Tinatamad Ako!

Hay! ano ba ang nangyayari sa akin? 2009 na pero ako’y tamad na tamad gawin ang mga dapat kong tapusin! Ang sarap kasing matulog…pakiramdam ko ay isang taon akong kulang sa tulog…kaya ba nang matapos ang hatinggabi ng unang araw ng Enero ay binirahan ko ng 9 oras na tulog. Di ko din namalayan dahil 8 am na, madilim pa. Ganito pala dito….kaya mas lalong nakakatamad.

Huhu, hindi ko pa naipagpapatuloy ang paggawa ng technical report ko, sa isang linggo ay may klase na ulit kami…at ang adviser ko ay di ko pa natatawagan…patay na…kung bakit kasi ang bilis ng mga pangyayari este ng araw…mas masarap kasing makipagdaldalan at makipagchat…kaya siguro buong taon akong may ka-chat nito…ika nga sa pamahiin, kung ano ang ginawa mo sa unang araw ng taon, isang taon ding mangyayari sa iyo yun….

So kung 9 oras ba akong natulog ay magkakaraoon ako ng maraming pagkakataong matulog? ang korni noh!

Gusto kong mamasyal, ayoko pang magtrabaho! Nakakatamad as in nakakatamad! Pero walang magagawa, dapat harapin ang mga responsibilidad, para din naman sa aking kinabukasan ito, kung meron man. haha!

Sana ay nandito na lang ang mahal mo…para may kalandian este insiprasyon ka di ba? Pero ang layo nila este niya…

Ooops…nakaligtaaan kong may batang nagbabasa nitong bulog na ito…pasensiya na…joketime lang ung landian…hehe

Matutulog muna ako…mag aalas dos na ng madaling araw, pano kasi, natulog ako kanina, kaya ayan gising na gising pa…pero kelangan nang matulog ulit…good morning world!

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

3 Responses to Tinatamad Ako!

  1. aga ay nagsabing:

    hapi nu yir at sana ndi kana tamarin this yir asust🙂

  2. aLps ay nagsabing:

    Super procrastinator ako ngayong bakasyon.. Heto’t magpapasukan na wala pa rin aking nagagawa😦

  3. Mikko ay nagsabing:

    Oo nga, nakakamatad!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: