TULIRO?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit masyado akong disoriented ngayon…simula nang dumating ako sa lugar na ito, animo’y nawala sa sistema ko ang mga dati kong libangan. Para tuloy akong nawala sa wisyo….ang alam ko lang, dahil sa tila pagka-homesick ko, napapadalas na naman ang pagdalaw ko sa PEX community at sg.com…

Subalit ang ipinagtataka ko sa sarili ko ay kung bakit, hindi ko magawang magkuha ng mga larawan sa paligid ng city at downtown. Maari ko naman gawin iyon at walang pipigil, ngunit parang nakalimutan ko ang lahat ng paraan kung paano ko ginagawa iyon. Senyales ba ito ng pagka-tuliro? O shock?! Oh my gulay, wag naman sanang magtagal ito, feeling ko tuloy ay parang wala ako sa katinuan. Pero nakakapag-isip pa naman ako ng ibang matinong bagay……

Ewan ko, basta alam ko, binabantayan naman ako ni PJ, siya na ang bahala sa akin…ngayon ko lubos na napagtanto na, mahirap iwan ang mga lugar na napamahal sa iyo, hinahanap hanap mo pa din…mas mabuti pa nga kung iiwan mo, at babalik ka din, ang mahirap ay ang matagal na walang balikan…paano na? Bahala na, sabi nga, move and live to the challenges of life….

Isa pang nakakapagpabagabag siguro sa akin ngayon eh, hindi ako sanay na maging PAL….pal…as in palamunin hahaha!… Kasi, sa ngayon ay ayaw tanggapin ng aking butihing pinsan ang financial share ko sa bahay nila, kaya lalo kong nafi-feel na PAL talaga ako…hay….

Ano na nga ba ang kasunod, mukhang makakahanap na ako ng panibagong libangan na may sweldo, sana nga, para makalipat din ako bahay at di na maging PAL…mas maganda siyempre ang nagsasarili…hayy tuliro nga naman ako…

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

2 Responses to TULIRO?

  1. Aling Peppay ay nagsabing:

    Alam mo ganyang ganyan din ako nung una akong makarating naman dito sa UAE. Parang nakakapanibago talaga, pero naisip ko na lang mas walang mangyayari saakin pag nasa pinas ako. Maoovercome mo din yan basta keep yourself busy and focus ka lang sa trabaho! Good luck!

  2. mousmous ay nagsabing:

    Aling Pepay…oo nga…nakaka-recover na ako ngayon…salamat…busy na din kasi sa bagong libangan…ang mahirap naman na kasunod ay ang paano mo pagkakasyahin ang oras mo. Mabuti na lang at nag-holiday kaya ako nakapag-blog ulit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: