Bagong Libangan

Kamakailan lang ay nagawi ako sa aking bangko para humingi ng isang sertipiko na katunayang ako ay may account sa kanila at kung saan, nagsasaad ng aking pangkasalukuyang tirahan. Kung bakit kasi naman saksakan ng kaartehan ng Driver’s Licensing office dito sa Manitoba, sobrang daming ID ang hinihingi…at take note, hindi lang basta ID, kelangan ay nandun ang maganda kong larawan at ang eksaktong address ko. E papaano ko ba naman ibibigay ang madaming ID, kamakailan lang naman ako dumating dito. At para mapagbigyan na ako sa aking kagustuhang kumuha ng written o knowledge test, ako’y pinapunta sa katapat na bangko para kumuha ng sertipiko.

Ok, habang naghihintay kami, umeksena ang isang Financial Service Rep ng naturang bangko at inasikaso ang aking hinihingi. Matapos usisain sa kanyang kompyuter ang mga impormasyon tungkol sa akin, kumembot pa siya ng kung ano ano….of course medyo nalibang kami dahil sabihan ka ba namang “you’re Filipinas are beatuiful” – kembot di ba?! haha. Pagkatapos niyang mai-print ang sertipiko, isang bagay na kanyang nabanggit ang pumukaw sa atensyon ko, ang retirement savings plan at mutual funds. Matagal nang naglalaro sa aking isipan kung paano ba ang ganitong klaseng investment, kaya lang ay nakakatamad talagang magbasa. Kaya marahil ngayong 2009, since kelangan ko nang mag-ipon para sa kinabukasan, kailangan ko nang bigyan ng bagong kulay ang aking mga libangan…lalo na ang pagbabasa.

Isa sa mga bagong kong paglilibangan ay ang pag-iipon…siyempre ng pera at hindi ang mag-ipon ng utang. hehe. sana nga’y may maipon ako. wish me good!

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: