Nangarap sa Lotto

Sa tinagal ng panahon nang nagsimula ang Lotto sa Pilipinas, ni minsan ay di ko nagawang tumaya nang ako lamang, dahil di ako marunong. Alam kong kelangan mong pumili ng 6 na numero, kaya lang di ko alam paano ang pagtaya…pano ba pipili. Kung bakit kung kelan ako dumating dito sa Canada, tsaka ko naman natutunan ito.

Kasi naman etong si Ate Juls ko (ang pinsan ko), malimit ay bukambibig ang pagtama sa Lotto, kahit man lang daw $100k para naman maibayad sa mga utang niya. Yun lang naman ang pinapangarap niya dahil mahirap talaga ang buhay kahit saan…akalain mong pati sa Canada. Well, di naman sobrang hirap, kaya lang, totoo palang kapag dumating ka sa ibang bansa, katulad ng US at Canada, di pwedeng di ka mangungutang. Liban na lang kung milyonaryo ka na pagdating mo pa lang dito. Kelangan mo kasi ung mga credit rating at credit history ekek na yan, para kapag nag-apply ka ng loan para sa mga pinapangarap mong bahay o kotse ay madali kang ma-aprubahan. Siyempre, yun eh kung maganda ang credit rating mo.

Kaya ba naman ang mga tao dito, isang libangan ay ang pagtaya sa Lotto. Kunsabagay, kung sa Pinas eh Peso, dito ay tumataginting na million dollars, tax free pa. Who can resist nga naman, and who can’t be tempted. Katulad kanina, kaya ako nahikayat ay dahil $43M na ang jackpot. Akalain mo yun! x37 equals PHP1.5B! homaygash! Sana lang manalo ako dahil babayaran ko ang utang ng best friend at mga kamag-anak ko pag nagkataon.😛

Hay! Ang mangarap nga naman sa Lotto, wishful pero di ako lubos na umaasa, dahil alam ko naman na game of chances lang ito. At sabi nga, ang perang madaling nakuha ay madali din mawawala. Subalit simple lang naman ang pangarap ko eh, ang mawalan ng utang at magkaroon lang ng sarili kong bahay at makapunta sa iba’t ibang lugar….yun lang naman, pagkatapos nun ay magtatrabaho pa din ako para naman may libangan pa din.

Kaya kung mahilig kang tumaya sa Lotto, wag din masyado umasa, at wag gawing kaadikan, dahil di din maganda yan.

Wish me luck chocnut! na-miss ko tuloy ang chocnut

Paliwanag mousmous
Simpleng tao lang po! Paminsan-minsan ay nagiging espiritu para sa mga nakaka-miss sa akin. :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: