Let it Snow! Let it Snow!

Let it snow….let it snow…let it snow!

Nung nasa Pinas pa ako, malimit kong kantahin yang awit na yan para maramdaman ang saya ng Kapaskuhan. At bakit hindi, napakasaya ng tugtuging ito at animo’y napakaganda ng White Christmas. Nandyan ang mga shopping malls na gagawa pa ng higanteng Christmas tree at lalagyan ng styro bits para magmukhang may snow ang mga puno.

Sa di inakala ng aking hinagap…pagdating pala sa totoong buhay, ang presensiya ng snow ay hindi biro. Kung ang paligid lang ay lalamig ng katamtaman habang may snow, marahil ay ma-appreciate mo pa ang pagkanta ng “Let it snow let it snow!”. Totoong masaya kapag bumabagsak ang snow…parang may magical feeling ba…pero pagkatapos nito ay isang masaklap na paligid…madumi dahil sa buhanging inilalatag sa ibabaw na snow upang ito’y huwag dumulas…at ang tumigas na snow ay parang bloke ng iyelong galing sa ice plant, kulang na lang ay roller blade ang isuot kong sapatos. Kaya kung aking iwi-wish, sana ay wag nang mag-snow ng madami….come again another day na lang…

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

2 Responses to Let it Snow! Let it Snow!

  1. ronturon ay nagsabing:

    Let it snow!

    yan ang wish ko dito sa Pilipinas… para matabunan yung lubak lubak na kalsada at muling maging patag. (lol)

    pero seryoso, hindi pa ko nakakaranas ng “white christmas”.. “brown christmas” meron , sand storm nung nasa mid east pa ko ang naranasan ko at “gray christmas” dito sa pinas dahil sa usok na galing sa tambucho ng kung anu anong sasakyan.

    ganba talaga? hindi kaaya aya ang paligid? hmmm.. napapaisip tuloy ako. Pero kahit pa, iba ang may snow.

    Yun nga lang, para sakin mas masarap pa ring mag pasko sa sarili mong bayan. Nakita mo na ba yung higanteng xmas tree sa cubao? haha anlaki. la lang, nasabi ko lang. hehehe

    maligayang pasko mous mous. at manigong bagong taon!

  2. mousmous ay nagsabing:

    naranasan ko na din yang gray Christmas sa Pinas, at inabutan ko pa last year ang higanteng Christmas tree sa cubao. Pero dito, totoong higanteng pine tree na may totoong snow at christmas light, akala ko nga joketime lang…totoo pala. Kaya lang talagang pag bumagsak ang napakaraming snow…napakahirap maglakad…tulad ngayon, kundi mo papalahin ay hanggang tuhod na siya…huhuhu…pero i must say iba nga talaga ang feeling, kaya lang mahirap at pangit pagkatapos nito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: