Namatay na si Albert!

Habang ako’y nagmumuni-muni kanina at inaalala ang mga kakesohan ko sa Maynila noon, nag-ring ang telepono at isang nakakabiglang balita ang natanggap namin. Si Albert ay namatay na! gash! huhu…kawawa naman…pero ok lang, dahil nung nandun pa kami sa bahay nila, ayaw naman akong pansinin nun.

Si Albert ay ang alagang ibon ni Anna na anak ng pinsan ko. Nung nasa bahay pa nila kami, malimit nag-iingay yun kapag gabi na at bukas pa ang ilaw. Kapag nagligalig na yun, hudyat na na kelangan nang matulog at patayin ang ilaw, dahil matutulog na din siya. Ganun din ang hudyat nun kapag umaga na at di pa inaalis ang tabing ng hawla niya, pati kapag nagugutom siya. Kung minsan, tinangka kong kausapin siya, subalit ako’y inisnab niya. Akalain mong ibon siya, akala mo naman kay ganda ganda niya. Animo’y love bird lang naman ang itsura niya pero ayaw niya ng may kasamang ibang ibon. selfish di ba?

Yun nga lang, namatay na daw siya ngayon, bunga ng pagkakabali ng pakpak niya pagkatapos mahulog. Di ko din maisip kung paano siya nahulog, nakalimutan ba niyang lumipad? Hay….

Condolence kay Albert….

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

2 Responses to Namatay na si Albert!

  1. Dansoy ay nagsabing:

    Kondolence nga naman. TT. Raan po.

  2. ronturon ay nagsabing:

    kondolence… ibon pala yun.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: