Alaala ng Maynila

old manila effect

Sa tuwing pinagmamasdan ko ang larawang ito na nakunan ko habang naglalakad sa dati kong tambayan, sumasagi sa aking alaala ang naging buhay estudyante ko noon. Nakaka-miss kasi ang napakaingay na paligid, ang kwek-kwek at tukneneng naglipana sa gilid ng pader. Siyempre pati ang kikiam, ang sago at gulaman, pati ang McDo na naging tambayan ko din nung bago pa lamang ako nagkokolehiyo. Na-miss ko din ang Jollibee sa may Lyceum na ngayon pala ay naglaho na din.

Siyempre, hindi ko din makakalimutan ang napakalaking orasan sa itaas ng Manila City Hall. Animo’y “Big Ben” ng Pilipinas, pero wag ka, late yung oras niyan. Minsan nga iniisip ko, bakit ba hindi tumugma sa Philippine Standard Time yung oras nito, ang dami daming walang relo lalo na ako…umaasa lang ako sa pasulyap sulyap sa orasan ng katabi ko sa jeep noon.

Hay ano ba….hanggang larawan na lang ang aking makikita sa ngayon…totoong there’s no place like Manila…

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

6 Responses to Alaala ng Maynila

  1. ronturon ay nagsabing:

    Mous,

    sa kulay pa lang ng pic mukang halata ko na edad mo! hahahaha!

    teka, kakamiss nga yan. at wag ka.. updated na ang oras nyan ngayon! hehe

    teka, matanong ko lang.. taga lyceum ka ba? taga-letran? taga-PLM o school mate ko sa Mapua?

  2. mousmous ay nagsabing:

    hahaha! naku effect lang yang kulay niyan! schoolmate pala kita!😆

    pero baka mas may edad ako sa iyo😆

  3. ronturon ay nagsabing:

    skulmeyt!!! hahaha

    engineer ka? arkitekto kasi ako mous! hindi lang halata! bwahahaha!!!

    anong batch ka po ba? changna po.. akalain mo po yun po? small world po no?. at malamang po mas may edad ka po sakin! milya milya po ata po! joke lang po…hehehe po…

    kasi hay em just in mid 20’s po. ikaw po ba po? ilang taon ka na po ba po? hahahaha

    — anong crs mo mous? asteg baka naman pareho pa tayo nyan? hehehehe anong batch?

    • mousmous ay nagsabing:

      oo nga, akalain mo yun! sa engineering po ako pero parang hindi haha…wala lang…arki ka pala…anong batch ba ako? basta beyond year 2000 na ako naka-graduate, malalaman kasi edad ko eh hahaha!

  4. mousmous ay nagsabing:

    oo nga pala, anong crs ko, instant engineer. haha!

    magkapitbahay lang ang department natin, kayo sa south, kami sa southwest.😛

  5. ronturon ay nagsabing:

    o sha, kung ayaw ilantad ang edad ok lang. hehe

    honga sa south kami at isolated kami dun kaya wala mashadong kakilala sa eng’g. hehehe.. IE ka pala ha…😛 ayos!

    at akalain mong mangilan ngilang Mapuan bloggers na din ang nakilala ko dito sa net! hahaha… asteg!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: