Tutawsan-enayn

Iniisip ko na mukhang ako ang pinakamalungkot ngayong bagong taon, pero bakit nga ba hindi? Maraming tao dyan ang nagdiriwang mag-isa ng Pasko at Bagong Taon. Sa kabilang banda naman ay eto ako at kasama ko ang aking pamilya. Hindi ko din maunawaan, marahil ay dahilan sa lahat ng nasa paligid ko ay bago, kala mo ay taon lang ang nagbago….hindi….lahat ay nagbago sa buhay ko.

Simula ng dumating ako sa lugar ng kalamigan, di ko maipaliwanag kung natuwa ba ako o nalungkot. Marahil ay masaya sa simula dahil naroon pa ang excitement at kagalakan na makita kung ano ang meron dito. Gayunpaman, pagkatapos kong mapagtanto na sa kabila ng maraming nangangarap na pumunta dito, ang bahagi ng mundong ito ay isa sa pinaka-boring na lugar para sa akin. Oo….BORING! Nothing’s interesting or entertaining, liban sa minamahal kong hobby – ang pag-iinternet.

Mayroon sanang magagawang iba, tulad ng mag-trekking, pero sino ba naman ang mag-trekking sa temperature na -40 degrees Celsius. Sa araw-araw na ginawa ni PJ, maswerte nang di ko maramdaman ang frostbite…kaya ba inaasahan kong marami pang frostbite ang darating sa isang taon.

Sobrang nami-miss ko tuloy ang Pinas…kahit mahirap at halos isumpa ko na ang gobyerno duon, at least napaka-entertaining ng buhay…dahil ke artista man o hindi, showbiz lahat ng tao…mahilig sa tsismis…sa intriga…sa pangingialam ng buhay ng may buhay….In fairness, kahit nakakabwisit ang mga yan ay nami-miss ko…dahil wala kaya niyan dito.

Ang masasabi ko lang maganda dito ay mas kumikita ka at nakakakain ng higit 3 beses sa isang araw (katakawan kasi)…hehe…Pero walang biro…at least sa darating na taon ay masasabi kong mas masagana siguro…pero hindi ko sinasabing madaming pera…dahil gaya ni turones, ang pera dito ay parang tubig din kung di mo ilalagay sa freezer…matutunaw….

Wala na akong masabi, nawa’y maging maganda para sa lahat ang darating na taon. Para sa mga kaibigan ko at mahal ko….sa buhay…hehe….Pinapangarap kong magkasama-sama tayo muli at magsalo sa isang boteng softdrinks…

Mabuhay!

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: