi “untitled emotions”…wala na kasi…halo-halo na…hehe…para na naman akong baliw neto…hayz life…

%d bloggers like this: