Untitled Emotions 2

Eto na naman ako, di ko maintindihan kung ano ba ang mararamdaman ko…napapagod? naiinis? may nami-miss? kinikilig? nalulungkot ba? or na-frustrate? haiz life…halo halong emosyon, di ko malaman anong itatawag sa kanila…

Frustration…wala lang…kasi may mga bagay akong inaasahang maintindihan ng mga nakakatanda…pero dahil nga sa matanda na sila…di nila maintindihan…I wish God would have more patience on me, nagmumunyangot na naman ako dahil sa kanila…bukod dito…nadag-dagan na naman ng 2kgs ang aking timbang…parang isang gomaki noodles lang ang kinain ko kaninang lunch…kaloka talaga….

Napapagod…kasi kahapon ay company outing namin…wala naman akong ginawa kundi mag-lakad-lakad at mag-peechur peechur…kay dami kasing kasama…chempre dahil nga lahat ng empleyado kasama…mabuti na lang may sumama sa aking paglalakad…kaya lang nga nakakapagod…matapos ang pananghalian ay umulan pa…haiz…

Nakakalungkot….wala lang…ako’y nakakaramdam ng isang paparating na alon…di ko alam kung ano ba ito…pero kagaya siya ng dati…may krisis na naman yata…baka pizza lang ang kailangan ko…sana nga ganun…or else isa itong kabaliwan na naman….

Kinikilig…kasi naman si Nierz, pina-define na naman ang love…siyempre tinanong niya si eFeF nung kausap namin…sabi niya…ate define love?! hehe…chempre di namin ma-define…bumanat naman etong si Nierz ng “Love is in d air…its constantly around…” na siyang nagpatawa kay eFeF…after a while…tinanong naman ang aking own definition of love…wala din akong maisagot…kaya naman isa pang banat ng ganito ang binigkas niya…”Love is I.A.N…..coz I Am Nothing….without love”…patawewe talaga itong si Nierz, benta na naman ako…

May nami-miss…hmmm sino kaya yun…kase naman itong internet na ito…wala tuloy session…hyper pa naman kami kanina…kakanta pa naman kami ng Many The Miles ni Sara Bareilles…ang pinakabago kong peborit…Sara na naman ang pangalan niya in fairness…pero labs ko pa din naman si SG, nag-break lang muna ako dahil baka mauyam ako sa kanya…pero sa ganda niya ngayon…waahh…hehe…

Noong isang araw nga, umuwi ang nanay ko na may dalang paperbag ng Herbench…kase pala eh bumili siya ng shirt duon…di niya alam na meron palang kasamang poster…siyempre pa…ang poster ay ang ika nga ni Nierz eh…”Kapatid natin ate…” haha😆 sino pa ang pinapangarap niyang kapatid na yun sa poster ng HerBench kundi si SG. haha…well sosyal at maganda talaga siya dun…hehe

Dun sa nami-miss ko…alam naman nating eFeF ka eh…kaya justified na yang pagiging ganyan mo dahil na naman sa blog entry na ito haha…

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

One Response to Untitled Emotions 2

  1. foobarph ay nagsabing:

    err.. eFeF?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: