Mga Debotong Di Na Natuto

Nagawi ako sa front page ni Mareng Yahoo at nakita ko ang balita ng hindi na bagong riot sa prusisyon tuwing pista ng Nazareno sa Quiapo, Manila. Talagang napakarami pa din na debotong Pinoy ng santong ito, at sa tinagal tagal ng panahon, hanggang sa di mo na mailarawan ang mukha niya dahil sa kaitiman nito, hindi pa din nawawala ang paniniwalang Pinoy na ang pagsamba sa santong ito ang makakapagligtas sa kanila o di kaya’y makakatulong sa kaniya kaniyang problema sa buhay.

Ano nga ba ang saysay ng lahat ng ito kung ang santong dinidiyos ay di man lamang malinis ang kanyang sarili; at matapos ang 2000 taon mula ng tunay na mangyari ang pagpako sa krus kay Jesus, may pasan paring malaking kahoy ang santong ito? Di ba’t nabuhay na nga muli ang Panginoon at umakyat na sa langit? Naghihintay na lang tayo na bumalik siya ulit. Tabi-tabi po sa mga debotong Katoliko dyan. Subalit aminin man natin o hindi, ang patuloy na ritual na ito ay walang kabuluhan, sapagkat ang santong ito ay walang buhay, isang kahoy lamang.

Sabi nga sa Bible, masama ang pagsamba sa mga santo….ewan ko ba, pero di mo naman mapipilit na magbago ang tao. Ano ba ang kapalit ng ginagawang sakripisyo para sa isang araw na prusisyon, kitang kita naman na nagkakasakitan, nagaaway-away, dahil sa umiiral na kasakiman para lamang makalapit sa santo. Kung totoo kang mananampalataya, alam mo kung paano ang magbigay sino man ang dinidiyos mo. Pero sa kabilang banda, iba-iba nga naman ang katuruan ng mga relihiyon….pero ang mga Pinoy, di na natutuo…hanggang kelan ba ang ganito? Ilan pa ba ang mamamatay sa mga ganitong gawain?

Ang lahat ng ito ay walang kabuluhan, in the name of tradition, for the sake of our heritage, but it’s nonsense after all because it leads nowhere but to bloody hell….

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: